Job19
Sumagot si Job
1Muling sumagot si Job,2“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan,at sasaktan sa mga sinasabi ninyo?3Paulit-ulit ninyo akong iniinsulto.Hindi na kayo nahiyasa mga ginagawa ninyosa akin?4Kung talagang nagkasala ako,problema ko na iyon.5Ang akala ninyoʼy mas magaling kayokaysa sa akin,at ginagamit ninyo ang kahihiyan kobilang patunay na nagkasala ako.6Dapat ninyong malaman,ang Diyos ang humatol sa akinnang hindi tama.At nahuli ako ng kanyang lambatna nakapalibot sa akin.7“Tumawag akoat humingi ng tulongngunit walang sumagot sa akin.Humingi ako ng katarunganngunit walang nagbigay sa akin.8Hinarangan ng Diyosang dinadaanan koupang hindi ako makadaan.Tinakpan din niya ito ng kadiliman.9Inalis niya ang aking karangalanat sinira ang mabuti kong pangalan. 10Pinahirapan niya akosaanman ako bumalingna halos ikamatay ko na.Inalis niya ang pag-asa kona parang punongkahoy na binunot.11Labis ang galit niya sa akinat itinuring niya akong kaaway.12Pinadalhan niya ako ng mga sundalopara salakayin at palibutan ang aking tolda.13“Inilayo niya sa akinang aking mga kamag-anak; at nilayuan na akong aking mga kakilala.14Wala na ang lahat ng taong malapít sa akin.Pati mga kaibigan koʼy nilimot na ako.15Hindi na ako kilala ng aking mga bisitaat mga babaeng alipin.Itinuring na nila akong dayuhan.16Kapag tinatawag ko ang aking alipin,hindi na niya ako pinapansin,kahit makiusap pa ako.17Ang asawa koʼy nababahuan sa hininga koat ang mga kapatid kong lalakiay nandidiri sa akin.18Hinahamak ako kahit ng mga batang paslit.Kapag nakikita nila ako, pinagtatawanan nila ako.19Lahat ng matalik kong kaibiganay nasusuklam sa akin.Pati mga mahal ko sa buhayay lumayo na rin.20Butoʼt balat na lang akoat halos mamamatay na.21“Maawa kayo sa akin,mga kaibigan ko,dahil pinahihirapan ako ng Diyos.22Bakit ninyo ako inuusigtulad ng ginagawa ng Diyos sa akin?Hindi pa ba sapatang pagpapahirap ninyo sa akin?23“Mabuti sana kung isinulat sa aklatang mga sinabi ko,24o di kayaʼy iniukit ito sa batoupang hindi mabura magpakailanman.25Alam kong buháy ang aking Tagapagligtasat sa bandang huliay darating siya dito sa lupa.26Pagkaalis ko sa katawang itoat mabulok ang mga laman ko,makikita ko na ang Diyos. 27Makikita ko siya nang harapanat hindi na siya iba sa akin.Labis na akong nananabikna makita siya.28“Kung sasabihin ninyo,‘Patuloy natin siyang paratangandahil siya mismo ang ugatng mga kaguluhan.’29Katakutan ninyo ang talim ng tabak,sapagkat ito ay parusang nararapatdulot ng kanyang matinding poot,upang malaman ninyong may paghahatol.”Biblica, Inc.