Isaias53

1Sinong naniwala sa aming ibinalita?At kanino inihayag ng Panginoonang kanyang kapangyarihan?2Ang kanyang lingkod ay lumagosa harapan niyana katulad ng isang tanimna sumisibol mula sa tuyong lupa.Wala siyang kagandahan o kadakilaanpara maakit tayo sa kanya.Walang anuman sa kanyang hitsurapara magustuhan natin siya.3Hinamak siya at itinakwil ng mga tao.Dumanas siya ng mga sakit at hirap.Tinalikuran natin siya, hinamak,at isinawalang-bahala.4Ang totoo, pinasan niyaang mga sakit natin,at tiniis ang mga pighatingdapat sanaʼy ating dadanasin.Inakala nating siyaʼypinarusahan ng Diyos,sinaktan at pinahirapan.5Subalit, sinugatan siyadahil sa ating mga pagsuway;dinurog siya dahil sa ating kasamaan.Ang parusang tiniis niyaay nagdulot sa atin ng kapayapaan.At dahil sa kanyang mga sugat,tayoʼy may kagalingan.6Tayong lahat ay parangmga tupang naligaw.Bawat isa sa atinay gumawa ng nais nating gawin.Ngunit siya ang pinarusahan ng Panginoonng parusang dapat sanaay para sa ating lahat.7Inapi siya at sinaktan,ngunit hindi man lang dumaing.Para siyang tupang dadalhinsa katayan upang patayin,o tupang gugupitanna hindi man lang umiimik.8Hinuli siya, hinatulan,at pinatay.Walang nakaisip,isa man sa mga salinlahi niya,na pinatay siyadahil sa kanilang mga kasalanan,at kinitil nang maaga ang kanyang buhay,at tiniis niya ang parusangdapat sana ay para sa kanila.9Kahit na wala siyang ginawang kasalananat anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal;inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.10Ngunit niloob ng Panginoonna siyaʼy durugin at pahirapan.Kahit na ang kanyang buhayay ginawang handog ng Panginoonpara sa kapatawaran ng kasalanan,makikita niya ang pagpapatuloyng kanyang lahiat matatamasa niyaang mahabang buhay.At sa pamamagitan niyaay matutupad ang kaloobanng Panginoon.11Kapag matapos naang kanyang paghihirap,makikita niya ang liwanagat masisiyahan siya.Dahil sa karunungan ng akingmatuwid na lingkod,marami ang ituturing na matuwid,at siya ang papasansa kaparusahan ng kanilangmga kasalanan.12Dahil dito, pararangalan ko siyakatulad ng mga taong tanyagat makapangyarihandahil ibinigay niya ang buhay niya.Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan.Nagdusa siya parasa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Diyosna silaʼy patawarin.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3