Jeremias2
Itinakwil ng Israel ang Panginoon
1Sinabi sa akin ng Panginoon,2“Puntahan mo ang mga taga-Jerusalem at sabihin mo ito sa kanila:“Ito ang sinasabi ng Panginoon:‘Natatandaan ko ang katapatanat pagmamahal ninyo sa akin noonna katulad ng babaeng bagong kasal.Sumunod kayo sa akin kahit sa ilangna lupaing hindi tinamnan.3Kayong mga Israelita ay ibinukodpara sa akin.Kayo ang pinakaunang bungana ibinigay sa akin.Pinarusahan ko ang mga nanakit sa inyo,at napahamak sila,’wika ng Panginoon.”4Pakinggan ninyo ang mensaheng Panginoon,kayong mga mamamayanng Israel na lahi ni Jacob.5Ito ang sinabi ng Panginoon:“Anong kasalanan ang nakitang mga ninuno ninyo sa akinna nagtulak sa kanila para lumayo?Sumusunod sila sa mga walangkuwentang diyos-diyosan,kaya sila rin ay nawalan ng kabuluhan.6Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon,na naglabas sa amin mula sa Ehiptoat nanguna sa amin sa ilang na walang tanim,ang lupang tuyo, may mga hukay,mapanganibat walang taong tumitira o dumadaan?’7Mula rooʼy dinala ko silasa masaganang lupainupang makinabang sa mayamang ani nito.Ngunit nang naroon na kayo,dinungisan nʼyo ang lupain koat ginawa itong kasuklam-suklam.8Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong,‘Nasaan ang Panginoon?’Ang mga nagtuturo ng kautusanay hindi ako kilala. Ang mga pinunoay naghimagsik laban sa akin.At ang mga propetaʼy nagpropesiyasa pangalan ni Baalat sinayang nila ang kanilang panahonsa mga walang kuwentang diyos-diyosan.9“Kaya susumbatan ko silang muli,pati ang magiging anakng inyong mga anak,” sabi ng Panginoon.10“Tumawid kayo sa kanluran,sa mga isla ng Kitim,at magsugo kayo ng magmamasidnang mabuti sa silangan,sa lupain ng Kedar,at tingnan kung may nangyaring katulad nito:11May bansa bang nagpalit ng kanilang diyos,kahit na hindi ito mga tunay na diyos?Ngunit ako, ang dakilang Diyos,ay ipinagpalit ng aking mga mamamayansa mga diyos na walang kabuluhan.12Nangilabot ang buong kalawakansa ginawa nila;at nayanig ito sa matinding pagkasindak,”wika ng Panginoon.13“Gumawa ang mga mamamayan kong dalawang kasalanan:Itinakwil nila ako,ang bukal na nagbibigay-buhay,at sumamba sila sa ibang mga diyos,na para bang naghukay sila ng mga balon,mga wasak na tipunanna hindi nakakaipon ng tubig.14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin.Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?15Ang mga kaaway niyaay parang mga leon na umuungal sa kanya.Sinira nila ang kanyang lupain,sinunog ang mga bayanat pinabayaang nakatiwangwang.16Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhesang nagwasak sa kanya. 17Kayong na ring mga Israelita ang nagdalang kapahamakang ito sa inyong mga sarili.Sapagkat itinakwil ninyo ako,ang Panginoon na inyong Diyos,akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.18Ngayon, ano ang napala ninyosa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria?Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mulasa Ilog ng Eufrates?19Parurusahan ko kayodahil sa kasamaanat pagtakwil nʼyo sa akin.Isipin nʼyo kung gaano kasamaat kapait ang ginawa nʼyong pagtakwilat paglapastangansa Panginoon na inyong Diyos,”wika ng Makapangyarihang Panginoon.20“Noong inalipin kayo,para kayong nakapamatok,o mga aliping nakakadena.Ngunit nang mapalaya ko na kayo,ayaw naman ninyongmaglingkod sa akin.Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosansa bawat matataas na burolat sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy.Katulad kayo ng babaeng bayaran.21Para kayong isang piling klaseng ubas na aking itinanim,na mula sa pinakamainam puno.Ngunit bakit lumabas kayong bulokat walang kabuluhang ubas?22Maligo man kayoat magsabon nang magsabon,makikita ko pa rin ang duming mga kasalanan ninyo,”wika ng Makapangyarihang Panginoon.23“Paano nʼyo nasasabing hindi kayo nadumihanat hindi kayo sumamba kay Baal?Tingnan nʼyo kung anong kasalananang ginawa nʼyosa lambak ng Hinom.Isipin nʼyoang ginawa nʼyong kasalanan.Para kayong babaeng kamelyo na hindi mapalagaydahil naghahanap ng lalaki.24Para rin kayong babaeng asnong-gubatna masidhi ang pagnanasa na magpakasta,sa tindi ng kanyang pagnanasaay walang makakapigil sa kanya.Ang lalaking asno ay hindi namahihirapang maghanap sa kanya.Madali siyang hanapinsa panahon ng pagpapakasta.25Mga taga-Israel,napudpod na ang inyong mga sandalyasat natuyo na ang inyong mga lalamunansa pagsunod sa ibang mga diyos.Ngunit sinasabi nʼyo,‘Hindi namin maaaring itakwilang ibang mga diyos.Mahal namin silaat susunod kami sa kanila.’26“Tulad ng isang magnanakawna napapahiya kapag nahuli,mapapahiya rin kayong mga taga-Israel.Talagang mapapahiya kayo,pati ang inyong mga hari, pinuno,pari, at mga propeta ninyo.27Sinasabi ninyo sa imaheng kahoy,‘Ikaw ang aking ama,’at ang sa inukit na bato,‘Ikaw ang aking ina.’Itinakwil ninyo ako,pero kapag naghihirap kayo,humihingi kayo ng tulong sa akin.28Bakit?Nasaan na ang mga diyosna ginawa ninyo para sa inyong sarili?Tawagin ninyo silakung kaya nila kayong iligtassa paghihirap ninyo.Sapagkat napakarami ninyong diyos,kasindami ng mga bayan sa Juda.29“Bakit kayo nagrereklamo sa akin?Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?”wika ng Panginoon.30“Pinarusahan ko ang inyong mga anak,pero hindi sila nagbago.Ayaw nilang magpaturo.Kayo na rin ang pumataysa inyong mga propetagaya ng pagpatay ng mabangisat gutom na leon sa kanyang biktima.31“Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon:Ako baʼy parang isang ilangpara sa inyong mga taga-Israel,o kayaʼy parang isang lugarna napakadilim?Bakit ninyo sinasabing,‘Bahala na kami sa gusto naming gawin.Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’32Makakalimutan ba ng isang dalagaang kanyang mga alahaso ang damit niyang pangkasal?Ngunit kayong mga hinirang ko,matagal na ninyo akong kinalimutan.33Magaling kayong humabolsa minamahal ninyong mga diyos-diyosan.Kahit ang mga babaeng bayaranay matututo pa sa inyo.34Ang inyong mga damitay may mga bahid ng dugong mga taong walang kasalananat mga dukha,kahit na hindi ninyo sila nahulingnagnakaw sa inyong mga bahay.Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,35sinabi nʼyo pa rin,‘Wala akong kasalanan.Hindi galit sa akin ang Panginoon!’Ngunit talagang parurusahan ko kayodahil sinabi ninyo, ‘Hindi ako nagkasala.’36Pangkaraniwan lang sa inyoang magpapalit-palitng mga bansang kakampihan.Ngunit ipapahiya kayo ng Ehipto na inyong kakampi,gaya ng ginawa sa inyo ng Asiria.37Aalis kayo sa Ehiptona nakatakip ang inyong kamay sa mukhadahil sa kahihiyan at pagdadalamhati.Sapagkat itinakwil na ng Panginoonang mga bansang pinagkatiwalaan ninyo.Hindi na kayo matutulunganng mga bansang iyon.”
Biblica, Inc.