Jeremias49

Ang Mensahe Tungkol sa Amon

1Ito naman ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga Amonita:“Wala bang lahi si Israelna magmamana ng lupaing ito?Kayong mga sumasambasa diyos-diyosang si Molec,bakit kayo nakatira sa mga bayanng lupain ni Gad?2Darating ang araw,” sabi ng Panginoon,“na ipapasalakay kosa mga kaaway ang Rabba.Wawasakin ang lungsod nʼyong itopati ang mga baryo sa palibot ay susunugin.Sa ganitong paraan,mapapalayas ng mga taga-Israelang mga nagpalayas sa kanila,”sabi ng Panginoon.3“Umiyak kayo nang malakas,kayong mga taga-Hesbondahil wasak na ang Ai.Umiyak din kayong mga taga-Rabba.Magdamit kayo ng damit na sakoat magparooʼt parito sa gilid ng paderupang ipakita ang inyong pagluluksa.Sapagkat bibihagin ang diyos-diyosan nʼyong si Molecpati ang mga pari at pinuno niya.4Kayong mga taksil, bakit ninyo ipinagyayabangang inyong masaganangmga kapatagan?Nagtitiwala kayo sa inyong kayamananat sinasabi ninyongwalang sasalakay sa inyo.5Magpapadala akosa inyo ng mga kaawaymula sa mga bansa sa palibot ninyoupang takutin kayo,”sabi ng Panginoong Diyosng mga Hukbo.“Palalayasin nila kayo sa inyong lupainat walang sinumang makakatulong sa inyo.
6“Ngunit darating ang arawna ibabalik ko kayamananng mga Amonita,”sabi ng Panginoon.

Ang Mensahe tungkol sa Edom

7Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo tungkol sa Edom:“Nasaan na ang marurunong sa Teman?Wala na bang natitirang marunong magpayo?8Kayong mga nakatira sa Dedan tumakas kayoat magtago sa malalalim na kuweba.Sapagkat padadalhan ko ng kapahamakanang mga lahi ni Esausa oras na parusahan ko sila.9Hindi baʼt ang mga namimitas ng ubasay nag-iiwan ng mga bunga?Hindi baʼt ang mga magnanakaway kumukuha rin langng anumang magugustuhan nila?10Ngunit kukunin ang lahat ng ari-arianng mga angkan ni Esau.Kukunin ko ang takip ng pinagtataguan nilaupang hindi na sila makapagtago.Mamamatay ang mga anak,kamag-anak at mga kapitbahay nila.Walang matitira sa kanila.11Ngunit maiiwan sa akin ang mga ulila nʼyodahil ako ang kakalinga sa kanila.At ang mga biyuda nʼyo ay makakaasa sa akin.”
12Sinabi pa ng Panginoon, “Kung ang mga walang kasalanan ay nagdurusa, kayo pa kaya? Tiyak na parurusahan kayo.13Isinusumpa ko sa sarili ko na ang Bosra ay mawawasak. Magiging nakakatakot ang kalagayan nito, at kukutyain at susumpain ito. Ang lahat ng bayan nito ay magiging wasak magpakailanman. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”14Narinig ko ang balita mula sa Panginoonna nagpadala siya ng mga sugosa mga bansaupang paghandain sila sa digmaanat hikayatin silang salakayinang bansa ng Edom.
15Sapagkat sinabi ng Panginoonsa mga taga-Edom,“Gagawin ko kayong mas mababakaysa sa ibang mga bansa,at hahamakin kayo ng sangkatauhan.16Ipinagmamalaki ninyongkayoʼy nakatira sa batuhanat matataas na lugar.Ngunit sa pagmamataasat pananakot ninyong ito sa iba,dinadaya lamang ninyo ang inyong sarili.Sapagkat kahit na naninirahan kayosa pinakamataas na lugar katuladng pinagpupugaran ng agila,ibabagsak ko pa rin kayo,”sabi ng Panginoon.17Sinabi pa ng Panginoon,“Magiging malagimang kalagayan ng Edom.Ang lahat ng dumadaan ay mangingilabotat halos hindi makapaniwalasa nangyari sa bansang ito.18Kung paanong nawasak ang Sodomaat Gomora at ang mga bayansa palibot nito,ganoon din ang mangyayari sa Edom.At wala nang taong maninirahan dito,”sabi ng Panginoon.
19Bigla kong sasalakayin ang Babiloniakatulad ng leon na galingsa kagubatang malapit sa Ilog Jordan,sasalakay patungo sa pastulanng maraming tupa.Magsisitakas sila,at pipili ako ng taong mamamahala sa Edom.Sino ang maitutulad sa akin?Sino ang mangangahas na kalabanin ako?Sino ang pinunong makakalaban sa akin?
20Kaya pakinggan ninyo ang binabalak gawinng Panginoon laban sa Edompati sa mga mamamayan ng Teman:Bibihagin ko ang mga anak nilaat gigibain ang mga tahanan nila.21At dahil sa matinding pagkawasak ng Edom,mayayanig ang lupaat ang iyakan ng mga tagaroon ay maririnighanggang sa Dagat na Pula.22Tingnan nʼyo! Ang kaaway ay parang agilana lumilipad na dadagit sa mga taga-Bosra.Sa panahong iyon, matatakotat magiging parang babaengmalapit nang manganakang mga sundalo sa Edom.

