Isaias60

Ang Darating na Kaluwalhatian ng Zion

1“Bumangon ka, Jerusalem,at magliwanag katulad ng araw,sapagkat dumating na ang kaligtasan  mo.Liliwanagan kang kaluwalhatian ng Panginoon.2Mababalot ng matinding kadilimanang mga bansa sa mundo,ngunit ikaw ay liliwanaganng kaluwalhatian ng Panginoon.3Lalapit sa iyong liwanagang mga bansaat ang kanilang mga hari.
4“Tingnan mo ang iyong paligid,nagtitipon na ang iyong mga mamamayansa malayo para umuwi.Para silang mga batang kinakarga. 5Kapag nakita mo na ito, matutuwa kaat mag-uumapaw ang iyong kagalakan,dahil ang kayamanan ng mga bansaay dadalhin dito sa iyo.6Mapupuno ang iyong lupainng mga kamelyo ng mga taga-Midianat ng mga taga-Efa.Darating sila sa iyo mula sa Shebana may dalang mga gintoat mga insensopara sambahin ang Panginoon.7Dadalhin ng mga taga-Kedarat mga taga-Nebayotang kanilang mga tupa sa iyo,at ihahandog ito sa altar ng Panginoonupang siyaʼy malugod.At lalo pang pararangalan ng Panginoonang kanyang Templo.
8“Maglalayag ang mga barkona parang mga ulap na lumilipadat parang mga kalapating papuntasa kanilang mga pugad.9Ang mga barkong itoʼy pag-aaring mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa Panginoon. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsispara ihatid ang iyong mga mamamayanpauwi mula sa malalayong lugar.Magdadala sila ng mga ginto at pilakpara sa Panginoon na iyong Diyos,ang Banal na Diyos ng Israel,dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”
10“Itatayo ng mga dayuhanang iyong mga pader,at ang kanilang mga hariay maglilingkod sa iyo.Kahit na pinarurusahan kitadahil sa galit ko sa iyo,kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.11Palaging magiging bukasang iyong pintuan araw at gabiupang tumanggap ng mga kayamananng mga bansa.Nakaparada ang mga harina papasok sa iyo.12Sapagkat lubusang mawawasakang mga bansaat kahariang hindi maglilingkod sa iyo.
13“Ang kaluwalhatian ng Lebanonay mapapasaiyo,ang kanilang mga punotulad ng pino, enebro at sipresang magpapaganda sa aking santuwaryo;ang tuntungan ng aking mga paaay mapaparangalan.14Ang mga anak ng mga umapi sa iyoay lalapit sa iyo at magbibigay galang.Luluhod sa paanan moang mga humamak sa iyo,at ikaw ay tatawagin nilang,‘Lungsod ng Panginoon’ o ‘Zion,ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’
15“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig,at sayoʼy walang nagpahalaga,gagawin kitang dakila magpakailanman,ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.16Aalagaan ka ng mga bansaat ng kanilang mga harikatulad ng sanggol na pinapasusong kanyang ina.Sa ganoon, malalaman mo na akoang Panginoon na iyong Tagapagligtasat ako ang iyong Tagapagpalaya,ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.17Papalitan ko ang mga kagamitanng iyong Templo.Ang mga tansoay papalitan ko ng ginto,ang mga bakalay papalitan ko ng pilak,at ang mga batoay papalitan ko ng bakal.Iiral sa iyo ang kapayapaanat katuwiran.18Wala nang mababalitaang pagmamalupitsa iyong lupain.Wala na ring kapahamakanna darating sa iyo.Palilibutan ka ng kaligtasanna parang pader,at magpupuri sa akinang mga pumapasok sa iyong pintuan.
19“Hindi na ang arawang magiging liwanag mo sa umagaat hindi na ang buwanang tatanglaw sa iyo sa gabi,sapagkat ako, ang Panginoon,ang iyong magiging liwanag magpakailanman.Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw. 20Ako ang iyong magiging arawat buwan na hindi na lulubog kahit kailan.Ang Panginoon ang magigingliwanag ninyo magpakailanman,at ang mga araw ng inyong pagdurusaay magkakaroon ng katapusan.21Ang lahat mong mamamayanay magiging matuwid,at sila na ang magmamay-ari ng lupainng Israel magpakailanman.Ginawa ko silang parang halamanna itinanim ko para sa aking karangalan.22Kakaunti sila,ngunit dadami sila.Silaʼy kapos-paladngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa.Ako, ang Panginoon,ang gagawa nito pagdatingng takdang panahon.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3