Isaias58
Ang Totoong Pag-aayuno
1“Sumigaw kayo nang malakasna kasinlakas ng trumpeta!Huwag ninyong pigilan!Sabihin ninyo sa aking mga mamamayanna lahi ni Jacob ang kanilang mga kasalananat mga pagsuway.2Dumudulog sila sa akin araw-araw,at tila gusto nilang malamanang aking mga pamamaraan.Kung titingnan, para bang isa silangbansang matuwidat hindi sumusuwaysa mga utos ng Diyos.Ipinapakita nilana parang gustong-gustonilang lumapit sa akinat humingi ng matuwid na hatol.3Sinasabi pa nila sa akin,‘Nag-ayuno kami,ngunit hindi nʼyo man lamang pinansin.Nagpapakahirap kami,ngunit binalewala ninyo.’“Ang totoo, habang nag-aayuno kayo,ang sarili ninyong kapakananang inyong iniisip.Inaapi ninyoang inyong mga manggagawa.4Nag-aayuno nga kayo,ngunit nag-aaway-away naman kayo,nagtatalo, at nagsusuntukan pa.Huwag ninyong iisipin naang ginagawa ninyong pag-aayuno ngayonay makakatulong para dinggin koang inyong dalangin.5Kapag nag-aayuno kayo,nagpepenitensya kayo.Yumuyuko kayona parang mga damong kugon.Nagsusuot kayo ng damit na panluksa at humihiga sa abo.Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno?Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyonsa Panginoon?6Ang ayunong makapagpapalugod sa akinay ang ayunong may kasamangmatuwid na pag-uugali.Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan,pairalin nʼyo na ang katarungan,palayain ninyo ang mga inaalipinat ang inaapi ay inyong tulungan.7Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom,patirahin ninyo sa inyong tahananang mga walang tahanan,bigyan ninyo ng damit ang mga walang damit,at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak.8Kapag ginawa nʼyo ito, darating sa inyoang kaligtasan na parang bukang-liwayway,at pagagalingin ko kayo agad.Ako na inyong Panginoong matuwidang mangunguna sa inyoat ipagtatanggol ko kayosa pamamagitan ng aking kapangyarihan.9At kung dumulog kayo sa Panginoonpara humingi ng tulong,siya ay sasagot at sasabihing:Ako ay nandito.“Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi,ang pambibintang ng kasinungalingan,ang pagsasalita ng masama,10at kung pinapakain ninyoang mga nagugutom,at pinupunan ang pangangailanganng mga dukha,ang inyong liwanag ay magniningningsa kadiliman,at ang inyong kadiliman ay magigingkasing liwanag ng tanghaling-tapat.11Palagi kayong papatnubayan ng Panginoonkayo ay bubusugin,kahit na mahirap ang kalagayan ninyo.Palalakasin niya kayo,at kayoʼy magigingparang halamanang sagana sa tubigat parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.12Muling itatayo ng inyong mga lahiang mga lungsod ninyong matagal nang wasakat aayusin nila ang dating mga pundasyon.Makikilala kayo na mga masonng kanilang mga nagibang paderat mga bahay.13“Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.Huwag ninyong iisipinang pansarili ninyong kapakanansa natatanging araw na iyon.Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga,at parangalan ninyo ang araw ng Panginoonsa pamamagitan ng pagpipigilsa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan,at pagtigil sa pagsasalitanang walang kabuluhan.14Kapag ginawa ninyo ito,magiging maligaya kayosa inyong paglilingkod sa akin.Pararangalan ko kayosa buong mundo.Pasasaganain ko ang aning lupaing inyong minanasa inyong ninunong si Jacob.”Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.Biblica, Inc.