Jeremias5

Walang Sinumang Matuwid

1Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem,pumunta kayo sa inyong mga lansangan!Tingnan ninyo ang inyong mga plasa!Kung may makikita kayong matuwid at tapat,patatawarin ko ang lungsod ninyo.2Kahit ginagamit ninyo ang pangalanng Panginoon sa pagsumpa nʼyo,nagsisinungaling pa rin kayo.”
3Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat.Sinaktan po ninyo ang inyong mga mamamayanngunit balewala ito sa kanila.Pinarusahan nʼyo silangunit ayaw nilang magpaturo.Pinatigas nila ang kanilang mga pusoat ayaw nilang magsisi.4Akala ko poʼy mga dukha silaat mga walang pinag-aralan,ngunit mga hangal pala sila.Sapagkat hindi nila alam ang pamamaraanna ipinapagawa sa kanilang Panginoon na kanilang Diyos.5Kaya pupuntahan ko po ang kanilang mga pinunoat kakausapin ko sila.Tiyak na mauunawaan nila ang pamamaraangipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Diyos.Ngunit tumanggi rin silang sumunodsa mga ipinapagawa ng Diyos.6Kaya sasalakayin sila ng mga kaaway nilana parang leon na nanggaling sa kagubatan,o katulad ng isang asong lobo na galing sa ilang,o parang leopardong nagbabantay malapit sa bayan upang lapain ang sinumang lumabas.Mangyayari ito sa kaniladahil naghihimagsik sila sa Diyosat maraming beses nang tumalikod sa kanya.
7“Bakit ko kayo patatawarin?Pati ang mga anak ninyo ay itinakwil akoat sumumpa sa pangalan ng hindi tunay na diyos.Ibinigay ko ang mga pangangailangan nila,pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilanat nagsisiksikan pa silasa bahay ng mga babaeng bayaran.8Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga.Ang bawat isa sa kanilaay may matinding pagnanasasa asawa ng iba.9Hindi ba nararapat lang na parusahan ko sila dahil dito?”wika ng Panginoon.“Hindi ba nararapat langna paghigantihan ko ang mga bansang ganito?
10“Kayong mga kaaway ng mga taga-Israel,sirain ninyo ang kanilang mga ubasan,pero huwag ninyong sirain nang lubusan.Tabasin ninyo ang mga sanga,sapagkat ang mga taong itoay hindi na sa Panginoon.11Ang mga mamamayan ng Israel at Judaay hindi na tapat sa akin,”wika ng Panginoon.
12“Hindi sila nagsasalita ng totoo tungkol sa akin;sinabi nila, ‘Hindi tayo sasaktanng Panginoon!Walang panganib na darating sa atin.Walang digmaan o gutom man na darating.’13Walang kabuluhan ang mga propeta at hindi galing sa akin ang mga ipinapahayag nila.Mangyari nawa sa kanilaang kapahamakan na kanilang inihula.”
14Kaya ito ang sinabi sa akin ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo,“Dahil ganyan ang sinabi ng mga taong iyon,bibigyan kita ng mensahengkatulad ng apoy na susunog sa kanilaat silaʼy masusunog na parang kahoy.”15Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan ng Israel,magpapadala ako ng mga taomula sa malayong bansa para salakayin kayo.Itoʼy isang sinaunang bansana ang wika ay hindi ninyo nauunawaan.16Matatapang ang sundalo nilaat nakakamatay ang mga gamit nilang pandigma.17Uubusin nila ang inyong mga ani,pagkain, hayop, ubas, at mga igos ninyo.Papatayin nila ang iyong mga hayopat ang inyong mga anak.Wawasakin nila ang inyong mga napapaderang lungsod,na siyang inaasahan ninyo.
18“Ngunit kahit sa mga araw na iyon,” sabi ng Panginoon. “Hindi ko kayo lilipulin nang lubusan.19At kung may magtatanong, ‘Bakit ginawa ng Panginoon na ating Diyos ang lahat ng ito sa atin?’ sabihin mo sa kanila, ‘Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang mga diyos sa sarili ninyong lupain. Kaya ngayon, maglilingkod kayo sa mga dayuhan sa lupaing hindi inyo.’20Sabihin ninyo itosa mga mamamayan ng Israel  at Juda.21Pakinggan nʼyo ito, kayong mga hangalat matitigas ang ulo.May mga mata kayo pero hindi makakita,may mga tainga pero hindi makarinig:22Wala ba kayong takot sa akin?”wika ng Panginoon.“Bakit hindi kayo nanginginig sa aking harapan?Ako ang gumawa ng buhangin sa tabing-dagatupang maging hangganan ng dagat.Itoʼy hangganan na hindi malalagpasan.Hahampasin ito ng mga alonpero hindi nila maaapawan.23Ngunit matitigas ang uloat rebelde ang mga taong ito.Kinalimutan at nilayuan nila ako.24Hindi sila nagsasalita ng mula sa puso na,‘Parangalan natin ang Panginoon na ating Diyosna nagbibigay ng ulan sa tamang panahonat nagbibigay sa atin ng anisa panahon ng anihan.’25Ang kasamaan nʼyo ang naglayong mga bagay na iyon sa inyo.Ang mga kasalanan ninyo ang naging hadlangsa pagtanggap ninyo ng mga pagpapalang ito.
26“May masasamang tao na kabilangsa mga mamamayan koat nag-aabang ng mabibiktima.Para silang mga taong bumibitag ng mga ibon.Naglalagay sila ng mga bitagpara sa ibang mga tao.27Katulad ng hawlang puno ng mga ibon,ang bahay ng masasamang taong itoay puno ng mga kayamanang nanggaling sa pandaraya.Kaya yumaman silaat naging makapangyarihan.28Tumaba sila at lumakas ang kanilang mga katawan.Sukdulan ang paggawa nila ng kasamaan.Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga ulilaat hindi nila ipinaglalabanang karapatan ng mga dukha.29Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan dahil dito?”wika ng Panginoon.“Hindi baʼt nararapat na paghigantihan koang mga bansang katulad nito?
30“Nakakasindak at nakakapangilabotang mga bagayna nangyayari sa lupaing ito.31Ang mga propeta ay nagpapahayag ng kasinungalingan.Ang mga pari ay namamahalaayon sa sarili nilang kapangyarihan.At ito ang gusto ng mga mamamayan ko.Ngunit ano ang gagawin nilakapag dumating na ang katapusan?”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3