Job20

Nagsalita si Zofar

1Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,2“Kailangang magsalita na akodahil hindi ako mapakali.3Sinaway mo akonang may pangungutyaat may nag-uudyok sa isip kongikaw ay sagutin.
4“Tiyak na alam mo na mula panoong unang panahon,simula nang likhainang tao sa mundo,5ang ligaya ng masamang taoʼypanandalian lang.Totoong hindi nagtatagalang kasiyahan ng taonghindi naniniwala sa Diyos.6Kahit na kasintaas ng langit at ulapang tingin niya sa kanyang sarili,7mawawala rin siya magpakailanmankatulad ng kanyang dumi.Ang mga kakilala niyaʼy magtatakakung nasaan na siya.8Mawawala siya na parangisang panaginipo pangitain sa gabiat hinding-hindi na matatagpuan.9Hindi na siya makikitang mga nakakakilala sa kanyaat mawawala siyasa dati niyang tirahan.10Ang mga anak niya ang magbabayadng mga ninakaw niya sa mga dukha.11Ang lakas ng kabataang kanyang taglaysa alabok ay kasama niyang mahihimlay.
12“Ang paggawa niya ng masamaay parang pagkaing matamissa kanyang bibig13na nginunguyang mabutiat ninanamnam.14Ngunit pagdating sa tiyan,ito ay nagiging maasimat lalason sa kanya na parangkamandag ng ahas.15Isusuka niya ang kayamanang ninakaw niya.Ipapasuka ito ng Diyos sa kanyakahit itoʼy nasa tiyan na niya.16Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahasat ang pangil  ng ahasang papatay sa kanya.17Hindi na niya matitikmanang saganang langis, gatas, at ang pulotna dumadaloy na parang batis o ilog.18Hindi siya gagantimpalaanpara sa kanyang pinaghirapano matutuwa man sa kanyang kayamanan.19Sapagkat inapi niyaat pinabayaan ang mga dukha,at inagaw ang mga bahayna hindi sa kanya.
20“Hindi niya mapapakinabanganang kanyang pinaghirapan.Lahat ng magugustuhan niyaay hindi makakaligtas sa kanya.21Wala nang matitira sa kanyana makakain niyadahil mawawala ang kanyang kayamanan.22Sa kanyang kasaganaan,darating sa kanya ang kahirapan.Labis na paghihirap ngaang darating sa kanya.23Bubusugin siya ng Diyosng paghihirap.Patitikimin siya ng Diyosng kanyang matinding galit,at pauulanan ng parusa.24Maaaring makatakas siyasa sandatang bakalngunit tatamaan din siyang panang tanso.25Tutusok ito sa kanyang apdoat tatagos sa kanyang katawan.At makakaramdam siya ng takot.26Mawawala ang kanyang kayamanansa kadiliman.Susunugin siya ng apoyna hindi tao ang nagpaningas,pati na ang lahat ng naiwansa kanyang tirahan. 27Ihahayag ng langitang mga kasalanan niyaat sasaksi naman ang lupalaban sa kanya.28Tatangayin ng baha ang bahay niyasa araw na ibuhos ng Diyosang kanyang galit.29Iyan ang kapalaran ng taong masamaayon sa itinakda ng Diyos sa kanya.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3