Isaias44

Pinili ng Panginoon ang Israel

1“Ngunit ngayon, makinig ka,O Israel na aking lingkod,ang mga mamamayan na aking pinili,na mga lahi ni Jacob.2Ako, ang Panginoon,na lumikha at tumutulong sa iyo.Huwag kang matakot, Jacob,ikaw na aking lingkod at pinili.3Sapagkat binigyan kitang tubig na pamatid-uhawat babasa sa iyong lupang tigang.Ibibigay ko ang aking Espiritusa iyong lahiat pagpapalain ko sila.4Lalago sila na parang halamanna dinidiligan ng masaganang tubigo mga puno nasa tabi ng ilog.5May mga magsasabi,‘Ako ay sa Panginoon.’At mayroon ding magsasabi,‘Akoʼy lahi ni Jacob.’Mayroon ding mga maglalagayng tatak sa kanilang kamayng pangalan ng Panginoon,at ituturing ang kanilang sarilina kabilang sa mga mamamayanng Israel.

Walang Kabuluhan ang mga Diyos-diyosan

6“Ito ang sinasabi ng Panginoon,ang Hari at Tagapagligtas ng Israel,ang Panginoon ng mga Hukbo:Ako ang simulaat wakas ng lahat.Maliban sa akinay wala nang iba pang Diyos.7Sino ang kagaya ko?Sabihin niya sa aking harapankung ano ang mga nangyari mula nang itayo kona maging isang bansaang aking mga mamamayannoong unang panahon.At sabihin din niya kung anoang mangyayari sa hinaharap.8Huwag kayong matakoto kabahan man.Hindi baʼt ipinaalam ko nasa inyo noong una paang layunin ko sa inyo?Kayo ang aking mga saksi.Mayroon pa bang ibang Diyosmaliban sa akin?Wala! Wala na akong alam naiba pang Batong kanlunganmaliban sa akin.”
9Walang kabuluhan ang lahat ng gumagawang mga diyos-diyosan.At walang kuwenta rin ang mga bagayna kanilang pinahahalagahan.Ang mga sumasamba ditoay bulag at walang nalalaman.Kaya naman ang sinasapit nilaay kahihiyan.10Hangal ang taong gumagawang mga rebultong diyos-diyosan nahindi naman napapakinabangan.11Tandaan ninyo! Ang lahat ng sumasambasa mga rebulto ay mapapahiya,dahil ang mga iyanay gawa lamang ng tao.Magsama-sama man sila at akoʼy harapin,matatakot sila at mapapahiya rin.
12Ang panday ay kumukuhang kapirasong bakalat isinasalang sa baga.Pagkatapos, pupukpukin niya ito ng masoat sa kanyang lakasay ihuhugis itong rebulto.Nanghihina siya sa gutomat halos mawalan ng malaydahil sa uhaw.13Ang karpintero namanay sumusukat ng kaputol na kahoy.Ginuguhitan niya ito ng anyo ng tao.Pagkatapos, uukit siyang magandang larawan ng taosa pamamagitan ng kanyangmga gamit upang ilagaysa isang dambana.14At para may magamit siyang kahoy,pumuputol siya ng sedro, ensina,o sipres na kanyangitinanim sa kagubatan.Nagtanim din siya ng puno ng pino,at sa kadidilig ng ulan ay tumubo ito.15Ang ibang piraso ng kahoyay ginagamit niyang panggatongupang makainit at makaluto ng pagkain.At ang ibang piraso ng kahoyay ginagawa niyang diyos-diyosanna niluluhuran at sinasamba.16Ang ibang piraso namanay ipinanggagatong niyaat sa baga nitoʼy nag-iihaw siya ng karne,pagkatapos ay kumakainat nabubusog.Nagpapainit din siya sa apoy at sinasabi niya,“Ang sarap ng init.”17At ang ibang pirasoay ginagawa niyang rebultoat sa rebultong itoʼynananalangin siya nang ganito,“Iligtas mo ako, sapagkat ikawang aking diyos.”18Hindi alam at hindi nauunawaanng mga taong ito ang kanilang ginagawa.Tinakpan ang mga mata nilakaya hindi sila makakita.Tinakpan din ang kanilang mga isip,kaya hindi sila makaunawa.19Walang nakakaisip na magsabi,“Ang kaputol ng kahoyay ipinangluto ko ng pagkain,ipinang-ihaw ng karne na aking kinain.Gagawin ko bang kasuklam-suklamna rebulto ang natirang kahoy?Sasambahin ko baang isang pirasong kahoy?”20Ang mga gumagawa nitoʼyparang kumain ng abo.Ang hangal niyang isip ang nagligaw sa kanya,at hindi niya maililigtas ang kanyang sarili.At hindi siya papayagna ang rebultong nasa kanyaay hindi diyos.
21“Israel, dahil sa ikaway aking lingkod, isipin mo ito:Ginawa kitapara maglingkod sa akin.Hindi kita kalilimutan.22Hahawiin koang iyong mga kasalanan tulad ng ulapat ikakalat ko ang mga itogaya ng ambon sa umaga.Manumbalik ka sa akinupang mailigtas kita.”
23O kalangitan, umawit ka sa tuwa!O mundo, sumigaw kanang malakas!Umawit kayo,kayong mga bundokat mga kagubatan.Sapagkat Ililigtas ng Panginoonang lahi ni Jacob;ipapakita niyaang kanyang kapangyarihan sa Israel.

Muling Titirhan ang Jerusalem

24“Ito ang sinasabi ng Panginoonna inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo.“Ako ang Panginoonglumikha ng lahat ng bagay.Ako lang mag-isa ang naglatag ng langitat ako lang din ang lumikha ng mundo.25Binigo ko ang mga hula ng mga bulaang propeta.At ginagawa kong mangmangang mga nanghuhula.Binabaliktad ko ang sinasabi ng marurunongat ginagawa kong walang kabuluhanang kanilang nalalaman.26Ngunit tinutupad ko ang propesiyang aking mga lingkodat mga tagapagsalita.“Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan,at ang iba pang bayan ng Judana nagiba ay muling itatayo.27Kapag sinabi kong matutuyo ang ilog,matutuyo nga ito.28Sinabi ko kay Ciro,‘Ikaw ang tagapagbantayng aking mga mamamayanat gagawin moang lahat ng nais ko.Mag-uutos ka na muling itayoang Jerusalem at ang Templo roon.’ ”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3