Jeremias48

Ang Mensahe tungkol sa Moab

1Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa Moab:“Kahabag-habag ang Nebosapagkat itoʼy mawawasak.Mapapahiya at bibihagin ang Kiryataim;at matitibag ang mga muog nito.2Ang kadakilaan ng Moab ay naglaho na.Sa Hesbon, nagbabalakang mga kaaway niya;sabi nila, ‘Halikayo, wasakin natinang bansa nila.’At kayong mga mamamayan ng Madmen,tatahimik kayo,dahil kayo ay sasalakayinng mga sundalo.3Pakinggan nʼyo ang sigawan sa Horonaim,dahil sa matinding digmaanat kapahamakan.4Mawawasak ang Moab at mag-iiyakan ang mga bata.5Ang mga mamamayan ng Moabay mag-iiyakan nang malakashabang paakyat sila sa Luhitat pababa sa Horonaim.Mag-iiyakan sila dahil sa kapahamakan.6Iligtas ninyo ang inyong sarili!Tumakas kayo papuntang ilang.7Mga taga-Moab, nagtitiwala kayosa kakayahan at kayamanan ninyokaya bibihagin kayo pati ang diyos-diyosanninyong si Cemosat ang mga pari at mga pinuno nito.8Darating ang manlilipol sa bawat bayanat walang bayang makakaligtas.Mawawasak ang mga bayansa lambak at talampas.Mangyayari itodahil sinabi mismo ng Panginoon.9May pakpak sana ang Moabupang makalipad siya papalayo, dahil wala nang kabuluhanang mga bayan nitoat wala nang maninirahan dito.
10“Sumpain ang taong pabaya sa paggawa ng gawainng Panginoon!Sumpain ang taong hindi papataysa mga taga-Moab.
11“Tahimik ang pamumuhay ng Moabmula pa noon.Hindi pa ito nakaranas ng pagkabihag.Para itong alak na hindi nagagalawsa kanyang sisidlan,at hindi isinalin sa ibang lalagyan.Ang lasa nitoʼy nanatiling malinamnam,ang amoy rin ay hindi nagbabago.12Ngunit darating ang arawna isusugo koang aking mga kaaway,” wika ng Panginoon,“upang ibuhos ang Moab mula sa kanyang lalagyanat pagkatapos ay babasagin ang lalagyan nito.13At ikakahiya ng mga taga-Moabang diyos-diyosan nilang si Cemos,gaya ng nangyari sa Betelnang mapahiya ang mga Israelitadahil silaʼy nagtiwala sa mga walang silbingdiyos-diyosan nila.
14“Ipinagmamalaki ng mga taga-Moabna matatapang ang sundalo nilasa pakikipaglaban.15Ngunit mawawasak ang Moabat ang mga bayan nito.Papatayin ang kanilang matatapang na kabataan,” wika ng Panginoon na haring Makapangyarihan.16“Nalalapit na ang kapahamakan ng Moab,ang mga sakunaʼy nagbabantanang dumating.17Umiyak kayo, kayong lahatna kakampi ng Moab!Sabihin ninyo, ‘Wala na ang Moab!Nabali na ang kanyang tungkod,ang tungkod na sagisagng kapangyarihanat katanyagan niya.’
18“Kayong mga taga-Dibon,magpakumbaba kayoat maupo sa lupadahil ang nagwasak sa Moabay sasalakay din sa inyoat gigibain ang mga lungsod ninyona napapalibutan ng mga pader.19Kayong mga nasa Aroer,tumayo kayo sa tabi ng daanat magbantay.Magtanong kayo sa mga nakatakaskung ano ang nangyari.20Sasagot sila, ‘Nawasakat napahiya ang Moab.Humiyaw kayo at umiyak.Isigaw ninyo sa Arnonna nawasak ang Moab.’21Parurusahan dinang mga bayan sa talampas:ang Holon, Jaza, Mefaat,22Dibon, Nebo, Bet-diblataim,23Kiryataim, Bet-gamul, Bet-meon,24Keriot at Bozra.Darating na ang parusasa lahat ng bayan ng Moab,sa malayo at malapit.25Ubos na ang lakas  ni Moab,at ang kanyang kapangyarihanay wasak na,”wika ng Panginoon.
