Job27

Mga Huling Salita ni Job

1Nagpatuloy sa pagsasalita si Job,2“Sumusumpa ako sa Makapangyarihanat buháy na Diyosna nagkait ng katarunganat nagdulot sa akin ng sama ng loob.3Habang akoʼy may hiningang mula sa Diyosat pinapahintulutan niyang mabuhay,4hindi ako magsasalita ng masamaat kasinungalingan.5Hinding-hindi ko matatanggapna tama kayo.Ipipilit ko pa ring wala akong kasalananhanggang sa aking kamatayan.6Ipaglalaban kong tama ako,at hindi ako titigil.Malinis ang aking konsensiyahabang akoʼy nabubuhay.
7“Parusahan nawa ng Diyosang mga kumakalaban sa akinng parusang nararapatsa masasamang tao!8Sapagkat ano ang pag-asang taong walang takot sa Diyoskung bawiin na ng Diyosang kanyang buhay?9Diringgin kaya ng Diyosang paghingi niya ng tulongkung dumating sa kanya ang kagipitan?10Matutuwa kaya siyasa Diyos na Makapangyarihan?Tatawag kaya siya sa kanyasa lahat ng oras?
11“Tuturuan ko kayong tungkol sa kapangyarihan ng Diyos.Sasabihin ko sa inyoang mga pamamaraan niya.12Ngunit nakita na ninyoang lahat ng ito.Bakit pa kayo nagsasalitang walang kabuluhan sa akin?
13“Ito ang kapalarang itinakdang Diyos na Makapangyarihansa taong masama at malupit.14Kahit gaano kadami ang anak niya,mamamatay ang iba sa kanila sa digmaanat ang iba naman ay sa gutom.15Ang matitira sa kanilaay mamamatay sa sakit,at walang magluluksasa pagkamatay nila,kahit ang kanilang mga asawa.16Mag-ipon man ng maraming pilakang masamang tao,kahit kasindami pa ito ng alabokat maraming damit,na ang dami ay gabundok17ang matutuwidat walang kasalanan pa rinang magsusuot ng kanyang mga damitat ang maghahati-hatisa kanyang mga pilak.18Ang itinatayo niyang bahayay parang sapot ng gagambao kayaʼy silungan ng tagapagbantay.19Matutulog siyang mayamanngunit paggising niyaʼywala na ang kanyang kayamanan.20Darating sa kanya ang takotna parang rumaragasang bahaat tatangayin siya ng ipuipopagsapit ng gabi.21Tatangayin siya ng hangingmula sa silanganat mawawala siya sa kanyang tirahan.22Walang awa siyang tatangayin nitohabang pinipilit niyang makatakas.23May mga papalakpakat susutsot sa kanya upang mangutya,dahil wala na siya sa kanyang tinitirhan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3