Jeremias47
Ang Mensahe tungkol sa Filistia
1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon ang Gaza:2Ito ang sinasabi ng Panginoon:“May bansang sasalakay mula sa hilagana tulad ng bahang aapawsa buong lupain.Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsodpati ang mga mamamayan nito.Magsisigawan at mag-iiyakannang malakas ang mga tao;dahil sa takot.3Maririnig nila ang ingay ng lagapakat mga yabag ng mga kabayoat mga karwahe.Hindi na lilingon ang mga amaupang tulungan ang mga anak nila.4Sapagkat darating ang arawna wawasakin ang lahat ng Filisteopati ang mga kakampi nilana tumutulong sa kanilamula sa Tiro at Sidon.Wawasakin ng Panginoonang mga Filisteo.Ito ang mga taong mula sa Caftor. 5Ang mga taga-Gaza ay magpapakalbo,tanda ng kanilang pagluluksa,at ang mga taga-Ashkelonay tatahimik sa kalungkutan.Kayong mga mamamayan sa kapatagan,hanggang kailan ninyo susugatanang inyong sariliupang ipakita ang inyong kalungkutan?6Nagtatanong kayokung kailan ko ititigil ang pagpaparusa sa inyosa pamamagitan ng espadang Panginoon.Sinasabi ninyong ibalik ko nasa lalagyan ang aking espadaat pabayaan na lang kayo.7Ngunit paano ito mapipigilkung inutusan na ito ng Panginoonna salakayin ang Ashkelonat ang mga naninirahansa baybayin ng dagat?”Biblica, Inc.