Job18
Nagsalita si Bildad
1Pagkatapos, sumagot si Bildad na taga-Shua,2“Job, hanggang kailan ka bamagsasalita ng ganyan?Ayusin mo ang sinasabi moat saka kami makikipag-usap sa iyo.3Ang tingin mo ba sa aminay mga hayop na hindi nakakaunawa?4Sinasaktan mo lang ang sarili modahil sa galit mo.Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo,pababayaan na ng Diyos ang mundoo ililipat niya ang mga batomula sa kanilang kinalalagyan?5“Sa totoo lang, ang taong masamaay tiyak na mamamatay.Ang tulad niyaʼy ilawna hindi na magbibigay ng liwanag.6Magdidilim sa kinaroroonan niya,dahil mamamatay ang ilawangmalapit sa kanya.7Noon ay may katatagan siyangunit ngayon ay bumabagsak.Ang sarili niyang planoang siya ring sisira sa kanya.8Siya mismo ang lumakadpapunta sa bitagat nahuli siya.9Hindi na maalis doonang mga paa niya.10Inilagay ang bitagsa dinadaanan niya,at tinabunan ng lupa.11Napapaligiran siya ng mga bagayna kinatatakutan niyaat para bang hinahabol siya ng mga itosaanman siya pumunta.12Dahil sa pagkagutom,unti-unting nababawasanang lakas niya.At ang kapahamakanay nakahanda upang ipahamak siya.13Ang balat niyaʼy sinisirang nakakamatay na sakitat nabubulok ang kanyangmga paaʼt kamay.14Pinaalis siya sa tahanangkanlungan niyaat dinala sa harapng nakakatakot na hari.15Mawawala ang tirahan ng masamadahil masusunog iyonsa nagniningas na asupre.16Ang katulad niyaʼy isang punongkahoyna natuyo ang mga ugatat mga sanga.17Makakalimutan siyang lahat dito sa daigdigat wala nang makakaalala pa sa kanya.18Palalayasin siya mula ritosa maliwanag na daigdigpatungo sa madilim na lugarng mga patay.19Wala siyang magiging anak o apoat walang matitirang buhay sa pamilya niya.20Ang mga tao sa saanmang lugar ay magtataka at matatakotsa mga nangyayari sa kanya.21Ganyan nga ang sasapitinng taong masama na hindikumikilala sa Diyos.”Biblica, Inc.