Job17
1“Malapit na akong mamatay;parang malalagot na ang aking hininga.Nakahanda na ang libingan para sa akin.2Napapaligiran ako ng mga mangungutya.Kitang-kita ko kung paano nila ako kutyain.3O Diyos, tulungan nʼyo po ako na makalaya.Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin.4Isinara nʼyo ang isipanng aking mga kaibiganupang hindi sila makaunawa.Kaya huwag ninyong payagangmagtagumpay sila sa kanilangmga paratang sa akin.5Katulad sila ng taong nandadayasa kanyang mga kaibiganupang magkapera,at ito ang magiging dahilanng paghihirap ng kanyang mga anak.6“Ginawa akong katawa-tawa ng Diyos sa mga taoat dinuraan pa nila ang mukha ko.7Nagdilim na ang paningin kodahil sa matinding kalungkutan;halos butoʼt balat na ako,at halos kasingnipis na ng anino.8Ang mga taong matuwid ay nagulatsa nangyaring ito sa akin.Ang mga walang salaʼy nagngitngit sa galitdahil sa mga hindi makadiyos.9Ngunit ang matuwiday nananatili sa kanyang landasat ang mga may malinis na kamayay lalo pang tatatag.10Ngunit hinahamon ko silana minsan pa nila akong siyasatin.At tiyak na matutuklasan kongwala kahit isa sa kanilaang nakakaunawa.11Malapit nang matapos ang mga araw ko.Bigo ang mga plano koʼt hinahangad.12Ngunit sinasabi ng ibana baka sakaling maging mabuti rinang kalagayan ko sa hinaharap,dahil sa kabila raw ng dilimay may liwanag.13Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa,doon ito sa lugar ng mga pataykung saan ako titira.At nais ko nang ilagay ang higaan kosa madilim na lugar na iyon.14Ituturing kong ama ang libingan koat ang mga uod ang siya kong inaat babaeng kapatid.15May pag-asa pa kaya ako?Sinong makapagsasabina may pag-asa pa ako?16Kasama kong malilibingang pag-asa ko.Magkakasama kami roonsa ilalim ng lupa.”
Biblica, Inc.