Jeremias46
Ang Mensahe tungkol sa mga Bansa
1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay propeta Jeremias tungkol sa mga bansa:2Ito ang mensahe laban sa mga sundalo ni Faraon Neco na hari ng Ehipto:Tinalo sila ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia roon sa Carquemis malapit sa Ilog ng Eufrates, noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda:3“Ihanda ninyo ang inyong mga kalasagat pumunta kayo sa digmaan!4Ihanda rin ninyo ang inyongmga kabayong pandigma.Isuot ang inyong mga helmet,hasain ang inyong mga sibat,at isukbit ang inyong mga sandata.5Ngunit ano itong nakita ko?Natatakot kayo at umuurong.Natalo kayo at mabilis na tumakasna hindi man lang lumilingondahil sa takot,” sabi ng Panginoon.6Malakas kayo at mabilis tumakbopero hindi pa rin kayo makakatakas.Mabubuwal kayo at mamamataymalapit sa Ilog ng Eufrates.7“Ano itong bansangnaging makapangyarihan,na katulad ng Ilog ng Nilona tumataas ang tubigat umaapaw hanggang sa pampang?8Ito ay ang bansang Ehipto,na naging makapangyarihankatulad ng Ilog ng Nilona tumataas ang tubigat umaapaw hanggang sa pampang.Sinabi ng Ehipto, ‘Nagingmakapangyarihan akogaya ng baha na umapawsa buong mundo.Wawasakin ko ang mga lungsodat ang mga mamamayan nito.’9Lumusob kayo, mga kabayo!Tumakbo kayo, mga karwahe!Sumalakay na kayo, mga sundalong bayani,kayong mga kakampi mula sa Etiopia at Putna bihasa sa kalasagat kayong mga kakampimula sa Lydia na bihasa sa pana.10Ngunit mananalo ang Makapangyarihang Panginoon na Makapangyarihan sa digmaang ito.Maghihiganti siya sa mga kaaway niyasa araw na ito.Ang espada niyaʼy parang gutomna hayop na lalamon sa kanilaat iinom ng dugo nilahanggang sa mabusog.Ang mga bangkay nilaʼyparang mga handog sa Makapangyarihang Panginoonna Makapangyarihan doon sa lupainsa hilaga malapit sa Ilog ng Eufrates.11“O mga taga-Ehipto, kahit napumunta pa kayo sa Gileadupang maghanap ng panlunasna gamot,ang lahat ng gamot ay wala nang bisaat hindi na makapagpapagaling sa inyo.12Mababalitaan ng mga bansasa buong daigdigang kahihiyan at pagtangis ninyo.Sama-samang mabubuwalang inyong mga sundalo.”13Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa pagsalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa Ehipto:14“Jeremias ipahayag itosa Ehipto, Migdol, Memfis at Tapanhes:‘Humanda na kayosapagkat nakahanda naang espada upang lipulin kayo.’15Bakit nakadapa ang inyong mga kawal? Hindi sila makakatayo,sapagkat itutumba sila ng Panginoon.16Madadapa at mabubuwal silanang paulit-ulit.Sasabihin nila, ‘Bumangon tayoat bumaliksa ating mga kababayanat sa lupaing sinilangan natin,upang makaiwas tayosa espada ng ating mga kaaway.’17Doon ay sasabihin nila,‘Ang Faraon na hari ng Ehiptoay magaling lang sa salita,at sinasayang lang niyaang mga pagkakataon.’18“Ako, ang buháy na Hari,” sabi ng Panginoon,ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo.“Isinusumpa kong mayroong sasalakay sa Ehiptona nakahihigit sa kanya,katulad ng Bundok ng Taborsa gitna ng mga kabundukano ng Bundok ng Carmelsa tabi ng dagat.19Kayong mga mamamayan ng Ehipto,ihanda na ninyo ang inyong mga dala-dalahansapagkat kayo ay bibihagin.Mawawasak ang Memfis,magiging tiwangwang itoat wala nang maninirahan dito.20“Ang Ehipto ay parang dumalagang baka,pero may bangaw mula sa hilagana sasalakay sa kanya.21Pati ang mga upahang sundalo niyaay uurong at tatakas.Para silang mga guyang pinatabaupang katayin.Mangyayari ito sapagkat panahon naupang parusahan at wasakinang mga taga-Ehipto.22Tatakas ang mga taga-Ehiptona parang ahas na mabilis na tumatalilishabang sumasalakay ang mga kaaway.Sasalakay ang mga kaawayna may dalang mga palakolna katulad ng taong namumutolng punongkahoy.23Papatayin nila ang mga taga-Ehiptona parang pumuputol lang ng mayayabong na mga punongkahoy,”sabi ng Panginoon.“Ang mga kaaway na itoʼymas marami kaysa sa balangna hindi mabilang.24Mapapahiya ang mga taga-Ehipto.Ibibigay sila sa mga taga-hilaga.”25Patuloy pang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Parurusahan ko na si Amon, ang diyos-diyosan ng Tebes, at ang iba pang mga diyos-diyosan ng Ehipto. Parurusahan ko rin ang Faraon pati ang mga tagapamahala niya, at ang mga nagtitiwala sa kanya.26Ibibigay ko sila sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila – kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga pinuno nito. Ngunit darating din ang araw na ang Ehipto ay tatahanan ng mga tao katulad noong una,” sabi ng Panginoon.27“Kaya huwag kayong matatakot,o manlulupaypay man,kayong mga lahi ni Jacobna aking lingkod.Sasagipin ko kayo mula diyansa malayong lugar kung saan kayo binihag.Sa pagbabalik ninyo,mamumuhay na kayo nang payapa,tahimik, at walang kinatatakutan.28Kaya huwag kayong matakot,kayong mga lahi ng lingkod kong si Jacob,sapagkat akoʼy kasama ninyo,”sabi ng Panginoon.“Kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo.Lubusan kong wawasakin ang mga bansakung saan ko kayo ikinalatngunit hindi ko ito gagawin sa inyo.Ngunit hindi rin ito nangangahuluganghindi ko kayo parurusahan.Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”
Biblica, Inc.