Ang Mensahe tungkol sa Damasco

23Ito ang mensahe tungkol sa Damasco:“Natakot ang mga taga-Hamat at taga-Arpadsa masasamang balita na kanilang narinig.Naguguluhan at nanlulupaypay sila,at hindi mapalagay katulad ng maalong dagat.24Nanghihina ang mga taga-Damascoat tumakas sila dahil sa takot.Takot at sakit ng damdaminang nararamdaman nilana para bang babaeng malapit nang manganak.25Ang tanyag at masayang  lungsod ng Damascoay itinakwil.26Ang mga kabataan niyang lalakiay mamamatay sa mga lansanganpati ang lahat ng kanyang kawal,”wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.27“Susunugin ko ang mga pader ng Damasco,pati ang matitibay na palasyoni Haring Ben-hadad.”

Ang Mensahe tungkol sa Kedar at Hazor

28Ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Kedar at mga kaharian ng Hazor na sinalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia:“Humanda kayo at salakayin ninyo ang Kedar.Lipulin ninyo ang mga taong ito ng silangan.29Ang mga tolda, kawan, mga ari-arian,at mga kamelyo nila ay sasamsamin.Sisigaw sila, ‘Napapaligiran tayong mga nakakatakot nating kaaway.’
30“Mga taga-Hazor, magmadali kayoat tumakas!”sabi ng Panginoon.“Magtago na kayo sa mga kuweba.Nagplano ng masama laban sa inyosi Haring Nebucadnezar ng Babilonia.
31“Lusubin ninyo ang mga taongnamumuhay nang tiwasayat hindi nababalisa,”sabi ng Panginoon.“Walang trangka ang pintuan ng lungsod nila,at nabubuhay sila na sila-sila lang.32Ang mga kamelyo nilaat ang lahat ng kanilang kawanay magiging inyo.Ikakalat ko ang mga taong itona nakatira sa malayong lugarat ipapadala ko sa kanilaang kapahamakan mula sa kung saan-saan,”sabi ng Panginoon.33“Magiging malungkotang Hazor magpakailanmanat walang taong maninirahan doonkundi mga asong-gubat.” 

Ang Mensahe tungkol sa Elam

34Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay propeta Jeremias tungkol sa Elam noong nagpasimulang maghari si Zedequias sa Juda.
35Sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo,“Papatayin ko ang mga tagapana ng Elam,ang pinakamahusay nilang mga kawal.36Sasalakayin ang Elam ng mga kaawaymula sa lahat ng panig,at ikakalat ko ang kanyang mga mamamayansa lahat ng dako.Bibihagin sila sa lahat ng bansasa buong daigdig.37Lilipulin ko ang mga taga-Elamsa pamamagitan ngkanilang mga kaawayna nais pumatay sa kanila.Talagang ipapadala ko sa kanilaang kapahamakandahil sa matindi kong galit sa kanila,”sabi ng Panginoon.“Ipapasalakay ko sila sa kanilang mga kaawayhanggang sa mawala silang lahat.38Papatayin ko ang hariat ang mga pinuno ng Elam,at itatayo ko roon ang aking trono,”sabi ng Panginoon.
39“Ngunit darating ang arawna ibabalik ko ang Elamsa mabuti niyang kalagayan,”sabi ng Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3