Isaias49
Ang mga Gawain ng Lingkod ng Diyos
1Makinig kayo sa akin,kayong mga nasa isla,dinggin ninyo ito,kayong mga nasa malalayong lupain:Hindi pa man ako isinisilang,hinirang na ako ng Panginoonmula sa sinapupunan ng aking ina,akoʼy tinawag niya.2Ginawa niyang kasintalimng espada ang mga salita ko.Iningatan niya ako sa pamamagitanng kanyang kapangyarihan.Ginawa niya akong parang makinangna pana na handa nang itudla.3Sinabi niya sa akin,“Israel, ikaw ay lingkod ko.Sa pamamagitan mo,pararangalan ako ng mga tao.”4Ngunit sinabi ko, “Ang paghihirap koʼynauwi sa wala;nasayang ang lakas koat walang kinahinatnan.Ngunit ipinaubaya ko itosa Panginoon na aking Diyos.Siya ang magbibigay ng gantimpalasa aking mga gawa.”5Ang Panginoon ang nagsasabi,siya na lumikha sa akinsa sinapupunan ng aking ina,ang pumili sa akinna maging lingkod niya,para pabalikin sa kanyaat tipunin ang mga Israelita.Pinarangalan akong Panginoon na aking Diyosat binigyan niya ako ng lakas.6Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko,marami pang mga gawainang ipapagawa ko sa iyo,maliban sa pagpapabaliksa mga tribo ng Israelna aking kinakalinga.Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansaupang maligtas ang buong mundo.” 7Ito ang sinasabi ng Panginoon,ang Tagapagligtas at Banal na Diyos ng Israel,sa taong hinahamakat kinasusuklaman ng mga bansaat sa lingkod ng mga pinuno:“Makikita ng mga hari kung sino kang talagaat tatayo sila para magbigay-galang sa iyo.Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyodahil tapat ang Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israelna pumili sa iyo.”Muling Itatayo ang Jerusalem
8Ito ang sinabi ng Panginoon,“Sa tamang panahon ay tutugunin kita,sa araw ng pagliligtas ay tutulungan kita.Iingatan kita,at sa pamamagitan mo gagawa akong kasunduan sa mga tao.Muli mong itatayo ang lupainng Israel na nawasak,at muli mo itong ibibigaysa aking mga mamamayan.9Sasabihin mo sa mga Israelitang binihag,‘Lumabas kayo!’at sa mga piniit sa kadiliman,‘Malaya na kayo!’“Matutulad sila sa mga tupang nanginginainsa tabi ng mga daan at mga burol.10Hindi sila magugutom o mauuhaw.Hindi sila maiinitanng matinding init ng arawo ng mainit na hangin sa ilang.Sapagkat akong nagmamalasakitsa kanilaay magpapatnubay sa kanilasa mga bukal.11Gagawin kong daananang aking mga bundokna kanilang dadaanan.Ang mga lugar na matataasay magiging pangunahing daan.12Darating ang aking mga mamamayanmula sa malayo.Manggagaling ang iba sa hilaga,ang iba namaʼy sa kanluran,at ang ibaʼy galing pa sa Sinim.” 13Umawit ka sa tuwa, O langit.At magalak ka, O mundo!Umawit kayo,kayong mga bundok.Sapagkat kaaawaanat aaliwin ng Panginoonang kanyang mga mamamayang nahihirapan.14Ngunit sinabi ng Zion,“Pinabayaan ako ng Panginoon;kinalimutan na niya ako.”15“Makakalimutan ba ng isang inaang sanggol na kanyang pinasuso?Hindi ba niya pagmamalasakitanang anak na galing sa kanyang sinapupunan?Bagamaʼt makakalimutan niya,hindi kita makakalimutan!16Tingnan ninyo!Iniukit ko ang pangalan mosa aking mga palad.Palagi kong iniisipang iyong mga nasirang pader.17Malapit nang dumatingang muling magtatayo sa iyo, at ang mga nagwasak sa iyoay paaalisin na.18Tingnan mo ang iyong paligid;nagtitipon naang iyong mga mamamayanpara umuwi sa iyo.At bilang buháy na Panginoon,sumusumpa akong ipagmamalaki mo silakatulad ng pagmamalaki ng nobyang ikakasalsa mga alahas na kanyang suot-suot.19“Nawasak ka at pinabayaang giba,ngunit ngayon ay titirhan ka nang iyong mga mamamayan.Hindi na sila halos magkakasya sa iyo.At ang mga nagwasak sa iyo ay lalayo na.20Sasabihin ng mga anak mong isinilangsa panahon ng iyong pagdadalamhati, ‘Ang lugar na itoʼy napakaliit para sa amin.Kailangan namin ng mas malaking lugar.’21At sasabihin mo sa iyong sarili,‘Sino ang nagluwal ng mga itopara sa akin?Namatay ang karamihanng aking mga anak,at dahil doon akoʼy nagluksa.Ang iba sa kanila ay binihagat dinala sa ibang bansa,at nag-iisa na lamang ako.Kaya saan galing ang mga ito?Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”22Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon:“Sesenyasan ko ang mga bansa,itataas ko ang aking bandilaat ibabalik nila sa iyoang iyong mga anakna parang mga sanggolna kanilang kinalinga. 23Maglilingkod sa iyoang mga hari at mga reyna.Sila ang mag-aalaga sa iyo.Luluhod sila sa iyo bilang paggalang,at magpapasakop sa iyo. Sa ganoon malalaman mongako ang Panginoon,at ang mga nagtitiwala sa akinay hindi mabibigo.”24Mababawi mo pa baang mga sinamsamng mga sundalong malulupit? Maililigtas pa baang mga binihag nila?25Ngunit ito ang sagot ng Panginoon,“Oo, maililigtas mo pa ang mga binihagng mga sundalong malulupitat mababawi mo pa ang mga sinamsam nila.Sapagkat lalabanan koang mga lumalaban sa iyoat ililigtas ko ang iyong mga anak.26Ipapakain ko sa mga umaapi sa iyoang sarili nilang katawan,at silaʼy magiging parang mga lasingsa sarili nilang dugo.Dahil dito, malalaman ng lahat na ako,ang Panginoon,ang iyong Tagapagligtas at Tagapagpalaya,ay ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.”Biblica, Inc.