Isaias52
1Gumising ka, O Zion,bumangon ka at magpakalakas!Isuot mo ang mararangya mong damit,O banal na lungsod ng Jerusalem,dahil ang mga hindi tuliat itinuturing mong marumiay hindi na muling makakapasok saʼyo.2Huwag ka nang malungkotkatulad ng taong nagluluksana nakaupo sa lupa.Bumangon ka na at muling mamahala.At kayong mga mamamayan ng Jerusalem,palayain ninyo na ang inyong sarilimula sa pagkabihag.3Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon:“Ipinagbili kayong walang bayad,kaya tutubusin ko kayonang wala ring bayad.”4Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon:“Noong unaʼy pumunta kayosa Ehipto para manirahan;pagkatapos ay inapi kayo ng Asirianang walang dahilan.5“Ngayon, ano na naman ang nangyari sa inyo?” tanong ng Panginoon.“Binihag kayo ng Babiloniana parang wala ring bayad.Pinamahalaan nila kayo at nilait.Maging ako ay lagi rinnilang nilalapastangan.6Ngunit darating ang arawna malalaman ninyo kung sino ako,dahil ako mismo ang nagsasalita sa inyo.Oo, ako nga.”7Napakagandang pagmasdansa kabundukanang mga sugong dala-dalaang magandang balita;balita na naghahayag ng kapayapaan,at nagsasaad ng kabutihantungkol sa pagliligtas ng Diyos.Sasabihin nila sa Zion,“Naghahari na ang iyong Diyos!”8Sumisigaw sa tuwaang mga tagapagbantay ng lungsod;sabay-sabay silang umaawit sa galak,dahil makikita mismong kanilang mga mataang pagbabalik ng Panginoon sa Zion.9Sama-sama kayong umawitnang may kagalakan,mga guho ng Jerusalem,sapagkat inaliw ng Panginoonang kanyang mga mamamayan.Iniligtas niya ang Jerusalem!10Ipapakita ng Panginoonang natatangi niyang kapangyarihansa lahat ng bansa,at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.11Kayong mga tagapagdalang mga kagamitan ng bahayng Panginoon,umalis na kayo sa Babilonia.Huwag kayong hihipong mga bagayna itinuturing na marumi.Umalis na kayo sa Babilonia,at magpakabanal.12Ngunit ngayon,hindi nʼyo na kailangang magmadalisa pag-alis,na para bang tumatakas.Sapagkat ang Panginoonang mangunguna sa inyo.Ang Diyos ng Israelang magtatanggol sa inyo.
Ang Nagdurusang Lingkod ng Panginoon
13Sinabi ng Panginoon,“Ang aking lingkoday magtatagumpay.Magiging tanyag siyaat pararangalan.14Marami ang nasindak sa kanya,dahil sirang-sira ang kanyang mukhana parang hindi na mukha ng tao;ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo.15Pati ang mga bansaay mamamangha sa kanya.Ang mga hari ay hindi makakaimikdahil sa kanya,sapagkat makikita nila ang mga bagayna hindi pa nasasabi sa kanila.At mauunawaan nila ang mga bagayna hindi pa nila naririnig.”Biblica, Inc.