Isaias51
Ang Panawagang Magtiwala sa Panginoon
1“Makinig kayo sa akin,kayong mga nagsusumikapna maging matuwid at sumunod sa akin.Isipin ninyo ang batokung saan kayo pinutol,ang minahang pinaghukayan sa inyo.2Alalahanin ninyo sina Abrahamna inyong ama,at si Sara na nagsilang sa inyoNoong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya,ngunit pinagpala ko siyaat pinarami ang kanyang lahi.3Aaliwin ko ang Jerusalemat kahahabagan koang pagkawasak nito.Ang mga disyerto nito ay gagawin kongparang halamanan ng Eden.Maghahari sa Jerusalemang kagalakan, pasasalamatat pag-aawitan.4“Mga mamamayan ko,makinig kayo sa akin.O aking bayan,akoʼy inyong dinggin:Ibibigay ko ang aking kautusanat magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.5Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay.Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo.Ako ang mamamahala sa mga bansa.Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akinat maghahangad ngaking kapangyarihan.6Tumingin kayo sa langit;pagmasdan ninyo ang lupa.Mawawala ang langit na parang usok,masisira ang lupa na parang damit,at mamamatay ang mga mamamayan nitona parang mga kulisap.Ngunit ang kaligtasan koʼymananatili magpakailanman.Ang katarungan koʼy walang hanggan.7“Makinig kayo sa akin,kayong mga nakakaalamkung ano ang tamaat sumusunod sa aking kautusan!Huwag kayong matatakotsa mga panghihiyaat pangungutya ng mga taosa inyo.8Sapagkat matutulad silasa damit na nginatngatng mga kulisap.Ngunit ang aking katuwiranay mananatili magpakailanman.Ang kaligtasan koʼy magpapatuloysa mga salinlahi.”9Sige na, Panginoon,tulungan nʼyo na po kami.Gamitin nʼyo na ang inyongkapangyarihan sa pagliligtas sa amin.Tulungan nʼyo kamikatulad ng ginawa nʼyo noon.Hindi baʼt kayo ang tumadtadsa dragon na si Rahab? 10Hindi baʼt kayo po ang nagpatuyo ng dagat,ang tubig na mula pa sa kailalimangumawa ng daan sa gitna nitoupang makatawid ang inyongmga mamamayang iniligtas ninyomula sa Ehipto?11Ang mga tinubos ng Panginoonay babalik sa Zion na nag-aawitanat may kagalakan magpawalang hanggan.Mapapawi na ang kanilangmga kalungkutan,at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan.12“Ako ang nagpapalakasat nagpapaligaya sa inyo.Kaya bakit kayo matatakotsa mga taong katulad ninyona mamamatay din langna parang damo?13Ngunit kinalimutan ninyo ang Panginoon,ang inyong Manlilikha.Siya ang naglatag langitat naglagay ng pundasyon ng mundo.Bakit nabubuhay kayong natatakotsa galit ng mga umaapiat gustong lumipol sa inyo?Ang kanilang galitay hindi makakapinsala sa inyo.14Hindi magtatagalat ang mga bihag ay palalayain.Hindi sila mamamatay sa kanilang piitanat hindi rin sila mawawalan ng pagkain.15Sapagkat ako ang Panginoonna inyong Diyos.Kapag kinalawkaw ko ang dagatay umuugong ang mga alon.Panginoon ng mga Hukboang aking pangalan.16Itinuro ko sa inyo ang ipinasasabi ko,at ipinagtatanggol ko kayosa pamamagitan ng aking kapangyarihan.Ako ang naglagay ng langitat ng pundasyon ng mundo,at ako ang nagsabi sa Zion,‘Ikaw ang aking mamamayan.’ ”Ang Kopa ng Poot ng Panginoon
17Jerusalem, bumangon ka!Ang galit ng Panginoonay parang alak na ininom mong lahathanggang sa ikaw ay magpasuray-suraysa kalasingan.18Wala ni isa man sa iyong mga tauhanang aalalay sa iyo;wala ni isa man sa kanilaang tutulong sa iyo.19Dalawang sakuna ang nangyari sa iyo:Nawasak ka dahil sa digmaan,at nagtiis ng gutomang iyong mga mamamayan.Walang naiwan sa mga mamamayan mo,na lilingap at aaliw sa iyo.20Nanlulupaypay silaat nakahandusay sa mga lansangan.Para silang mga usana nahuli sa bitag.Dumanas sila ng matinding galitng Panginoon;sinaway sila ng iyong Diyos.21Kaya pakinggan ninyo ito,kayong mga nasa matinding hirapat nalasing ng hindi dahil sa alak.22Ito ang sinasabing Makapangyarihang Panginoonna kumakalinga sa inyo:“Makinig kayo! Inalis ko naang aking galitna parang alak nanakapagpalasing sa inyo.Hindi ko na kayo paiinumingmuli nito.23Ibibigay ko itosa mga nagpahirap sa inyo,sa mga nag-utos sa inyona dumapapara tapakan nila kayo.Tinapakan nila ang inyong mga likod napara bang dumadaan silasa lansangan.”Biblica, Inc.