Isaias46
Ang mga Diyos-diyosan ng Babilonia
1Nakayuko si Bel,nakahiga naman si Nebo; ang mga diyos-diyosang itoay ipinabuhat sa mga asno.Mabibigat ang mga imaheng ito;pasanin ng mga hayop na pagod.2Nakahiga nga sila,at hindi nila kayang iligtasang kumakarga sa kanila,kaya pati sila ay nabihag.3Makinig kayo sa akin, mga lahi ni Jacob,kayong mga natitirangmga mamamayan ng Israel.Inalagaan ko kayomula nang kayoʼy ipinanganak4Aalagaan ko kayo hanggangsa kayoʼy tumandaat pumuti ang inyong buhok.Ako, ako ang siyangtutulong sa inyo.Nilikha ko kayokaya kayoʼy aalagaan ko.Tutulungan ko kayoat ililigtas.5Kanino ninyo ako maihahalintulad?Mayroon bang katulad ko?6Ang ibang mga taoay naglalabas ng ginto sa sisidlanat nagtitimbang ng pilakat inuupahan nila ang plateropara gumawa ng diyos-diyosanat pagkatapos ay kanilangluluhuran at sasambahin.7Pinapasan nila ito sa kanilang balikatat inilalagay sa kanyang lalagyanat nananatili ito roondahil hindi naman ito makakakilos.Kung may mananalangin sa kanya,hindi siya makakasagotat hindi makakatulongsa panahon ng kaguluhan.8Kayong mga rebelde,tandaan ninyo ito,at itanim sa inyong mga isip.9Alalahanin ninyoang aking mga ginawanoong unang panahon.Ako lang ang Diyos,at wala nang iba pang katulad ko.10Sa simula pa lang, sinabi ko naang mga mangyayari sa hinaharap.Ang aking mga inihayagay magaganap,at gagawin ko ang lahatng gusto kong gawin.11Mula sa silangan,tatawag ako ng isang tao,at darating siyang tulad ng ibong mandaragitmula sa malayong lugar.Ang mga sinabi koʼy aking tutuparin.Ang mga balak koʼy aking gagawin.12Makinig kayo sa akinkayong matitigas ang ulo.Hindi ninyo mararanasanang tagumpay at katuwiran.13Hindi na magtatagal, ibibigay ko naang tagumpay at katuwiransa Jerusalem.Malapit ko na itong iligtas;pararangalan ko ang Israel.Biblica, Inc.