Job28
Kung Saan Matatagpuan ang Karunungan
1May mga minahan kung saanmatatagpuan ang pilakat may mga lugar kung saandinadalisay ang ginto.2Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa,at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato.3Gumagamit ng ilaw ang mga taoupang madaig nila ang kadilimansa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa.4Humuhukay sila ng daanan sa minahan,sa dakong walang taong nakatira at dumadaan.Bumababa sila sa pamamagitanng mga nakalaylay na lubid.5Ang ibabaw ng lupaay tinutubuan ng pagkain,ngunit ang ilalim nitoʼytinutunaw ng apoy.6Ang mga bato doon ay may mga safiro at ang mga alikabok ay may ginto.7Ang mga daan patungo roonay hindi makita ng mga ibon,kahit ng ibong mandaragit.8Hindi rin ito nadaananng mga mababangis na hayop o ng leon.9Hinuhukay ng mga taokahit na ang pinakamatigas na batosa ilalim ng bundok.10Hinuhukay nila ang bundokupang hanapin ang ibaʼt ibang uring mamahaling bato.11Hinahanap din nila ang mga ito sa mga ilog.12Ngunit saan nga ba matatagpuanang karunungan at pang-unawa?13Hindi alam ng taokung saan ito matatagpuan.Hindi ito matatagpuan dito sa lupa.14Hindi rin ito matatagpuansa kailaliman ng dagat.15Hindi rin ito nabibiling purong ginto o pilak.16Ang halaga nito ay hindi matutumbasanng ginto mula sa Ofiro ng alinmang mamahaling batogaya ng onise o safiro.17Higit pa ito sa ginto o kristal.Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas.18Ang koral at haspeay walang sinabi,ang halaga ng karununganay higit pa kaysa rubi.19Hindi ito mapapantayanng mamahaling batong topazna mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto.20Saan ba nagmumulaang karunungan?Saan ang tahanan ng kaunawaan?21Walang nilalang na makakakita nitokahit sa mga ibon.22Kahit na ang lugar ng kapahamakanna siyang lugar ng mga patay,sabi-sabi lang ang kanilang nalamantungkol dito.23Diyos lang ang nakakaalamkung saan matatagpuan ang karunungan.24Sapagkat nakikita niyakahit ang pinakamalayong bahagi ng mundoat ang lahat ng nasa ilalim ng langit.25Noong pinalakas niya ang hangin,at sinukat kung gaano karaming ulanang dapat bumuhos,26itinakda na niya kung saan ito papatak,at kung saan tatama ang kulog at kidlat.27Sa ganito niya ipinakita ang karununganat kahalagahan ng mga ito.Nasubukan na niya ito at napatunayan.28Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao,“Ang pagkatakot sa Panginoonat ang paglayo sa kasamaanay siyang karunungan at pagkaunawa.”Biblica, Inc.