Jeremias4

1Sinabi ng Panginoon, “O Israel,kung talagang gusto mongmagbalik sa akin,manumbalik ka na.Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklammong diyos-diyosanat hindi ka na lalayo sa akin,2at kung susumpa kasa aking pangalan lamangna nagsasabing,‘Habang buháy ang Panginoong,’at mamumuhay nang tapat,matuwid at tama,magiging pagpapala ka sa mga bansaat pararangalan nila ako.”
3Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem:“Tulad ng pagbungkal sa matigas na lupa,bungkalin ninyo ang matigas ninyong puso!Tulad ng pagbunot sa dawag at tinikupang hindi masayang ang binhi,alisin ninyo ang kasalanang sumisira sa inyo.At huwag sayangin ang mabuting binhisa mga dawag at tinik.4Linisin nʼyo ang inyong mga pusosa harapan ng Panginoon,kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem,dahil kung hindi ay mararanasan ninyoang aking galit na katulad ng apoyna hindi namamataydahil sa ginawa nʼyong kasamaan.

Ang Parusang Darating sa Juda

5“Sabihin mo sa Juda at ipahayag sa Jerusalem:‘Patunugin ninyo ang trumpetasa buong lupain!’Isigaw nang malinaw at sabihin:‘Magsama-sama at magtipon!Tumakas patungosa mga napapaderang lungsod!’6Itaas mo ang bandilaat balaan mo ang mga taga-Zionna tumakas agad silasapagkat magpapadala akong kapahamakan mula sa hilaga.”
7Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansaay parang leon na lumabas sa kanyang lungga.Nakaalis na siya sa lugar niyaupang wasakin ang lupain ninyo.Guguho ang mga bayan ninyoat wala nang makakatira sa mga ito.8Kaya isuot na ninyo ang damit na panluksa, tumangis kayo at umiyak,sapagkat matindi pa rinang galit ng Panginoon sa atin.
9Sinabi ng Panginoon,“Sa araw na iyon,maduduwag ang hariat ang kanyang mga pinuno,masisindak ang mga pari,at mangingilabot ang mga propeta.”
10Pagkatapos, sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Ngunit ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”
11Darating ang araw na sasabihin ng Panginoon sa mga taga-Jerusalem, “Iihip ang mainit na hangin mula sa ilang patungo sa mga mamamayan ko, pero hindi ito para mahanginan at masala ang kanilang mga trigo.12Ang malakas na hangin na itoʼy galing sa akin. Sasabihin ko ngayon ang parusa ko sa kanila.”13Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natinna parang mga ulap.Ang mga karwahe niyaʼy parang ipuipoat ang mga kabayo niyaʼymas mabilis kaysa sa mga agila.Nakakaawa tayo!Ito na ang ating katapusan!14“Mga taga-Jerusalem, linisin ninyoang kasamaan sa inyong pusoupang kayoʼy maligtas.Hanggang kailan kayo mag-iisip ng masama?15Ang kapahamakan ninyoʼy ibinalitana ng mga mensahero mula sa Danat ipinahayag sa kabundukan ng Efraim.16Inutusan silang bigyan ng babala ang mga bansaat ibalita tungkol sa Jerusalemna may mga sundalong sumasalakaymula sa malayong lugarna humahamon ng digmaansa mga lungsod ng Juda.17Pinaligiran nila ang Jerusalemna parang mga taong nagbabantay ng bukid,dahil ang Jerusalem ay naghimagsik sa akin,”sabi ng Panginoon.18“Ang inyong pag-uugali at mga gawaang nagdala ng parusang ito sa inyo.Ito ang kaparusahan ninyo.Masakit ito!At tatagos ito sa inyong puso.”
19Ang puso ko, ang puso ko,namimilipit sa sakit na nadarama!Mabigat ang aking kalooban,kumakabog ang aking dibdibat hindi ako mapalagay.Sapagkat aking narinig ang tunog ng trumpeta,at ang hiyaw ng mga mandirigma.20Sunod-sunod na dumating ang kapahamakan.Ang buong lupain ay napinsala.Pati ang tolda koʼy agad na nagibaat napunit ang mga tabing.21Hanggang kailan ko kaya makikitaang watawat ng digmaanat maririnig ang tunog ng trumpeta?
22“Hangal ang aking mga mamamayan ko;hindi nila ako nakikilala.Silaʼy mga mangmang na kabataanat walang pang-unawa.Sanay silang gumawa ng masamangunit hindi marunong gumawa ng mabuti.”
23Tiningnan ko ang lupainat nakita kong itoʼy wala nang anyoat wala nang laman.At nakita ko ring ang langitay wala nang liwanag.24Nakita ko ang mga bundok,at ang mga ito ay yumayanig;at ang mga burol ay parang may indayog.25Nakita ko rin na walang taoat lumilipad ang mga ibon papalayo.26Nakita ko na ang masaganang bukirinay naging ilang.Nawasak ang lahat ng bayandahil sa matinding galit ng Panginoon.
27Ito ang sinasabi ng Panginoon,“Ang buong lupain ay mawawasak,pero hindi ko ito lubos na gigibain.28Iiyak ang sanlibutanat magdidilim ang langit,dahil sinabi ko na ang kaparusahanat hindi ko na ito babaguhin.Nakapagpasya na akoat hindi na magbabago ang isip ko.”
29Sa ingay ng mga nangangabayo at mamamana,tumakas na sa takot ang mgamamamayan ng bawat bayan.Ang iba ay tumakas sa kagubatanat ang iba ay umakyat sa batuhan.Ang lahat ng bayan ay iniwananat walang natirangnaninirahan sa mga ito.
30Jerusalem malapit ka nang mawasak.Ano ang ginagawa mo?Bakit may suot ka pang magandang damitat mga gintong alahas?Bakit naglalagay ka pang mga kolorete sa iyong mga mata?Wala nang kabuluhanang iyong pagpapaganda.Itinakwil ka na ng iyong mgaminamahal na kakamping bansaat gusto ka na nilang patayin.
31Narinig ko ang pag-iyak at pagdaing,na parang babaeng nanganganaksa kanyang panganay.Iyak ito ng mga mamamayan ng Jerusalem na parang hinahabol ang kanilang hininga.Itinataas nila ang kanilangmga kamay at nagsasabing,“Kawawa naman kami;at parang kamiʼy hihimatayin na,sapagkat nariyan na ang amingmga kaaway na papatay sa amin.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3