Jeremias3

1“Kung ang isang babae ay hiniwalayanng kanyang asawaat ang babaeng ito ay mag-asawang muli,hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa,dahil magpaparumi ito nang lubossa inyong lupain.Kayong mga taga-Israelay namumuhay na tuladng isang babaeng bayaran.Marami kayong minamahal na mga diyos-diyosan.Sa kabila ng lahat ng ito,tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin.”Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.2“Tingnan ninyo ang matataas na lugarkung saan kayo sumasambasa inyong mga diyos-diyosan.May mga lugar pa ba roonna hindi ninyo dinungisan?Pinarumi ninyo ang lupaindahil sa kasamaan ninyo.Para kayong babaeng bayaran na nakauposa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki.Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao na naghihintay ng kanyang mabibiktima sa ilang.3Iyan ang dahilan kung bakithindi umuulan sa panahon ng tag-ulan.Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulogaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.4At ngayon sinasabi ninyo sa akin,‘Ama ko, kayo po ay kasama  komula noong bata pa ako.5Palagi na lang ba kayong galit sa akin?Hanggang kailan pa po ba kayomagagalit sa akin?’Ito ang sinasabi ninyo,ngunit inyo namang ginagawaang lahat ng masamangmagagawa ninyo.”

Ginaya ng Juda ang Israel

6Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya.7Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda.8Ibinigay ko sa Israel ang katibayan ng diborsyo at pinalayas ko siya dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya9sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga diyos-diyosan.10At ang pinakamasama pa, hindi taos-pusong bumalik sa akin ang taksil na Juda. Pakunwari lang ang pagbabalik-loob niya sa akin,” sabi ng Panginoon.
11Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, “Kahit hindi tapat sa akin ang Israel mas mabuti pa rin siya kaysa sa taksil na Juda.12Lumakad ka ngayon at sabihin mo ito sa Israel, ‘Ang Panginoon ay nagsasabi:Israel na taksil, manumbalik ka,sapagkat akoʼy mahabagin.Hindi na ako magagalit sa iyo kailanman.13Aminin mo lang ang iyong kasalananna naghimagsik ka sa akin,ang Panginoon na iyong Diyos,at sumunod ka sa ibang mga diyossa pamamagitan ng pagsamba sa kanilasa ilalim ng malalagong punongkahoy.Aminin mong hindi ka sumunod sa akin.Ako, ang Panginoon,ang nagsasabi nito.’ ”
14Sinabi pa ng Panginoon, “Magbalik na kayo, kayong mga suwail na mga anak, dahil akin kayo. Kukunin ko ang isa o dalawa sa inyo mula sa bawat bayan o angkan at dadalhin sa Zion.15Pagkatapos, bibigyan ko kayo ng pinuno na gusto kong mamumuno sa inyo na may kaalaman at pang-unawa.16Ako, ang Panginoon ay nagsasabi na pagdating ng araw na marami na kayo sa lupaing iyon, hindi na ninyo hahanap-hanapin ang Kahon ng Kasunduan, ni iisipin o aalalahanin ito. At hindi na rin ninyo kailangang gumawa pa ng panibago nito.17Sa panahong iyon, tatawagin nʼyo ang Jerusalem na ‘Trono ng Panginoon.’ At ang lahat ng bansa ay magtitipon sa Jerusalem upang parangalan ang pangalan ng Panginoon. Hindi na nila susundin ang nais ng matitigas at masasama nilang puso.18Sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel ay magkasamang babalik mula sa pagkabihag sa hilaga pauwi sa lupaing ibinigay ko sa mga magulang nila bilang mana.
19“Ako mismo ang nagsasabi,‘Natutuwa ako na ituring kayong mga anak koat bigyan ng magandang lupainna pinakamagandang pamanasa buong mundo.’At akala koʼy tatawagin ninyo akong ‘Ama’at hindi na kayo hihiwalay sa akin.20Ngunit kayong mga mamamayan ng Israelay nagtaksil sa akin,tulad ng babaeng nagtaksilsa kanyang asawa.”Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
21“May naririnig na mga ingay sa itaas ng bundok.Nag-iiyakan at nagmamakaawaang mga mamamayan ng Israeldahil naging masama ang kanilang pamumuhayat kinalimutan nila ako,ang Panginoon na kanilang Diyos.
22“Kayong mga naliligaw kong anak,manumbalik kayo sa akinat itutuwid ko ang inyong kataksilan.“Opo, kami po ay lalapit sa inyosapagkat kayo ang Panginoonnaming Diyos.23Talagang mali po ang pagsamba naminsa mga diyos-diyosan sa mga bundok.Sa inyo lamang ang kaligtasan ng Israel,Panginoon naming Diyos.24Mula pa sa aming kabataan, nakinabang ang mga nakakahiyang diyos-diyosansa mga pinaghirapan ng aming mga ninunoang kanilang mga kawan at bakahan,at ang kanilang mga anakna lalaki at babae.25Dapat nga po kaming magtagodahil sa kamiʼy nahihiya.Sapagkat kami at ang aming mga ninuno,sa inyo ay nagkasala, Panginoon naming Diyos.Mula sa aming pagkabata hanggang ngayon,hindi po kami sumunod sa inyo.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3