Isaias47
Ang Pagbagsak ng Babilonia
1Sinabi ng Panginoon,“Babilonia, mauupo ka sa lupa.Mauupo ka nang walang trono.Ikaw na parang birheng pihikanat mahinhin noonngunit hindi na ngayon.2Isa ka nang alipin ngayon,kaya kumuha kang batong gilinganat maggiling ka na ng trigo.Alisin mo na ang belo mo,at itaas ang damit mopara makita ang iyong hitahabang tumatawid ka sa ilog.3Lalabas ang iyong kahubaranat mapapahiya ka.Maghihiganti ako sa iyoat hindi kita kaaawaan.”4Ang ating Tagapagligtas,na ang pangalanay Panginoon ng mga Hukboay ang Banal na Diyos ng Israel.5“Babilonia, maupo ka nang tahimikdoon sa kadiliman.Hindi ka na tatawaging reynang mga kaharian.6Nagalit akosa aking mga mamamayanat itinakwil ko sila.Kaya ibinigay ko silasa iyong mga kamay,at hindi mo sila kinaawaan.Pati ang matatandaay iyong pinagmalupitanng mabigat na pamatok.7Sinasabi mong ang iyongpagiging reynaay walang katapusan.Ngunit hindi mo inisipang iyong mga ginawaat kung ano ang maidudulot nitosa iyo sa huli.8“Kaya makinig ka,ikaw na mahilig sa kalayawanat panatag ang kalooban.Sinasabi mo sa iyong sarili,‘Nag-iisa lang ako. Walang akong katulad.Kailanmaʼy hindi ako mababaloo mawawalan ng mga anak.’ 9Ngunit bigla itong mangyayari sa iyosa isang iglap, sa isang araw:Mababalo kaat mawawalan ng mga anak.Talagang mangyayari ito sa iyokahit na marami ka pang alamna mahika o panggagaway.10Naniniwala kanghindi ka mapapahamaksa paggawa mo ng kasamaan,dahil inaakala mong walang nakakakita sa iyo.Inililigaw ka ng iyongkarunungan at kaalaman,at iyon din ang dahilankung bakit sinasabi mongikaw ang Diyosat wala nang iba pa.11Kung kaya, darating sa iyo ang kapahamakanat hindi mo malalamankung papaano mo iyon mailalayosa pamamagitan ng iyong mahika.Darating din sa iyo ang salotna hindi mo mababayaranpara tumigil.Biglang darating sa iyoang pagkawasak na hindi moakalaing mangyayari.12“Sige, ipagpatuloy moang iyong mga mahikaat mga pangkukulamna iyong ginagawamula noong bata ka pa.Baka sakaling magtagumpay ka,o baka sakaling matakot sa iyoang mga kaaway mo.13Pagod ka na sa marami mong mga pakana.Magpatulong kasa iyong mga tao na nag-aaraltungkol sa mga bituinat nanghuhula bawat buwantungkol sa mga mangyayari sa iyo.14Ang totoo, para silangmga dayaming madalingnasusunog.Ni hindi nga nila maililigtasang kanilang sarili sa apoy.At ang apoy na itoʼy hindi tuladng pangkaraniwang initkundi talagang napakainit.15Ano ngayon ang magagawang mga taong hinihingan mo ng payomula nang bata ka pa?Ang bawat isa sa kanilaʼynaligaw ng landasat hindi makakapagligtas sa iyo.”Biblica, Inc.