Isaias54

Ang Darating na Kaluwalhatian ng Jerusalem

1“Umawit ka, babaeng baog,ikaw na hindi makapagluwal ng sanggol.Umawit ka at sumigaw sa tuwa,ikaw na hindi nakaranasng hirap sa panganganak.Sapagkat kahit na iniwan kang iyong asawa,mas marami ang iyong magiging anakkaysa sa babaeng kapiling ang asawa,”sabi ng Panginoon.2Palawakin mo ang lugarng iyong tolda,at iunat nang malapadang iyong mga kurtina.Huwag mong liliitan.Pahabain mo ang iyong mga lubidat pagtibayin ang mga tulos.3Sapagkat lalawak ang iyong hangganan,sasakupin ng iyong mga lahiang ibang mga bansa,at kanilang titirhanang mga naiwang lungsod doon.
4“Huwag kang matakotdahil hindi ka mapapahiya.Malilimutan mo na ang kahihiyanng iyong kabataanat hindi mo na maaalalaang pangungutya dalang iyong pagkabalo.5Sapagkat ako na lumikha sa iyoay para mong asawa.Panginoon ng mga Hukboang pangalan ko.Ako ang Banal na Diyos ng Israel,ang iyong Tagapagligtas.Tinatawag akong‘Diyos ng buong mundo.’6Sapagkat katulad ng isangbabaeng iniwanat masakit ang kalooban,nag-asawa noong bata papero hiniwalayan,tinatawag kitang muli,”sabi ng Panginoon.7“Iniwan kitang pansamantala,ngunit dahil sa laki ng awa ko sa iyoay muli kitang kukupkupin.8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo,iniwan kita nang panandalian,ngunit dahil sa walang hanggangpag-ibig ko sa iyo, kaaawaan kita,”sabi ng Panginoonna inyong Tagapagligtas.
9“Para sa akin, katulad itonoong panahon  ni Noenang nangako akong hindi ko nagugunawin ang mundo.Kaya ngayon, nangangako akonghindi na ako magagalitni magpaparusa sa inyo.10Kahit mayanig ang mga bundok,at maglaho ang mga burol,ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig,at ang kapayapaang ipinangako koay hindi maglalaho,”sabi ng Panginoong nagmamalasakit sa iyo.
11“O Jerusalem, para kang binagyo.Nagdusa kaʼt walang umaliwat nagpalakas sa iyo.Ngunit muli kitang itatayosa pundasyong gawasa batong safiro,at gagamitin koang mga mamahaling batopara sa mga dingding ng bahay mo.12Mga batong rubi ang gagamitin kosa iyong mga tore,mga makikislap na batosa iyong mga pinto,at mamahaling hiyassa iyong mga pader.13Ang iyong mga anakay tuturuan ng Panginoonat silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.14Magiging matatag kadahil mamumuhay nang matuwidang mga mamamayan mo.Tatakas ang mga kaaway mo,kaya wala kang dapat katakutan.Hindi na makakalapit sa iyoang iyong mga kaawaypara takutin ka.15Kung may lulusob sa iyo,hindi ko iyon kalooban.Susuko sila sa iyo.16Makinig ka!Ako ang lumikha ng mga pandayna nagpapaningas ng apoyat gumagawa ng mga sandata.Ako rin ang lumikhang mga namumuksang gumagamitng mga sandatang ito para manglipol.17Walang anumang sandatang nagawaang magtatagumpay laban sa iyo,at masasagot moang anumang ibibintang laban sa iyo.Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod.Bibigyan ko sila ng tagumpay,”sabi ng Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3