26“Lasingin ninyo ang Moabdahil naghimagsik siyasa Panginoon.Gugulong siya sa sariling sukaat magiging katawa-tawa.27Kayong mga taga-Moab,hindi baʼt kinutya ninyo ang Israel?Bakit, nahuli ba siyang nagnakaw?Bakit iiling-iling pa kayosa pagkutya ninyo sa kanya?28Umalis na kayo sa bayan nʼyoat tumira sa mababatong lugar,kayong mga nakatira sa Moab.Maging tulad kayo ngmga kalapating nagpupugadsa mga bitak ng matatarikat mababatong lugar.
29“Narinig namin ang kayabanganng mga taga-Moab,kung gaano sila kaangas at kahambog;ang kanilang pagmamalaki at kapalaluan,at ang kanilang mapagmataas na puso.30Nalalaman ko kung gaano sila kayabang,”sabi ng Panginoon,“ngunit iyan ay walang kabuluhan.31Kaya ang Moab ay aking iiyakan,tatangisan ko ang kanyang mamamayan,at daraing ako para sa mga taongnasa Kir-heres.32Iiyak din ako para sa mga taga-Sibmanang higit kaysa sa pag-iyak kopara sa mga taga-Jazer.Sibma, ikaw ay halamang ubasna ang mga sanga ay umabotsa kabila ng Dagat na Patayhanggang sa Jazer.Ngunit ngayon, inubos ng mga maniniraang iyong mga bunga.33Wala nang maririnig na kasiyahanat katuwaan sa mga bukidat mga ubasan sa lupain ng Moab.Hindi na umaagos ang katasng ubas sa mga pisaan.Wala nang mga pumipisa ng ubasna sumisigaw sa tuwa.May mga sumisigaw nga,pero hindi na sigaw ng tuwa.
34“Ang iyakan ng mga taga-Hesbonay naririnig hanggangsa Eleale at Jahaz.Ang iyakan ng mga taga-Zoaray naririnig hanggang sa Horonaimat sa Eglat-selisiya.Sapagkat kahit ang batisng Nimrim ay tuyo na.35Patitigilin ko sa Moab ang mga naghahandogsa mga sambahan samatataas na lugarat nagsusunog ng insensosa mga diyos-diyosan nila,”wika ng Panginoon.36“Kaya umiiyak ang aking puso para sa Moabat sa mga taga-Kir-hareset,gaya ng malungkot na tugtogng plauta sa patay.Wala na ang mga kayamanang nakamit nila.37Ang bawat isaʼy nagpahayagng kalungkutan nilasa pamamagitan ng pagpapakalbo,pag-aahit, pagsugat sa kanilang mga kamayat pagsusuot ng damit na pangluksa.38Nag-iiyakan ang mga tao sa mga bahay nilaat sa mga plasasapagkat winasak ko ang Moabna parang banga na binasagat wala nang pumapansin,”wika ng Panginoon.39“Gayon na lamang ang pagkawasak ng Moab!Pakinggan ninyo ang iyakanng mga mamamayan.Nakakahiya ang Moab.Kinukutya at kinamumuhian itong mga bansa sa palibot nito.”
40Sinabi pa ng Panginoon,“Tingnan niyo! Ang kaaway ng Moabay parang agila na lumilipadupang dagitin ito.41Sasakupin ang Keriotat ang mga kampo ng Moab.Sa mga araw na iyon, matatakot ang mga sundalo ng Moabkatulad ng isang babaengmalapit nang manganak.42Mawawasak ang Moabdahil sa paghihimagsik niya sa Panginoon.43Ang sasapitin ng mga taga-Moabay takot, hukay at bitag,”sabi ng Panginoon.44“Ang sinumang tatakas dahil sa takotay mahuhulog sa hukay.At ang sinumang makakaligtas sa hukayay mahuhuli sa bitag,dahil talagang parurusahan koang Moab sa takdang panahon,”sabi ng Panginoon.
45“Ang mga kawawang nakatakasay nais magtago sa Hesbon.Ngunit ang Hesbon na pinagharian ni Haring Sihonay nagliliyab sa apoyat nilamon pati ang mga kabundukanna pinagtataguan ng mga taga-Moabna nagnanais ng digmaan.46Kahabag-habag kayo,kayong mga taga-Moab!Kayong mga sumasamba sa diyos-diyosang si Cemosay mapapahamak,Ang inyong mga anak na lalakiay dadalhin sa ibang bayanat ang inyong mga anak na babaeay bibihagin ng mga dayuhan.
47“Ngunit darating ang arawna ibabalik ko ang mabuting kalagayanng Moab,” sabi ng Panginoon.Ito ang pahayag tungkol sa Moab.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3