Job26

Sumagot si Job

1Sumagot si Job,2“Ang akala mo baʼy natulungan moang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina?3Ang akala mo baʼy napayuhan moang kapos sa karunungansa pamamagitan ng iyong karunungan?4Saan ba nanggalingang mga sinasabi mong iyan?Sinong espiritu ang nagturo sa iyona sabihin iyan?
5“Nanginginig sa takot ang mga pataysa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig.6Lantad sa paningin ng Diyosang lugar ng mga patay.Hindi maitatago ang lugar ng kapahamakan.7Inilatag ng Diyos ang kalawakan sa hilagaat ibinitin ang mundo sa kawalan.8Ibinabalot niya ang ulansa makakapal na ulap,ngunit hindi ito napupunitgaano man kabigat.9Tinatakpan niya ng makapal na ulapang bilog na buwan. 10Nilagyan niya ng hanggananang langit at dagatna parang hangganan dinng liwanag at dilim.11Sa pagsaway niyaay nayayanig ang mga haligi ng langit.12Sa kanyang kapangyarihanay pinaaalon niya ang dagat;sa kanyang karununganay tinalo niya si Rahab.13Sa pamamagitan ng pag-ihip niyaay umaaliwalas ang langit,at sa kanyang kapangyarihanpinatay niya ang gumagapang na ahas. 14Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya.Parang isang bulong langna ating napakinggan.Sino ngayon ang makakaunawasa kapangyarihan ng Diyos?”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3