Job21
Nagsalita si Job
1Sumagot si Job,2“Pakinggan ninyo akong mabutiupang mapasaya rin ninyo ako.3Makinig kayo habang nagsasalita akoat kapag akoʼy tapos na,tuyain ninyo ako kung gusto ninyo.4“Ang hinaing koʼy hindi laban sa tao.Ito ang dahilan kung bakit maikliang pasensya ko.5Tingnan ninyo akoat kayoʼy masisindak.Sa nakita ninyo sa akinmakakapagsalita pa ba kayo?6Kung iisipin ko ito, akoʼy nangangatog;at nababalot ng takotang buo kong katawan.7Bakit patuloy na nabubuhayang mga masama?Tumatanda sila at nagiging maunlad.8Nakikita nila ang paglaking kanilang mga anak at apo.9Namumuhay sila sa kanilang tahananna ligtas sa panganibat walang kinatatakutan.Hindi sila pinaparusahan ng Diyos.10Walang tigil ang panganganakng kanilang mga bakaat hindi ito nakukunan.11Marami silang anak,parang kawan ng tupa sa dami; at ang mga itoʼy nagsasayawan.12Silaʼy nag-aawitan,at nagkakatuwaan sa tugtogng tamburin, alpa at plauta.13Namumuhay sila sa kasaganaanat payapang humihimlay sa libingan.14Ngunit sinasabi nila sa Diyos,‘Pabayaan mo kami!Ayaw naming malamanang iyong mga pamamaraan.15Sino kang Makapangyarihanna dapat naming paglingkuran?At ano ba ang mapapala naminkung mananalangin kami sa iyo?’16Subalit ang totoo,ang pag-unlad nilaʼy hindi galingsa sarili nilang pagsisikap.Kaya anuman ang ipapayong masasamang taong itoay hindi ko tatanggapin.17“Subalit madalang ang taong masasamâna namamatay.Bihirang dumating sa kanilaang kahirapano parusang ipinapadala ng Diyosdahil sa kanyang galit.18Bihira nilang maranasanang mapalayastulad ng ipa na tinatangayng malakas na hangin.19Sinasabi ninyongkapag hindi sila parurusahan ng Diyos,ang mga anak nila ang parurusahan.Ngunit sa ganang akin,ang nagkasala ang siyangdapat parusahan ng Diyosupang maunawaan nila ang kanyang hatol.20Nawaʼy makita nilaang kanilang kapahamakan.Matikman sana nila ang galitng Diyos na Makapangyarihan.21Kapag patay na sila,hindi na nila malalamanang mga nangyayarisa kanilang sambahayan.22“Matuturuan ba ng tao ang Diyos,na siya ngang pinakamataas na hukom?23May mga taong namamataysa gitna ng kasaganaanat panatag na kalagayan;24malusog na pangangatawanmasisigla at matitibay ang buto.25May mga tao ring namamataysa kahirapan,at hindi nakaranas ng kahit kauntingkaginhawahan sa buhay.26Ngunit pareho rin silang ililibing sa lupaat kakainin ng mga uod.27“Alam ko kung ano ang nasa isip ninyo.Alam ko kung anoang binabalak ninyolaban sa akin.28Sasabihin ninyo sa akinang tungkol sa mga taong mayamanna nawasak ang tahanandahil sa kanilang kasamaan.29Hindi ba kayo nakapagtanongsa mga naglalakbay?Hindi ba ninyo binigyang pansinang kanilang mga salaysay?30Sabi nila, ang masamaʼy nakakatakassa araw ng kapahamakan,at silaʼy nakakaligtas sa arawng kaparusahan.31Walang sumasawaysa mga taong masasamâ.Walang gumagantisa kanilang mga maling gawa.32At kapag namatay siyaat inihatid sa huling hantungan,maraming tao ang nakikipaglibing.33Tinatanggap ng lupa ang kanyang katawanat binibigyan ito ng kapahingahan.Binabantayan paang kanyang libingan.34“Kaya paano ninyo ako maaaliwsa pamamagitan ng mga salita ninyongwalang kabuluhan?Ang mga sinasabi ninyoʼywalang katotohanan!”Biblica, Inc.