Isaias59

Babala Laban sa Kasalanan

1Makinig kayo! Ang Panginoonay hindi mahinapara hindi makapagligtas.Hindi rin siya bingipara hindi makarinigkapag tumawag kayo sa kanya.2Ngunit ang inyong mga kasalananang siyang naglayo sa inyo sa Diyosat iyon ang dahilankung bakit niya kayo tinalikuranat hindi na siya makikinigsa inyong mga dalangin.3Pumapatay kayo ng tao,at gumagawa pang ibang mga kasalanan.Nagsisinungaling kayoat nagsasalita ng masama.4Wala sa isip ninyo ang katarungan;ang mga bintang ninyo sa inyong kapwaay puro mga kasinungalingan.Ang inyong iniisip ay masama,at iyon ay inyong ginagawa.5Ang masasamang plano nʼyoay parang itlog ng makamandag na ahas;o kayaʼy bahay ng gagamba naang sinumang kumain nito ay mamamatay.6Katulad din ito ng bahay ng gagambana hindi maaaring gawing damitkaya walang kabuluhanang inyong masasamang plano.Masama ang ginagawa nʼyoat namiminsala kayo.7Nagmamadali kayong gumawa ng masamáat mabilis ang kamay ninyong pumatayng walang kasalanan.Palaging masamá ang iniisip ninyo,at kahit saan kayo pumuntaay wala kayong ginawakundi kapahamakan at karahasan.8Wala kayong alam tungkolsa mapayapang pamumuhay.Binabalewala ninyo ang katarunganat binabaluktot pa ninyo ito.Ang sinumang sumunodsa inyong mga ginagawaay hindi rin makakaranasng mapayapang pamumuhay.
9Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyosang ating mga kaaway,at hindi pa natin natatamoang tagumpay at katuwiran.Naghintay tayo ng liwanagngunit dilim ang dumating,kaya lumalakad tayo sa kadiliman.10Nangangapa tayona parang bulag.Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat,na parang lumalakad sa dilim.Tayoʼy parang mga pataykung ihahambing sa mga taong malakas.11Umuungal tayo sa hirap na parang osoat dumadaing na parang mga kalapati.Hinihintay nating parusahan na ng Diyosang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas,ngunit hindi pa rin nangyayari.
12Sapagkat napakarami nang ating mga kasalanan sa Diyosat iyan ang nagpapatunayna dapat tayong parusahan.At talaga namang alam natinna gumagawa tayo ng masama.13Nagrebelde tayo at nagtaksilsa Panginoon.Itinakwil natin ang ating Diyos.Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa.Pinag-iisipan natin nang mabutikung paano magsalita ng kasinungalingan.14Iyan ang dahilan kung bakit hindi papinarurusahan ng Diyosang ating mga kaawayat hindi pa niya tayo binibigyanng tagumpay na may katuwiran.Sapagkat hindi na matagpuanang katotohanan kahit saan,at ang mga taoay hindi na mapagkakatiwalaan.15Oo, nawala na ang katotohanan,at ang mga umiiwas sa kasamaanay inuusig.Nakita ito ng Panginoonat nalulungkot siyadahil sa kawalan ng katarungan.16Nagtataka siya sa kanyang nakitana wala kahit isa manna tumutulong sa mga inaapi.Kung kaya, gagamitin niyaang kanyang kapangyarihansa pagliligtas sa kanila.At dahil matuwid siya, tutulungan niya sila.17Gagamitin niyang panangga sa dibdibang katuwiran, at helmet ang kaligtasan.Isusuot niya na parang damitang paghihiganti at ang matindi niyang galit.18Gagantihan niya ang kanyang mga kaawayayon sa kanilang ginawa,pati na ang mga nasa malalayong lugar. Madadama nila ang kanyang galit.19Mula sa kanluran,ang mga taoʼy matatakotsa pangalan ng Panginoon,mula sa pagsikat ng araw,siyaʼy kanilang pararangalan.Sapagkat siyaʼy darating tuladng rumaragasang tubigna pinapadpad ng napakalakas na hangin. 
20Sinabi ng Panginoon, “Darating sa Zion ang magliligtas sa inyong mga lahi ni Jacob,at kanyang ililigtas ang mga nagsisisisa kanilang mga kasalanan.
21“At ito ang kasunduan ko sa inyo: Hindi mawawala ang aking Espiritu na nasa inyo at ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak, at kailangang sabihin din ito ng inyong mga anak sa kanilang mga anak hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3