Isaias45
Pinili ng Diyos si Ciro
1“Ito ang sinabi ng Panginoonkay Ciro na kanyang hinirangat pinalakas ang kapangyarihan,Sakupin mo ang mga bansaat pasukuin mo ang mga hari.Buksan mo ang mga pintuanng kanilang mga lungsodat agawin,at hindi na ito isasara.2Ako ang maghahandang iyong dadaanan,at papatagin koang mga bundok.Gigibain ko ang mga pintuang tansoat ang mga tarangkahang bakal nito.3Ibibigay ko sa iyoang mga nakatagong kayamanan,upang malaman mongako ang Panginoon,ang Diyos ng Israel na tumawag sa iyo.4Tinawag kita para tulungan moang Israel na aking lingkod at pinili.Pinarangalan kitakahit na hindi mo pa ako nakikilala.5Ako ang Panginoon,at wala nang iba pa;maliban sa akinay wala nang ibang Diyos.Palalakasin kitakahit na hindi mo pa ako nakikilala6upang malaman ng lahat sa buong mundona walang ibang Diyos maliban sa akin.Ako ang Panginoonat wala nang iba pa.7Ako ang lumikha ng liwanag at ng dilim.Ako ang nagpapadalang kabutihan at ng kapahamakan.Ako ang Panginoonna gumawa ng lahat ng ito.8“Magbibigay akong tagumpay na parang ulan.Matatanggap itong mga tao sa mundo,at kakalat ang kaligtasanat tagumpay na parang tanimna tumutubo.Ako ang Panginoong gumawa nito.9“Nakakaawa ang taong nakikipagtalosa Diyos na lumikha sa kanya.Ang katulad niyaʼy palayok lamang.Ang putik bang ginagawang palayokay maaaring magsabisa magpapalayokkung ano ang dapat niyang gawin?O makakapagreklamo ba siyangwalang kakayahan ang magpapalayok?10Nakakaawa ang anak na nagsasabisa kanyang mga magulang,‘Bakit ba ninyo ako ginawang ganito?’ ”11“Ito pa ang sinabi ng Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel,na lumikha sa kanya,Nagrereklamo ba kayosa mga ginagawa ko?Inuutusan nʼyo ba akosa mga dapat kong gawin?12Ako ang lumikha ng mundoat ng lahat ng taong naninirahan dito.Ang mga kamay koang nagladlad ng langit,at ako ang nag-utos sa araw,buwan at mga bituin na lumabas.13Ako ang tumawag kay Ciropara isagawa ang aking layunin.Gagawin kong tamaang lahat ng pamamaraan niya.Itatayo niyang muli ang aking lungsodat palalayain niyaang mga mamamayan kong binihag.Gagawin niya ito hindi dahilsa binigyan siya ng suhol o regalo.Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo,ang nagsasabi nito.”14Sinabi ng Panginoon sa Israel,“Masasakop mo ang mga taga-Ehipto,ang mga taga-Etiopiaat ang mga taga-Sabeana may matatangkad na lalaki.Paparito sila sa iyo na dalaang kanilang mga kayamananat mga ani.Silaʼy magiging mga bihag mo.Luluhod sila sa iyo at magsasabi,‘Ang Diyos ay totoong kasama mo,at wala nang ibang Diyos!’ ”15O Diyos at Tagapagligtas ng Israel,hindi nʼyo ipinapakita ang inyong sarili.16Mapapahiya ang lahat ng gumagawang mga rebultong diyos-diyosan.17Ngunit ang Israelay ililigtas nʼyo, Panginoon,at ang kaligtasan nilaay walang hanggan.Hindi na sila mapapahiyakahit kailan.18Kayo Panginoon ang Diyos.Kayo ang lumikha ng langitat ng mundo.Hindi nʼyo ginawa ang mundonang walang nabubuhay.Ginawa nʼyo ito para maging tirahan.Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoonat wala nang iba pa.19Hindi ako nagsalita nang lihim,nang walang nakakaalam.Hindi ko sinabi sa mga lahi ni Jacobna dumulog sila sa akin,na wala naman silangmatatanggap sa akin.Ako ang Panginoon,nagsasalita ako ng katotohanan.Sinasabi ko kung ano ang dapat.”20“Magtipon kayong lahatat lumapit sa akin,kayong mga tumakasmula sa mga bansa.Walang alam ang mga nagdadalang mga diyos-diyosan nilang kahoy.Nananalangin silasa mga diyos-diyosang ito,na hindi naman makapagliligtassa kanila.21Isangguni ninyo sa isaʼt isa,at ihayag ang inyong usapin.Sino ang humula noontungkol sa mga bagay na mangyayari?Hindi baʼt ako, ang Panginoon?Wala nang ibang Diyos, ako lang,ang Diyos na matuwidat Tagapagligtas.22“Lumapit kayo sa akinpara maligtas kayo,kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat ako ang Diyosat maliban sa akinay wala nang iba pa.23Sumumpa ako sa aking sarili,at ang mga sinabi koʼyhindi na mababago.Ang lahat ay luluhod sa akin,at silaʼy mangangakongmagiging tapat sa akin.24Sasabihin nila,‘Tanging sa Panginoon lamangmagkakaroon ng lakasat tagumpay na may katuwiran.’ ”Ang lahat ng napopoot sa Panginoonay lalapit sa kanya at mapapahiya.25Sa tulong ng Panginoonang lahat ng lahi ng Israelay makakaranas ng tagumpayna may katuwiran at magpupuri sila sa kanya.Biblica, Inc.