Job11
Nagsalita si Zofar
1Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,2“Hindi dapat palampasinitong mga sinabi mo.Hindi mapapatunayan ng isang taona wala siyang kasalanansa pamamagitan langng kanyang mga salita.3Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kaming mga sinasabi mong walang saysay?Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayinsa iyong panunuya?4Sinasabi mong tamaang iyong paniniwalaat matuwid ka sa paningin ng Diyos.5Buksan sana ng Diyos ang kanyang bibigat magsalita siya laban sa iyo,6at ilahad sa iyo ang mga lihimng karunungan,sapagkat ang totoong karununganay may dalawang panig.Alamin mo ito: Kinalimutan na ng Diyosang ilan sa iyong mga kasalanan.7“Kaya mo bang unawainang lahat-lahat tungkol sa Diyos?8Mas mataas pa ito kaysa sa langitat mas malalim pa kaysa sa lugarng mga patay.Mas malawak pa ito kaysa sa mundoat mas maluwang pa kaysa sa dagat.Maihahambing mo kayaang karunungan mo sa kanya?10“Halimbawang dakpin ka ng Diyos,iharap sa hukuman at ipakulong,may makakapigil ba sa kanya?11Alam niya kung sinoang mga mandarayaat hindi lingid sa kanyaang kanilang kasamaan.12Ang mangmang ay imposibleng maging marunonggaya ng asnong-gubatna imposibleng manganak ng tao.13“Job, kung magsisisi kaat lalapit sa Diyos,14at tatalikuran ang iyong mga kasalanan,at kung pati ang sambahayan moay magsisisi sa kanilang kasalanan,15tiyak na hindi ka na mapapahiya,tatatag ang iyong pamumuhayat wala ka nang katatakutan.16Makakalimutan mo na rinang iyong paghihirapna parang tubig na umagos lang at nawala.17At ang buhay moʼy magigingmas maliwanag pa kaysasa sikat ng arawsa katanghaliang tapat.At ang dati mong buhay na madilimay magiging maliwanagkatulad ng umaga.18Mapapanatag ang buhay modahil may bago kang pag-asa.Iingatan ka ng Diyos atmakapagpapahinga kanang walang kinatatakutan.19Matutulog ka nang walang takot,at marami ang hihingi ng tulong sa iyo.20Ngunit ang masasamaay mabibigo at walang patutunguhan.At ang tanging pag-asa nilaay kamatayan.”Biblica, Inc.