Job22

Nagsalita si Elifaz

1Pagkatapos, sumagot si Elifaz na taga-Teman,2“May pakinabang ba ang tao sa Diyos?Kahit na marunong pa ito,wala itong maitutulong sa kanya.3Matutuwa kaya ang Diyos na Makapangyarihankung matuwid ka?May mapapala ba siya sa iyokung walang kapintasan ang buhay mo?
4“Sinasaway ka at hinahatulan ng Diyoshindi dahil may takot ka sa kanya,5kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan moat walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan.6Walang awa mong kinukuhaang damit ng iyong kapwabilang garantiya sa kanyang utang sa iyo.7Hindi mo binibigyan ng tubig ang nauuhawat hindi mo rin binibigyanng pagkain ang nagugutom.8Ginagamit mo ang iyong kapangyarihanat kadakilaan sa pangangamkam ng lupa.9Kapag humihingi sa iyo ng tulongang mga biyuda,pinauuwi mo silang walang dala.Pinagmamalupitan mo papati ang mga ulila.10Iyan ang mga dahilankung bakit napapalibutan ka ng patibongat dumarating sa iyoang biglang pagkatakot.11Iyan din ang mga dahilankung bakit nadiliman kaat hindi nakakita,at inaapawan pa ng baha.
12“Ang Diyos ay nasa kataas-taasang langit,mas mataas pa sa pinakamataas na bituin.13Kaya sinasabi mo,‘Hindi alam ng Diyosang ginagawa ko.Paano siya makakahatolkung napapalibutan siyang makapal na ulap?14Napapalibutan nga siyang makapal na ulap,kaya hindi niya tayo makikitahabang naglalakad siyasa itaas ng langit.’15Patuloy ka bang susunodsa pag-uugaling matagal nang sinusunodng taong masasama?16Namatay sila nang wala pa sa panahon;katulad sila ng pundasyon ng bahayna tinangay ng baha.17Sinabi nila sa Diyos na Makapangyarihan,‘Pabayaan mo kami!’At ‘Ano baʼng magagawang Diyos na Makapangyarihan sa amin?’18Ngunit ang Diyos ang siyang pumunosa kanilang tahanan ng mabubuting bagay.Kaya ang ipapayo ng masasamang taoay hindi ko tatanggapin.19Kapag nakita ng mga taong matuwidat walang kasalananang kapahamakan ng mga taong masama,matutuwa sila at magdiriwang.20Sasabihin nila, ‘Napahamak naang mga kaaway natin,at natupok sa apoy ang kayamanan nila.’
21“Job, magpasakop ka sa Diyosat makipagkasundo sa kanyaupang pagpalain ka niya.22Tanggapin mo ang kanyang mga itinuturoat ingatan sa iyong pusoang kanyang mga salita.23Kung manunumbalik ka sa Diyosna Makapangyarihan,at aalisin ang kasamaansa iyong sambahayan,muli ka niyang bibiyayaan.24At kung ituturing mong parang buhangin langang iyong kayamanan,at itatapon sa ilogang iyong mamahaling ginto,25ang Diyos na Makapangyarihanang magiging kayamanan mo,Mamahaling pilak siya para sa iyo.26At saka mo matatagpuanang kaligayahang nagmumulasa Diyos na Makapangyarihan,at hindi ka mahihiyanglumapit sa kanya.27Manalangin ka sa kanyaat diringgin ka niya.Tuparin moang iyong mga pangako sa kanya.28Anuman ang binabalak mong gawinay mangyayariat magiging maliwanag ang iyong daan.29Kung may taong nanghihina,at kung idadalangin mo sa Diyosna palakasin siya,tutulungan niya ang taong iyon.30Pati ang mga taong nagkasalaay ililigtas niya sa pamamagitanng buhay mong matuwid.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3