Isaias55

Ang Habag ng Diyos

1“Lumapit kayo,kayong lahat na nauuhaw,lumapit kayo sa tubig!Kahit wala kayong pera,lumapit kayo at kumain!Halikayo, kumuha kayo ng inuminat gatas ng walang bayad!2Bakit ninyo ginugugolang inyong mga salapisa mga bagay na hindi makakain?Bakit nʼyo inuubos ang inyong suweldosa mga bagayna hindi makakapagpabusog sa inyo?Makinig kayo sa akinat makakakain kayong mga masasarap na pagkain,at talagang mabubusog kayo.3Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinigupang inyong matagpuan ang buhay.Gagawa ako ng walang hanggangkasunduan sa inyo.Ipapadama ko sa inyoang pag-ibig koʼt awana aking ipinangako kay David.4Gagamitin ko siya upang ipakitaang aking kapangyarihansa mga bansa.Gagawin ko siyang pinuno nila.5Tatawagin ninyoang mga bansang hindi ninyo kasama,at magmamadali silang lalapit sa inyo,dahil ako, ang Panginoon na inyong Diyos,ang Banal na Diyos ng Israel,ang nagbigay sa inyo ng karangalan.”
6Lumapit na kayo sa Panginoonat tumawag sa kanyahabang naririyan pa siyapara tulungan kayo.7Talikuran na ng mga taong masamaang masasama nilang ugaliat baguhin na ang masasama nilang pag-iisip.Magbalik-loob na silasa Panginoon na ating Diyos,dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.
8Sinabi ng Panginoon,“Ang aking kaisipan ay hindi katuladng inyong kaisipan,at aking kapamaraanan ay hindi katuladng inyong kapamaraanan,pahayag ng Panginoon.”9“Kung gaano kalayo ang langit sa lupa,ganoon din kalayo ang aking pamamaraanat pag-iisip kaysa sa inyo.10Kung paanong ang ulan at nyebeay nagmumula sa itaas,at hindi bumabalik doonhanggaʼt hindi muna nakapagbibigayng tubig sa lupaat nakapagpapalago ng mga halamanupang makapagbigay ng binhiat pagkain sa nagtatanimat sa mga tao.11Ganyan din ang aking mga salita,hindi ito mawawalan ng kabuluhan.Isasakatuparan nito ang aking ninanais,at isasagawa ang aking layuninkung bakit ko ito ipinadala.12Kayo ay hahayo nang masayamula sa Babiloniaat mapayapang papatnubayan ng Diyos.Ang mga bundok at mga burolay parang mga taong aawit sa tuwa.At ang lahat ng mga punoay parang mga taong magpapalakpakan.13Tutubo na ang mga punong sipres at mirtosa dating tinutubuanng matitinik na halaman.Ang mga pangyayaring itoʼy magbibigayng karangalan sa Panginoon.Magiging tanda itong kanyang kapangyarihan magpakailanman.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3