Job15

Nagsalita si Elifaz

1Sumagot si Elifaz na taga-Teman,2“Job, ang taong marunongay hindi nagsasalita ng walang kabuluhan.3Hindi siya nakikipagtalosa mga salitang walang saysay.4Ngunit ang mga sinasabi moʼymagtutulak sa taoupang mawalan ng paggalang sa Diyosat magiging hadlang sa paglilingkod sa kanya.5Ang sinasabi moay bunga ng iyong kasamaan.At dinadaya mo ang ibasa pamamagitan ng iyong mga sinasabi.6Hindi na kailangang hatulan pa kita,dahil ang iyong mga sinasabi mismoang nagpapatunay laban sa iyo.
7“Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang?Ipinanganak ka na babago nilikha ang mga bundok?8Narinig mo na baang mga plano ng Diyos?Ikaw lang ba ang marunong?9Ano baʼng alam mo na hindi namin alam?At ano ang naunawaan mona hindi namin naunawaan?10Natuto kami sa matatandana mas matanda pa kaysa sa iyong ama.11Sinabi namin sa iyoang mga salitang mula sa Diyosna makapagbibigay ng lakasat aliw sa iyo.Hindi pa ba sapat iyon?12Bakit nagpapadala kasa iyong damdamin?At bakit ang mga mata moʼynanlilisik sa galit,13kaya sa iyong pananalitaʼy kinakalaban mo ang Diyosat nagsasalita ka nang masama?
14“Kaya ba ng isang taona mamuhay nang malinis at matuwidsa paningin ng Diyos?15Ni hindi nga lubusangnagtitiwala ang Diyossa mga anghel niya.Kung ang mga nilalang niyang itona nasa langitay hindi lubusang malinissa kanyang paningin,16ang tao pa kaya na ipinanganakna masama at makasalanan,at uhaw sa paggawa ng masama?
17“Job, pakinggan mo ako.Sasabihin ko sa iyoat ipapaliwanag ang mga naranasan ko.18May masasabi rin tungkol ditoang mga marurunong na taona natuto sa kanilang mga ninuno.19Sila lang ang nagmamay-aring kanilang lupain,at walang dayuhang sumakop sa kanila.20Ang taong masamaay maghihirap habambuhay.21Palagi siyang kinakabahankahit na walang panganib,dahil iniisip niyang baka salakayinsiya ng mga tulisan.22Takot din siyang pumunta sa dilimdahil baka may pumatay sa kanya.23Kung saan-saan siyanaghahanap ng pagkain.Alam niyang malapit nang dumatingang kapahamakan. 24Kaya labis ang kanyang pagkatakot,katulad ng hari na naghahandasa pagsalakay sa kanyang mga kaaway.25Nangyayari ito sa kanyadahil nagrerebelde at sumusuway siyasa Diyos na Makapangyarihan.26Para siyang nakahawak sa matibay na kalasagat handang kalabanin ang Diyos.27Kahit na ang mukha niyaʼy nababalot ng tabaat umuumbok ang kanyang bilbil,28titira siya sa mga gibang bayan,sa mga bahay na walang nakatiraat malapit nang gumuho.29Hindi na dadami ang kanyang kayamanan,at ang mga natitira niyang yamanat ari-arian ay hindi na magtatagal.30Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng punona ang mga sangaʼy masusunog.Lahat ng ari-arian niya ay mawawalasa isang ihip lamang ng Diyos.31Huwag sana niyang dayain ang kanyang sarilisa pamamagitan ng pagtitiwalasa mga bagay na walang kabuluhan,dahil wala siyang makukuha sa mga iyon.32Maagang darating sa kanyaang kanyang parusaat hindi na siya uunlad pa. 33At magiging tulad siya ng ubasna nalalagas ang mga hilaw na bungao katulad ng olibong nalalagasang mga bulaklak.34Sapagkat mamamataynang walang lahiang mga taong walang takot sa Diyos.At ang mga bahay na itinayo nilamula sa mga suhol ay masusunog.35Ang lagi nilang iniisipay ang manggulo,gumawa ng masama, at mandaya.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3