Jeremias6

Ang Huling Babala para sa Jerusalem

1“Mga lahi ni Benjamin, tumakas kayo at magtago!Umalis kayo sa Jerusalem!Patunugin nʼyo ang trumpeta sa Tekoaat hudyatan nʼyo ang Bet-hakerem,sapagkat darating na ang kapahamakanmula sa hilaga.2Wawasakin ko ang magandanglungsod ng Jerusalem. 3Papalibutan ito ng mga pinunoat ng kanilang mga sundalo. Magtatayo sila ng kanilang mga toldasa paligid nitoat doon sila magkakampo.”
4“Humanda kayo!Pagsapit ng tanghali, sasalakayin natin sila.Ngunit pagdating ng hapon, sasabihin ng pinuno,‘Kahabag-habag tayo,lumulubog na ang araw at medyo dumidilim na.’5Ngayong gabi na lang tayo sasalakayat wawasakin natin ang mga matitibayna bahagi ng lungsod na ito.”
6Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo,“Pumutol kayo ng mga kahoy na pangwasaksa mga pader ng Jerusalem,at magtambak kayo ng lupasa gilid ng pader at doon kayo dumaan.Nararapat nang parusahan ang lungsod na itodahil laganap na rito ang mga pang-aapi.7Katulad ng bukal na patuloyang pag-agos ng tubig,patuloy ang paggawa nito ng kasamaan.Palaging nababalitaan sa lungsod na itoang mga karahasan at panggigiba.Palagi kong nakikitaang mga karamdaman at sugat nito.8Mga taga-Jerusalem, babala ito sa inyoat kung ayaw pa ninyong makinig,lalayo ako sa inyo,at magiging tiwangwang ang lupain nʼyoat wala nang maninirahan dito.”
9Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo:“Ang mga matitirang buhay sa Israelay ipapaubos ko sa mga kaaway,katulad ng huling pamimitasng mga natitirang ubas.Tinitingnan nilang mabuti ang mga sangaat kukunin ang mga natitirang bunga.”
10Ngunit Panginoon, sino poang bibigyan ko ng babala?Sino po kaya ang makikinig sa akin?Tinakpan po nila ang kanilang mga taingaupang hindi sila makarinig.Kinasusuklaman po nila ang salita ng Panginoon,kaya ayaw nilang makinig.11Nararamdaman ko rin ang galitng Panginoon sa kanilaat hindi ko ito mapigilan.Sinabi ng Panginoon,“Ibuhos mo ito sa mga batangnaglalaro sa lansangan,sa mga kabataang lalaki na nagkakatipon,sa mga mag-asawa at pati na sa matatanda.12Ibibigay sa iba ang mga bahay nila,pati ang mga bukid at mga asawa nila.Mangyayari ito kapag pinarusahan ko naang mga nakatira sa lupaing ito,”sabi ng Panginoon.13“Mula sa pinakahamakhanggang sa pinakadakila,pare-pareho silang sakim sa pera.Kahit ang mga propeta at mga pariay mga mandaraya rin.14Binabalewala nila ang sugat ng aking mga mamamayan kahit malala na ito.Sinasabi rin nilang payapa ang lahat,kahit hindi naman.15Nahihiya ba sila sa ugali nilang kasuklam-suklam?Hindi! Wala na kasi silang kahihiyan!Ni hindi nga namumulaang kanilang mukha sa kahihiyan.Kaya mapapahamak sila katulad ng iba.Ibabagsak sila sa araw na parusahan ko sila,”sabi ng Panginoon.
16Ito pa ang sinabi ng Panginoon:“Tumayo kayo sa mga kanto at magmasid kayo nang mabuti.Magtanong kayo kung alin ang datiat mabuting daan, at doon kayo dumaan.At makakamtan ninyo ang kapayapaan.Ngunit sinabi ninyo, ‘Hindi kami dadaan doon.’17Naglagay ako ng mga tagapagbantayat sinabi nila sa inyo,‘Pakinggan ninyo ang tunogng trumpeta bilang babala.’Ngunit sinabi ninyo, ‘Hindi namin iyon pakikinggan.’18Kaya kayong mga bansa, makinig kayo.Masdan ninyong mabutikung ano ang mangyayari sa kanila.19Buong mundo, makinig kayo!Magpapadala ako ng kapahamakansa mga taong itoupang parusahan silasa kanilang masasamang balak.Sapagkat ayaw nilang pakingganang mga salita koat itinakwil nila ang mga kautusan ko.20Walang halaga sa akinang inihahandog nilang insensokahit na galing pa ito sa Sheba,o ang mga pabangong mula pasa malayong lugar.Hindi katanggap-tanggapang kanilang mga handog na sinusunog.Hindi ako natutuwa sa mga handog nila sa akin.”
21Kaya ito ang sinabi ng Panginoon:“Ako ay maglalagay ng katitisuran sa dinadaanan ng mga taong ito.At dahil dito, babagsak ang mga amaat mga batang lalaki,pati ang mga magkaibigan at magkapitbahay.”
22Ito pa ang sinasabi ng Panginoon,“Tingnan ninyo, may mga sundalongdumarating galing sa lupain sa hilaga,isang makapangyarihang bansana galing sa malayong lupain na handang sumalakay.23Ang dala nilang sandata ay mga pana at mga sibat.Malulupit sila at walang habag.Ang ingay nila ay parang malalakas na alonhabang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo.Darating sila para salakayin kayo, mga taga-Zion.”
24Nabalitaan namin ang tungkol sa kanilaat kami ay nanlupaypay.Takot at hirap ang naramdaman naminkatulad ng paghihirapng babaeng manganganak na.25Huwag na kayong lalabasupang pumunta sa mga bukido lumakad sa mga daan,sapagkat may mga kaaway kahit saanna handang pumatay.Nakakatakot sa ating paligid.26Mga kababayan, magsuot kayo ng sakong damitat gumulong kayo sa aboupang ipakita ang inyong pagluluksa.Umiyak kayo na parang namatayang kaisa-isa ninyong anak.Sapagkat ang mangwawasakay sasalakay nang biglaan.
27“Ginawa kitang ng tagasuri ng mga metal,at ang aking mamamayan ang batoupang masuri mo ang pag-uugaling aking mga mamamayan.28Silang lahat ay rebeldeat matitigas ang ulo,kasintigas ng tanso at bakal.Nanlalait at nanloloko sila ng kanilang kapwa.29Ang mga pugon ay patuloy na pinapainitupang sunugin ang tinggangnakahalo sa pilak.Subalit ang pagdalisay ay walang kabuluhandahil ang masama ay hindinatatanggal nang lubusan.30Tatawagin silang, ‘Itinakwil na Pilak’dahil itinakwil sila ng Panginoon.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3