Isaias48
Ang Pagmamatigas ng mga Israelita
1“Makinig kayo, mga lahi ni Jacob,kayong tinatawag na Israel,at nagmula sa lahi ni Juda.Sumusumpa kayo sa pangalanng Panginoonat tumatawag sa Diyos ng Israel.Ngunit pakunwari lang pala,dahil hindi naman matuwidang inyong pamumuhay.2Sinasabi pa ninyong kayoʼymga mamamayan ng banalna lungsod,at nagtitiwala kayo sa Diyos ng Israel,na ang pangalanay Panginoon ng mga Hukbo.3Sinabi ko na noon pakung ano ang mga mangyayarisa hinaharap.At itoʼy aking isinakatuparan.4Sapagkat alam ko kung gaanokatigas ang inyong ulo.Ang inyong leegay kasintigas ng bakalat ang inyong nooay kasintigas ng tanso.5Kaya sinabi ko na agad sa inyoang aking gagawin.Noong hindi pa ito nangyayari,sinabi ko na ito sa inyoupang hindi ninyo masabingang inyong mga diyos-diyosan,mga imaheng gawa sa kahoy at bakalang siyang nag-utos nito.6Narinig ninyoang aking mga propesiyaat nakita ninyo ang katuparanng mga ito,ngunit ayaw ninyong tanggapinna ako ang gumawa nito.“Mula ngayon, sasabihin ko sa inyoang mga bagong bagayna hindi ko pa ipinahayag sa inyo.Hindi pa ninyo ito alam.7Ngayon ko pa lamang ito gagawinupang hindi ninyo masabingitoʼy alam na ninyo.8Hindi ninyo napakinggan o naunawaanang mga bagay na itodahil mula pa noonnagbibingi-bingihan na kayo.Alam ko ang inyong kataksilandahil mula pa noong kayoʼy isinilangmga rebelde na kayo.9Alang-alang sa karangalan ko,pinigilan ko ang aking galit sa inyoalang-alang sa kapurihan ko,hindi ko muna ito itinuloyupang hindi kayo malipol.10Lilinisin ko kayongunit hindi katuladng paglilinis sa pilak,dahil lilinisin ko kayosa pamamagitan ng paghihirap.11Gagawin ko itopara sa aking karangalan.Hindi ako papayag na ako ay mapahiyaat ang mga diyos-diyosan ay maparangalan.Pinalaya ang Israel
12“Makinig kayo sa akin,kayong mga taga-Israelna aking pinili.Ako ang Diyos;ako ang pasimulaat ang wakas ng lahat.13Ang aking mga kamayang naglagay ng pundasyon ng mundoat ako rin ang naglatag ng langit.Kapag nag-utos ako sa mga ito,silaʼy sumusunod.14“Magtipon kayong lahat at makinig:Sino sa mga diyos-diyosanang humulang lulusubinng kaibigan ng Panginoonang Babilonia para sundinang ipinapagawa niyalaban sa bansang iyon? Wala!15Ako mismo ang nagsabi sa kanyaat ako rin ang tumawag sa kanya.Dadalhin ko siya ritoat siyaʼy magtatagumpaysa kanyang gagawin.16“Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito:Mula pa ng pasimulahindi ako nagsalita nang lihim.Sa panahon na mangyariang sinabi ko, naroon ako.”At ngayon sinugo akong Makapangyarihang Panginoonat ng kanyang Espiritudala ang mensaheng ito.17Sinasabi ng Panginoonna inyong Tagapagligtas,ang Banal na Diyos ng Israel:“Ako ang Panginoon na inyong Diyosna nagturo sa inyo kung anoang mabuti para sa inyoat ako ang pumatnubay sa inyosa tamang daan.18Kung kayo lamang ay sumunodsa aking mga utos,dumaloy sana na parang ilogang kapayapaan sa inyo,at magsunod-sunod ang inyong tagumpay na parang alon na dumaratingsa dalampasigan.19Ang inyo sanang mga lahi ay nagingkasindami ng buhanginna hindi mabilang,at tinitiyak kong hindisila mapapahamak.”20Lisanin ninyo ang Babilonia!Malaya na kayosa inyong pagkakabihag.Buong galak ninyong ihayagsa buong mundo na iniligtas ng Panginoonang kanyang lingkod,ang mga mamamayan ng Israel. 21Hindi sila nauhawnang patnubayan sila ng Diyos sa ilang,dahil pinaagos niya ang tubigmula sa bato para sa kanila.Biniyak niya ang batoat umagos ang tubig.22“Ngunit ang masasamaay hindi magkakaroon ng kapayapaan,”wika ng Panginoon.Biblica, Inc.