Job16
Sumagot si Job
1Sumagot si Job,2“Napakinggan ko na iyan noon pa.Sa halip na aliwin ninyo ako,lalo nʼyo pang pinabigatang paghihirap ko.3Hindi na ba kayo titigilsa pagsasalita ng walang kabuluhan?Ano baʼng gumugulo sa isipan nʼyoat wala kayong tigilsa pakikipagtalo sa akin?4Kung kayo ang nasa kalagayan ko,masasabi ko rin ang katuladng mga sinasabi ninyo sa akin.Pagsasabihan ko kayoat kukutyain pa.5Ngunit hindi ko gagawin iyon.Sa halip, magsasalita akong mga salitang makapagpapalakasat makapagpapaaliw sa inyo.6“Ngunit sa ngayon, patuloy pa rinang paghihirap ko kahit ano paang sabihin ko.At kung tumahimik man ako,hindi rin ito mawawala.7O Diyos, pinanghina nʼyo akoat winasak ang buong sambahayan ko.8Pinapayat nʼyo ako; butoʼt balat na lang ako,at ayon sa iba ito ang katunayanna akoʼy nagkasala.9Sa galit nʼyo, O Diyos,sinalakay nʼyo ako.Para kayong mabangis na hayopna lumuray ng aking laman.Nagngangalit ang inyong ngipinat tinititigan nʼyo akona parang akoʼy inyong kaaway.10Kinukutya akoat pinagtatawanan ng mga tao.Sinasampal upang hiyain.Nagkaisa sila laban sa akin.11Ipinaubaya ako ng Diyossa kamay ng taong masasamaat makasalanan.12Maganda ang kalagayan ko noon,ngunit dinurog niya ako.Hinawakan niya ako sa leeg,inilugmok, at ginawa niyaakong puntiryahan.13Pinalibutan ako ng mga tagapana niyaat walang awang pinagpapana.Tinamaan ang aking bato,at ang apdo koʼy bumulwak sa lupa.14Paulit-ulit niya akong sinusugatan.Sinasalakay niya akong parang mandirigma.15“Nagdamit ako ng sakoat naupo sa lupa upang magluksa.16Namumula na ang aking mukhaat namumugto na ang aking mga matasa kakaiyak.17Wala akong nagawang kasalananat tapat ang aking panalangin.18“Ang katulad koʼy isang taong pinatayna nakikiusap sa lupa na huwag tatabunanang kanyang dugo hanggaʼthindi niya nakakamtanang katarungan.19Kahit ngayon ang saksi koʼy nasa langit.Siya ang magpapatunayna wala akong kasalanan.20Hinahamak ako ng mga kaibigan ko;ngunit umiiyak ako sa Diyosat humihingi ng tulong sa kanya.21Ang saksi ko ang siyang magmamakaawasa Diyos para sa akin,katulad ng taong nakikiusappara sa kanyang kaibigan.22Sapagkat malapit naakong pumanawat hindi na babalik pa.Biblica, Inc.