Isaias62

Ang Bagong Pangalan ng Zion

1Dahil sa mahal ko ang Jerusalem,hindi ako tatahimikhanggaʼt hindi dumaratingang kanyang tagumpayat katuwiran na parang nagbubukang-liwayway;at hanggang sa mapasakanyaang kanyang kaligtasanna parang nagniningas na sulo.2O Jerusalem, makikita ng mga bansaat ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay,katuwiran, at ang iyong kapangyarihan.Bibigyan ka ng Panginoonng bagong pangalan.3Ikaw ay magiging parang koronang magandasa kamay ng Panginoon na iyong Diyos.4Hindi ka na tatawaging,“Itinakwil” o “Pinabayaan”.Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Diyos”o “Ikinasal sa Diyos”,sapagkat ang Panginoon ay nalulugodat para bang ikaw ay ikakasal sa kanya.5Tulad ng binatang ikakasalsa isang dalaga,pakakasalan ka rin ng iyong Manlilikha.At kung papaanong nagagalak ang lalakingikakasal sa kanyang kasintahan,ang iyong Diyos ay nagagalak din sa iyo.6Jerusalem, nagtalaga akong mga tagapagbantaysa iyong mga pader.Hindi sila titigil araw-gabisa pagbibigay ng babalasa mga mamamayan mo.Kayong mga nananalanginsa Panginoon,huwag kayong titigilsa inyong pananalangin.7Huwag ninyong titigilanang Panginoonhanggang sa muli niyang itayoang Jerusalemat gawin itong lugar na kapuri-purisa buong mundo.8Nangako ang Panginoon na gagawin niya itosa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakainang inyong mga trigosa inyong mga dayuhang kaaway.Hindi na rin nila maiinomang mga bagong alakna inyong pinaghirapan.9Kayo mismong nag-aani ng trigoang kakain nito,at pupurihin ninyo ang Panginoon.Kayo mismong namimitas ng ubasang iinom ng katas nitodoon sa aking Templo.”
10Lumabas kayo sa pintuan ng inyong lungsod,at ihanda ninyo ang daraananng iba pa ninyong mga kababayan.Linisin ninyo ang kanilang daraanan.Alisin ninyo ang mga bato,at magtaas kayo ng bandilangnagpapahiwatig sa mga taona pinauuwi na ng Panginoonang kanyang mga mamamayan.11Makinig kayo! Ito ang mensahe ng Panginoonna ipinahayag niya hanggangsa dulo ng mundo:“Sabihin ninyo sa lahat ng taga-Zionna ang kanilang Tagapagligtasay parating na,at may dalang gantimpala.”12Tatawagin silang “Banal” at “Iniligtas ng Panginoon.”At ang Jerusalem naman ay tatawaging,“Lungsod na Pinananabikan”at “Lungsod na hindi na Pinabayaan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3