Isaias61
Ang Magandang Balita para sa mga Inaapi
1Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoonay sumasaakin.Sapagkat hinirang niya akona mangaral ng magandang balitasa mga dukha.Sinugo niya ako para aliwinang mga sugatang-puso,at para ipahayag sa mga bihagat mga bilanggo na silaʼy malaya na.2Sinugo rin niya ako para ipahayagna ngayon na ang panahonna ililigtas ng Panginoonang kanyang mga mamamayanat parurusahan ang kanilang mga kaaway.3Sinugo rin niya akopara aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,nang sa ganoon,sa halip na maglagay sila ng abosa kanilang ulo bilang tandang pagdadalamhati,maglalagay sila ng langiso ng koronang bulaklaksa kanilang ulobilang tanda ng kaligayahan.Silaʼy magiging parang matibay na punona itinanim ng Panginoon.Kikilalanin silang mga taong matuwidsa ikakaluwalhati ng Panginoon.4Muli nilang itatayo ang mga lugarna gumuho noong unang panahon,at aayusin ang mga lungsodna nawasak noon.Muli nilang bubuhayin ang mga ito,kahit na napakatagal na nitong gumuho.5Mga mamamayan ng Diyos,maglilingkod sa inyo ang mga dayuhan.Aalagaan nila ang inyong mga hayop,at magtatrabaho silasa inyong mga bukidat mga ubasan.6Tatawagin kayong mga pari ng Panginoon,mga lingkod ng ating Diyos.Makikinabang kayosa kayamanan ng mga bansaat magagalak kayona ang mga itoʼy naging inyo.7Sa halip na kahihiyan, magiging dobleang inyong matatanggap na pagpapalasa inyong lupainat talagang masisiyahan kayosa matatanggap ninyo.Magiging maligaya kayo magpakailanman.8“Sapagkat ako, ang Panginoon,ay nagnanais ng katarungan.Galit ako sa mga pagnanakawat sa iba pang kasamaan.Sa aking katapatan, gagantimpalaan koang aking mga mamamayanat gagawa ako ng walang hanggangkasunduan sa kanila.9Ang lahi nilaʼy magiging tanyagsa mga bansa.Ang lahat ng makakakita sa kanilaay magsasabing silaʼy mga taongpinagpala ng Panginoon.”10Nalulugod ako sa Panginoon kong Diyos,dahil para niya akong binihisanng kaligtasan at tagumpay.Para akong lalaking ikakasalna may suot na katuladng magarang damit ng pari,o babae sa kasal na may mga alahas.11Sapagkat kung papaanongtiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi,ang tagumpay at katuwiran namanay tiyak na manggagalingMakapangyarihang Panginoon,at pupurihin siya ng mga bansa.Biblica, Inc.