Job14

1“Ang buhay ng tao ay maikli lamangat puno ng kahirapan.2Ang katulad nito ay isang bulaklak,namumukadkad ngunit agad nalalanta.Katulad din ito ng aninong biglang nawawala.3Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayannang ganito ang tao?Gusto nʼyo pa ba siyang  hatulansa inyong hukuman?4Mayroon bang dalisayna sa marumi magmumula?Wala!5Sa simula paʼy itinakda nʼyo nakung gaano kahaba ang itatagalng buhay ng isang tao.At hindi siya lalampassa itinakda nʼyong oras sa kanya.6Kaya hayaan nʼyo na lamang siyaupang makapagpahinga naman siyakatulad ng isang manggagawapagkatapos magtrabaho.
7“Kapag pinutol ang isang puno,may pag-asa pa itong mabuhayat tumubong muli.8Kahit na matanda na ang ugat nitoat patay na ang tuod,9itoʼy uusbong kapag nadiligan,at magkakasibol tulad ng bagong halaman.10Ngunit kapag ang taoʼy namatay,mawawala na ang lakas niya.Pagkalagot ng hininga niya,iyon na ang katapusan niya.11Kung papaanong bumababaang tubig sa dagatat natutuyo ang mga ilog,12gayon din naman, ang taoʼy namamatayat hindi na makakabangon pao magigising sa kanyang pagkakatuloghanggang sa maglaho ang langit.
13“Panginoon, itago nʼyo na lamang po sana akosa lugar ng mga patay hanggang sa mawalaang galit nʼyo sa akin,at saka nʼyo ako alalahaninsa inyong itinakdang panahon.14Kung mamatay ang tao,mabubuhay pa kaya ito?Kung ganoon, titiisin koang lahat ng paghihirap na itohanggang sa dumating ang orasna matapos ito.15At sa oras na tawagin nʼyo ako, Panginoon,sasagot ako,at kasasabikan nʼyo akona inyong nilikha.16Sa mga araw na iyon,babantayan nʼyo pa rinang aking mga ginagawa,ngunit hindi nʼyo na aalalahanin paang aking mga kasalanan.17Ang aking mga kasalanaʼyipinasok sa sisidlanang masasama kong gawaʼyinyong tinakpan.
18“Ngunit kung papaanonggumuguho ang mga bundokat nahuhulog ang mga batomula sa kanilang kinalalagyan,19at kung paanong nagiging manipis ang batosa patuloy na pag-agos ng tubig,at gumuguho ang lupadahil sa malakas na ulan,ganyan nʼyo rin sinisiraang pag-asa ng tao.20Nilulupig nʼyo siyang lagiat namamatay siya,at binabago nʼyo ang mukha niyakapag patay na siya.21Hindi na niya malalamankung ang mga anak niyaʼy nagtamong karangalan o kahihiyan.22Ang tanging madarama na lamang niyaay ang sarili niyang paghihirapat kalungkutan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3