Isaias56
Ang Pagpapala sa Lahat ng Bansa
1Ito ang sinasabi ng Panginoon:“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwirandahil malapit ko na kayong iligtas.2Mapalad ang mga taong gumagawa nito,ang taong nagpapanatili nito,Mapalad silang mga sumusunodsa mga ipinapagawa kosa Araw ng Pamamahingaat hindi nilalapastangan ito.Mapalad din ang taonghindi gumagawa ng masama.”3Huwag isipin ng mga dayuhang nag-alayng kanilang sarili sa Panginoonna hindi sila ibibilang ng Panginoonsa kanyang mga mamamayan.Huwag ding isipinng mga opisyal na nagpakaponna dahil hindi na sila magkakaanak, ay hindi sila maaaring ibilangsa mga mamamayan ng Diyos.4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon,“Pagpapalain ko ang mga opisyal nagpakaponna sumusunod sa mga ipinapagawa kosa Araw ng Pamamahingaat gumagawa ng mga bagayna nakakalugod sa akin,at tumutupad sa aking kasunduan.5Papayagan ko silang makapasok sa aking Temploat pararangalan ko sila nang higit pasa karangalang ibibigay sa kanilakung silaʼy nagkaanak.At hindi sila makakalimutanng mga tao magpakailanman.6Pagpapalain ko rinang mga dayuhang nag-alayng sarili nila sa Panginoonpara paglingkuran ako, mahalin,sambahin, at sundin ang aking ipinapagawasa Araw ng Pamamahinga,hindi ito nilalapastangan,at tumutupad sa aking kasunduan.7Dadalhin ko silasa aking banal na bundokat aaliwin doon sa aking templong dalanginan.Tatanggapin ko sa aking altarang kanilang mga handog na sinusunogat iba pang mga handog,sapagkat ang aking bahay ay tatawagingbahay-panalanginan ng mga taomula sa lahat ng bansa.”8Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoonna nagtipon sa mga Israelitang nabihag,“Titipunin ko pa ang iba,maliban doon sa mga natipon ko na.”Ang Paratang ng Diyos Laban sa Masasama
9Lumapit kayo at lipulin sila,kayong lahat ng mga bansana tulad ng mababangis na hayop.10Sapagkat ang mga pinuno ng Israel,silang mga tagapagbantay at mga pastol,ay parang mga bulag at mga walang nalalaman.Para silang mga asong hindi tumatahol.Ang gusto nilaʼy mahiga,matulog, at managinip.11Para silang mga asong matatakawna walang kabusugan.Ang mga tagapag-alaga ng Israelay walang pang-unawa.Ang bawat isa sa kanilaʼy gumagawang kahit anong gusto nila,at ang pansariling kapakanan langang kanilang pinagkakaabalahan.12Sinabi pa nila, “Halikayo,kumuha tayo ng inuminat maglasing!Ang bukas ay tulad lang din ng sa ngayon,o di kayaʼy mas mabuti pa.”Biblica, Inc.