Job13

1“Nakita koʼt napakingganang lahat ng sinabi ninyo,at itoʼy aking naunawaan.2Ang alam ninyo ay alam ko rin.Hindi kayo nakahihigit sa akin.3Ngunit hindi na ako makikipagtalo sa inyotungkol sa kalagayan ko.Sa aking Diyos na Makapangyarihan ko na lamangito idudulog.4Sapagkat pinagsisikapan ninyonggamutin ako ng kasinungalingan.Lahat kayoʼy parang manggagamotna walang silbi.5Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo.Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.6Pakiusap naman!Pakinggan ninyo ang katuwiran ko.7Ipagtatanggol nʼyo ba ang Diyossa pamamagitan ng pagsisinungaling?8Kumakampi ba kayo sa kanya?Ipagtatanggol ba ninyo siyasa harap ng Diyos?9Kung siyasatin kaya kayo ng Diyos,may kabutihan kaya siyangmakikita sa inyo?Huwag ninyong isipinna madadaya ninyo siyatulad ng pandaraya ninyo sa mga tao.10Tiyak na sasawayin kayo ng Diyoskahit na kinakampihan ninyo siya.11Hindi ba kayo natatakotsa kapangyarihan niya?12Ang mga binabanggit nʼyong kasabihanay walang kabuluhan;itoʼy parang abo.Ang mga katuwiran nʼyoay marupok gaya ng palayok.
13“Tumahimik kayo habang nagsasalita ako,at anuman ang mangyari sa akin,bahala na.14Nakahanda akong itaya ang lahat,maging ang aking buhay.15Kahit patayin pa ako ng Diyos.Ano pa ba ang mawawala sa akin?Ngunit ipagtatanggol ko pa rinang aking sarili sa kanya.16Baka sakaling sa pamamagitan nitoay maligtas ako,dahil walang masamang taona makakalapit sa kanya.17Makinig kayong mabutisa aking sasabihin;at ang mga salita koʼy inyong dinggin.18Ngayong handa na akong ipagtanggolang sarili ko;alam kong mapapatunayangwala akong kasalanan.19Sino ang makakapagparatangna nagkasala ako?Kung mayroon nga,mananahimik na lang akohanggang sa mamatay.
20“O Diyos, dalawang bagay langang hinihiling ko sa inyo,na kung ibibigay nʼyo sa akinay hindi na ako magtatago sa inyo:21Tigilan nʼyo na ang pagpaparusa sa akinat huwag nʼyo na akong takutinng mga nakakatakot na parusa ninyo.22Kausapin nʼyo akoat sasagot ako,o kayaʼy ako ang magsasalita sa iyoat sagutin nʼyo ako.23Anu-ano po ba ang mga nagawa kongpagkakamali at kasalanan?Sabihin nʼyo po sa akinang aking pagkakamaliat mga kasalanan.24Bakit nʼyo ako tinatalikuranat itinuturing na kaaway?25Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol?Para lang akong dahon o tuyong ipana tinatangay ng hangin.26Inililista nʼyo ang mapapaitna paratang laban sa akinat isinasama nʼyo pa ang lahatng kasalanan konoong bata pa ako.27Para nʼyong ikinadenaang aking mga paa.Bawat hakbang koʼyinyong binabantayan,at pati bakas ng paa koʼyinyong sinusundan.
28“Kaya para na akongisang bagay na nabubuloko isang damit na sinisirang gamo-gamo.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3