Jeremias50
Ang Mensahe Tungkol sa Babilonia
1Ito ang sinabi ng Panginoon sa propetang si Jeremias tungkol sa Babilonia at sa mga mamamayan nito:2“Ipahayag sa mga bansa ang balitanang walang inililihim!At itaas ang watawat na tandang pagkawasak ng Babilonia!Madudurog at mapapahiyaang kanyang mga diyos-diyosanpati na ang diyos-diyosang si Bel at Merodac.3Sapagkat sasalakayin ang Babiloniang isang bansa mula sa hilaga,at magiging tiwangwangang lugar na ito.Wala nang maninirahan ditodahil tatakas ang kanyang mga mamamayanpati ang mga hayop.4“Ako, ang Panginoon,ay nagsasabing sa panahong iyon,ang mga mamamayan ng Israel at Judaay iiyak na lalapit sa akin,ang Panginoon na kanilang Diyos.5Magtatanong sila ng daanpapuntang Jerusalem at pupunta sila roon.Gagawa sila ng walang hanggang kasunduan sa Panginoonat hindi na nila ito kakalimutan.6“Ang mga mamamayan koay parang mga tupang naliligaw.Pinabayaan sila ng kanilang mga pastoldoon sa kabundukan at kaburulanat hindi na nila alam ang daan pauwi.7Sinasakmal sila ng mga nakakakita sa kanila.Sinasabi ng mga kaaway nila, ‘Nagkasala sila sa Panginoonna siyang tunay nilang kapahingahanat pag-asa ng mga ninuno nilakaya wala tayong kasalanansa ating pagsalakay sa kanila.’8“Tumakas kayo mula sa Babilonia!Iwanan na ninyo ang bansang iyan!Mauna na kayong tumakaskatulad ng mga kambingna nangunguna sa mga kawan!9Sapagkat ipapasalakay ko ang Babiloniasa alyansa ng mga makapangyarihangbansa mula sa hilaga.Sasalakayin nila ang Babiloniaat masasakop nila ito.Bihasa ang mga tagapana nilaat walang mintis ang kanilang pagpana.10Sasamsamin nila ang mga ari-arian ng Babiloniaat talagang magsasawa sila,”sabi ng Panginoon.11“Mga taga-Babilonia, sinamsam ninyoang pag-aari ng mga mamamayan ko.Tuwang-tuwa kayo at masayana parang dumalagang bakasa pastulano kabayong humahalinghing.12Ngunit ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa. Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa,at magiging isa itong tuyotat nakatiwangwang na disyerto.13Dahil sa galit ng Panginoon,wala nang maninirahan sa Babiloniaat itoʼy magiging tiwangwang.Masisindak at mangingilabotang lahat ng dadaan ditodahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.14“Kayong mga tagapana,humanay na kayo sa inyong puwestosa palibot ng Babilonia.Panain ninyo siyasapagkat nagkasala siya sa Panginoon.15Sumigaw kayo laban sa kanyasa lahat ng dako!Tingnan nʼyo! Sumuko na ang Babilonia!Nawawasak na ang mga tore niyaat gumuho na ang mga pader niya.Ang Panginoon ang naghigantisa kanya.Kaya paghigantihan ninyo siyaat gawin ninyo sa kanyaang ginawa niya sa iba.16Paalisin ninyo sa Babiloniaang mga nagtatanimat nag-aani gamit ang karit.Iligtas ninyo ang mga bihagsa espada ng mga kaawayat patakasin ninyo silaat pauwiin sa sarili nilang lupain.17“Ang mga Israelita ay parangmga tupang nagkalatna hinahabol ng mga leon.Una, sinakmal silang hari ng Asiria,pagkatapos ang pinakahulingngumatngat ng mga buto nilaay si Haring Nebucadnezar ng Babilonia.”18Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel:“Parurusahan ko si Haring Nebucadnezarat ang Babiloniakatulad ng pagpaparusa ko sa hari ng Asiria.19Ngunit pababalikin koang mga Israelita sa kanilang bansa.Magiging parang mga tupa silangnanginginain sa kabundukan ng Carmelat sa kapatagan ng Bashan,at sa kaburulan ng Efraim at Gilead,at silaʼy mabubusog.20Sa mga araw na iyon,”sabi ng Panginoon“wala nang makikitang mga kasalananat pagsuwaysa mga natitirang mga mamamayanng Israel at Judasapagkat patatawarin ko na sila.21“Salakayin ninyo ang Merataimat ang mga nakatira sa Pekod.Patayin ninyo sila at lipulin nang lubusanbilang handog para sa akin,” sabi ng Panginoon.“Gawin ninyo ang lahat ng iniuutos ko sa inyo.22Iparinig nʼyo ang sigawan ng labanan at ingay ng puspusang pangwawasak.23Ang Babilonia ay parang martilyongdumurog ng mga bansa,subalit ngayon siya na ang nadurog.Nakita ng mga bansakung paano nawasak ang Babilonia!24O Babilonia, nahuli kasa bitag na inilagay ko para sa iyo.Nahuli ka dahil lumaban kasa Panginoon.25Binuksan ko ang taguan ng aking mga armasat inilabas ko ang aking mga sandatadahil sa aking galit.Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon,ay may gagawin sa iyo, O Babilonia.26Mga kalaban ng Babilonia, na nasa malalayong lugar,salakayin na ninyo ang Babilonia!Buksan ninyo ang kanyang mga bodega.Ipunin ninyo ang inyongmga nasamsam katulad ng trigo.Lipulin ninyong lubosang mga taga-Babiloniaat huwag kayong magtitira kahit isa.27Patayin ninyo ang lahat ng kanilang batang toro.Lipulin ninyo silang lahat.Kahabag-habag silasapagkat dumating na ang panahonna dapat silang parusahan.28Pakinggan ninyo ang mga taongnakatakas sa Babiloniahabang isinasalaysay nila sa Jerusalemkung paano naghiganti ang Panginoonna ating Diyosdahil sa ginawa ng mga taga-Babiloniasa ating Templo.29“Ipatawag ninyo ang mga tagapana upang sumalakay sa Babilonia!Palibutan ninyo upang walang makatakas.Paghigantihan ninyo siya sa kanyang ginawa;gawin ninyo sa kanyakung ano ang ginawa niya sa ibasapagkat kinalaban niya ang Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel.30Sa mga araw na iyon, mamamatay sa mga lansanganang mga kabataan niyang lalakipati ang lahat ng kanyang kawal,”sabi ng Panginoon.31“Ako, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo,ay nagsasabing kalaban kita,Babiloniang mapagmataas!Dumating na ang arawna ikaw ay aking parurusahan.32Ikaw na palalo ay mawawasakat walang tutulong sa iyopara ibangon ka.Susunugin ko ang iyong mga bayanat ang lahat ng nasa paligid nito.”33Sinabi pa ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo:“Inaalipusta ang mga mamamayan ng Israelat ganoon din ang mga taga-Juda.Binihag sila at binantayang mabutiupang hindi sila makauwi sa bayan nila.34Ngunit ako ang kanilang Manunubos,Panginoong Diyos ng mga Hukbo,ang aking pangalan.Ipagtatanggol ko sila at bibigyan ng kapayapaan,ngunit guguluhin ko angmga mamamayan ng Babilonia.35“Ang espada ng kapahamakanay tatama sa mga taga-Babilonia,” sabi ng Panginoon“laban sa mga nakatira sa Babilonia,pati sa mga pinunoat matatalinong tao nito.36Tatama rin ito sa kanyangmga bulaang propetaat silaʼy magiging mga mangmang.Tatama rin ang espada sa kanyang mga sundaloat silaʼy maduduwag.37Tatama ang espada sa kanyang mga kabayo, karwahe,at sa lahat ng kumakampi sa kanya.At silaʼy manghihina gaya ng mga babae!Tatama rin ito sa kanyang mga kayamananat itong lahat ay sasamsamin.38Matutuyo ang lahatng pinagkukunan niya ng tubig!Sapagkat ang Babiloniaay lugar na punong-puno ng napakaraming diyos-diyosan,mga diyos-diyosang nagliligaw sa mga tao.39“At ang Babilonia ay titirhan na lang ng mga hayop sa gubat,mababangis na hayop,mga asong-gubat, at mga kuwago.At hindi na maninirahan ang taosa Babilonia magpakailanman.40Kung paanong winasakng Diyos ang Sodoma at Gomora,at ang mga bayan sa palibot nito,ganoon din ang mangyayari sa Babilonia.Wala nang taong maninirahan doon,”sabi ng Panginoon.41“Tingnan ninyo! May mga sundalongdumarating mula sa hilaga.Isang makapangyarihang bansa at ang mga harimula sa malayong lupain na lalaban sa Babilonia.42Ang dala nilang mga sandataay mga pana at mga sibat.Malulupit sila at walang habag.Ang ingay nilaʼy parang malalakas na alonhabang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo.Darating sila na handang-handapara salakayin kayong mga taga-Babilonia.43Nabalitaan ito ng hari ng Babiloniaat siyaʼy nanlupaypay.Nakaramdam siya ng takot at sakitkatulad ng babaeng manganganak na.44Bigla kong sasalakayin ang Babiloniakatulad ng leon na galingsa kagubatan malapit sa Ilog Jordan,sasalakay patungo sa pastulanng maraming tupa.Magsisitakas sila,at pipili ako ng taong mamamahalasa Babilonia.Sino ang maitutulad sa akin?Sino ang mangangahas na kalabanin ako?Sino ang pinunong makakalaban sa akin?45“Kaya pakinggan mo ang balak gawin ng Panginoonlaban sa Babilonia.Kahit ang kanilang mga anakay bibihaginat ang kanilang mga bahay ay gigibain.46Sa pagbagsak ng Babilonia, yayanig ang lupaat maririnig sa ibang bansa ang iyakan nila.”Biblica, Inc.