Isaias50
Ang Kasalanan ng Israel at ang Pagsunod ng Tagapaglingkod
1Ito ang sinabi ng Panginoon,“Ang Jerusalem baʼy itinakwil kogaya ng lalaking humiwalaysa kanyang asawa?Patunayan ninyo! Ipinabihag ko na ba kayotulad ng isang taong ipinagbilibilang alipin ang kanyang mga anaksa pinagkakautangan niya,upang ipambayad sa utang?Hindi!Kayo ay ipinagbilidahil sa inyong mga kasalanan.Itinakwil ang Jerusalemdahil sa inyong mga pagsuway.2Bakit hindi ninyo ako pinansinnoong dumating ako?Bakit hindi kayo sumagotnoong tinawag ko kayo?Hindi ko ba kayo kayang iligtas?Kaya ko ngang patuyuin ang dagatsa isang salita lang.At kaya kong gawing disyerto ang ilogpara mamatay ang mga isda roon.3At kaya ko ring padiliminna kasing-itim ng damit na panluksa ang langit.”4Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoonkung ano ang sasabihin kopara mapalakas ang mga nanlulupaypay.Ginigising niya ako tuwing umagaupang pakinggan angmga itinuturo niya sa akin.5Nagsalita sa akinang Makapangyarihang Panginoonat akoʼy nakinig.Hindi ako sumuwayo tumakas man sa kanya.6Iniumang ko ang aking likodsa mga bumugbog sa akin,at ang aking mukhasa mga bumunot ng aking balbas.Pinabayaan ko silang hiyain akoat duraan ang aking mukha.7Ngunit hindi ako nakadama ng hiya,dahil tinulungan akong Makapangyarihang Panginoon.Kaya nagmatigas akona parang batong buháydahil alam kong hindiako mapapahiya.8Malapit sa akin ang Diyosna nagsasabingwala akong kasalanan.Sino ang maghahabla sa akin?Lumabas siya at harapin ako!9Makinig kayo!Ang Makapangyarihang Panginoonang tutulong sa akin.Sino ang makapagsasabing nagkasala ako?Matutulad sila sa damit na mabubulokat ngangatngatin ng mga kulisap.10Sino sa inyo ang may takotsa Panginoonat sumusunod sa mga itinuturong kanyang lingkod?Kinakailangang magtiwala siyasa Panginoon niyang Diyoskahit sa daang madilimat walang liwanag.11Ngunit mag-ingat kayo,kayong mga nagbabalakna ipahamak ang iba,kayo rin ang mapapahamaksa sarili ninyong mga pakana!Mismong ang Panginoonang magpaparusa sa inyo,at kayoʼy mamamataysa matinding parusa.Biblica, Inc.