Job23

Sumagot si Job

1Pagkatapos, sinabi ni Job,2“Hanggang ngayoʼy labis pa rinang hinaing ko.Pinahihirapan pa rin ako ng Diyossa kabila ng labis kong pagdaing.3Kung alam ko langkung saan ko siya hahanapin;kung makakapunta lang sana akosa kinaroroonan niya,4sasabihin ko sa kanya ang aking kasoat ilalahad ang aking katuwiran.5Gusto kong malamankung ano ang isasagot niya sa akinat gusto ko ring maintindihanang sasabihin niya.6Makikipagtalo kaya siya sa akingamit ang kapangyarihan niya?Hindi! Hindi niya iyon gagawin,kundi pakikinggan niya ako.7Ang taong matuwid na tulad koay maaaring mangatuwiransa harap ng aking hukom,at palalayain niya ako nang lubusan.
8“Akoʼy pumunta sa silangan,ngunit wala siya roon;pumunta ako sa kanluran,ngunit hindi ko siya makita.9Hindi ko siya natagpuan sa hilaga,sapagkat siyaʼy nakakubli.Hinanap ko siya sa timog,ngunit siyaʼy natatakpan.10Ngunit alam niyaang aking ginagawa.Pagkatapos niya akong subukan,makikita niyang malinis akotulad ng purong ginto.11Sinunod ko ang kanyangmga hakbang;hindi ko ito sinuway.12Sinusunod ko ang kanyang mga utos,at iniingatan ko ito sa aking puso.Pinahahalagahan ko ang mga salita niyanang higit pa sa pang-araw-arawkong pagkain.
13“Ngunit malaya ang Diyosna gawin ang nais niyang gawin;walang sinumang makahahadlang sa kanya.14Kaya gagawin niyaang binabalak niyang gawin sa akin,at marami pa siyang planonggagawin sa akin.15Kaya natatakot ako sa kanya.At kapag iniisip ko ito,lalo akong natatakot.16Pinahihina ng Diyos ang aking puso,tinatakot ako ng Makapangyarihan.17Ngunit hindi ako mananahimikkahit na akoʼy pinapalibutan ng kadiliman,kahit na akoʼy binabalot ng karimlan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3