Job12

Sumagot si Job

1Sumagot si Job,2“Ang akala nʼyo baʼy kayo langang marunongat wala nang matitirang marunongkapag namatay kayo?3Ako man ay marunong dingaya ninyo;hindi kayo nakahihigit sa akin.Alam ko rinang lahat ng sinasabi ninyo.
4“Ngunit naging katawa-tawa akosa aking mga kaibigan,kahit na matuwid akoat walang kapintasan,at kahit sinagot ng Diyosang mga dalangin ko noon.5Ang mga taong naghihirapna gaya kona tila mabubuwalay kinukutya ng mga taongwalang problema.6Ngunit ang mga tulisanat ang mga taong ginagalit ang Diyosay namumuhay nang payapagayong ang dinidiyos nilaʼyang sarili nilang kakayahan.
7“Ang mga hayop ay iyong tanunginat ikaʼy kanilang tuturuan,o di kayaʼy ang mga ibon sa himpapawidat ikaʼy kanilang papayuhan.8Kausapin mo ang lupaat ikaʼy kanyang tuturuan,o kayaʼy hayaan mong magpahayag saʼyoang mga isda sa karagatan.9Sa lahat nang mga ito,mayroon bang hindi nakakaalam?Ang kamay ng Panginoon mismoang gumawa nito?10Nasa kamay niyaang buhay o hiningang bawat nilalang, pati na ng tao.11Kung alam ng dila ng taokung alin ang masarapo hindi masarap na pagkain,alam din ng tainga ng taokung alin ang mabutio masamang salita.12Maraming alam sa buhayang matatanda,dahil habang tumatagalang buhay nila,lalong dumaramiang kanilang nalalaman.
13“Ngunit ang Diyosay hindi lang nagtataglayng karunungan,nasa kanya rinang kapangyarihan,at siya lang ang nakakaunawakung ano ang dapat gawin.14Walang makapag-aayosng kanyang sinisira,at walang makapagpapalayasa kanyang ikinukulong.15Kung pipigilin niya ang ulan,matutuyo ang lupa,at kung ibubuhos naman niya ito,babahain ang lupa.16Makapangyarihan siyaʼt matagumpay,at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihanang mandaraya at ang dinadaya.17Inaalisan niya ng karununganang mga tagapayo,at ginagawang mangmangang mga hukom.18Pinaaalis niya ang mga harisa kanilang trono at ipinabibihag.19Tinatanggal niya sa tungkulinang mga pariat ang mga taongmay kapangyarihan.20Pinatatahimik niyaang mga pinagkakatiwalaang tagapayoat inaalis ang karunungan ng matatanda.21Hinahamak niyaang mararangal na taoat inaalisan ng kakayahanang mga may kapangyarihan.22Ang mga lihim ay kanyang inihahayag,at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag.23Pinalalakas niya ang mga bansaat pinapalawak ang kanilang teritoryo,ngunit ibinabagsak din niya itoat winawasak.24Ginagawa niyang mangmangang kanilang mga pinunoat inililigaw sila sa ilang.25Kaya para silang bulagna nangangapa sa dilimat susuray-suray na parangmga lasing.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3