Isaias57
1Ang taong matutuwiday nagdurusaʼt namamatay;ngunit walang may pakialam;ang mga makadiyosay namamatay nang maaga;subalit walang sinumang nakakaunawana silaʼy inilalayo ng Diyossa darating na masama.2Sapagkat kapag namatayang taong matuwid,magkakaroon na siyang kapayapaan at kapahingahan.3Ngunit kayong mga lahing mga mangkukulam,ng mga nangangalunya,at ng mga babaeng bayaran,lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan.4Sino ba ang inyong kinukutya,na nagagawa pa ninyongngumiwi-ngiwi at dumila-dila?Hindi baʼt kayo ay mga rebeldeat sa mga sinungaling nagmula?5Sinasamba ninyoang inyong mga diyos-diyosansa pamamagitan ng pakikipagtaliksa ilalim ng bawat malalagongpunongkahoy na itinuturingninyong banal.Inaalay ninyo ang inyong mga anakdoon sa mga lambak;sa may mga matatalas na bato sa bangin.6Ang mga batong makikinissa mga daluyan ng tubigay ginagawa ninyong diyosat sinasamba sa pamamagitanng paghahandog ng pagkainat inumin.Hindi ako natutuwasa ginagawa ninyong iyan.7Umaakyat kayo sa mga matataas na bundokat nag-aalay ng inyong mga handog doonat nakikipagtalik.8Inilalagay pa ninyoang mga rebultong inyong mga diyos-diyosanmalapit sa pintuan ng inyong mga bahay.Itinatakwil ninyo ako.Para kayong babaeng mangangalunyana nahiga sa malapad niyang higaanat pumayag na sumipingsa kanyang kalaguyo.Gustong-gusto niyang makipagtaliksa kalaguyo niya.Talagang nagpapakasawa siyasa pita ng kanyang laman.9Pumunta kayo sa diyos-diyosanninyong si Molec.Marami ang kayong dalanglangis at pabango.Nagsugo pa kayo ng mga taosa malayong lugar para maghanapng mga diyos-diyosang sasambahin ninyo.Kahit na ang lugar ng mga patayay parang pupuntahan nʼyo pa.10At kahit pagod na kayosa kakahanap ng mga diyos-diyosan,hindi pa rin kayo nawawalan ng pag-asa.Pilit ninyong pinalalakas ang inyong sarilikaya hindi kayo nanghihina.11“Sino ba itong mga diyos-diyosanna kinatatakutan ninyoat nagsinungaling kayo sa akin?Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin.Ano ba ang dahilan,bakit hindi nʼyo na ako iginagalang?Dahil ba sa nanahimik akosa loob ng mahabang panahon?12Ang akala ninyoʼy matuwidang inyong ginagawa,ngunit ilalantad kokung anong klaseng tao kayo.13Tingnan natinkung maililigtas ba kayong inyong mga diyos-diyosankapag dumaing kayoat humingi ng tulong sa kanila.”
Pag-aliw sa Mapagpakumbaba
14Sasabihin ko:“Ayusin ninyo ang kalsada!Tanggalin ang mga batoat ihanda ito para sa pagbabalikng aking mga mamamayan.”15Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos,ang Banal na Diyosna nabubuhay magpakailanman:“Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,at kasama ng mga taongmapagpakumbaba at nagsisisi,at silaʼy aking palalakasinat bubuhayin ang kanilang kalooban.16Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanino uusigin habang panahon,dahil kung gagawin ko itomamamatay ang mga taong nilikha ko.17Nagalit ako dahil sa kasalananat kasakiman ng Israel,kaya pinarusahan ko sila at itinakwil.Ngunit patuloy pa rin silasa pagiging suwail.18Nakita ko ang masasama nilang gawi,ngunit pagagalingin ko sila;papatnubayan ko silaat aaliwin ang mga nagluluksa.19At dahil dito, magpupuri sila sa akin.Bibigyan ko sila ng wagasna kapayapaan, sa malayoo malapit man.Pagagalingin ko sila,”sabi ng Panginoon.20Ngunit ang masasamaay walang kapayapaan.Para silang alon sa dagatna nagdadala ng mga putikat mga dumi sa dalampasigan.21“Ang taong masamaay hindi mabubuhay ng payapa,”sabi ng aking Diyos.Biblica, Inc.