Isaias43
Ang Nag-iisang Tagapagligtas ng Israel
1Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoonglumikha sa iyo, O Israel:“Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan,at ikaw ay akin.2Kapag dumaan ka sa tubig,akoʼy kasama mo.Kapag tatawid ka sa mga ilog,hindi ka malulunod.Kapag dumaan ka sa apoy,hindi ka masusunog;at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.3Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,ang Banal na Diyos ng Israel,na iyong Tagapagligtas.Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo,ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.4Ibibigay ko ang ibang mga taobilang kapalit mo,dahil ikaw ay marangalat mahalaga sa aking paningin,at dahil mahal kita.5Huwag kang matatakotsapagkat kasama mo ako.Titipunin ko ang iyong mga lahimula sa silangan hanggang sa kanluran.6Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga,‘Ibalik ninyo sila,’at sa timog, ‘Huwag ninyo silang pigilan.’Hayaan ninyong bumalikang aking mga mamamayanmula sa malayo,at umuwimula sa kasuluk-sulukan ng mundo.7Sila ang mga taong aking tinawag.Nilikha ko silapara sa aking karangalan.”8Tawagin mo ang aking mga mamamayanna may mga mata, ngunit hindi makakita;may mga tainga, ngunit hindi makarinig.9Tawagin mo ang lahatng mamamayan ng mga bansa.Sino sa mga diyos-diyosan nilaang makakahula tungkolsa hinaharap?Sino sa kanila ang makapagsasabitungkol sa mga nangyayari ngayon?Isama nila ang kanilang mga saksiupang patunayanang kanilang sinasabi,upang ang mga makakarinigay makapagsasabing, “Totoo nga.”10“Kayo ang aking mga saksi,”wika ng Panginoon.“Pinili ko kayong maging mga lingkod ko,upang makilala ninyo akoat magtiwala kayo sa akin,at maunawaan ninyo na ako lamang ang Diyos.Walang ibang Diyos na nauna sa akin,at wala ring Diyos na susunod pa sa akin.11Ako lamang ang Panginoonat maliban sa akinay wala nang iba pang Tagapagligtas.12Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo,at tinupad ko nga ito.Walang ibang Diyosna gumawa nito sa inyo,kayo ang mga saksi ko.”Sinabi pa ng Panginoon,“Ako ang Diyos.13Mula pa noon ako na ang Diyos.Walang makakatakassa aking mga kamay.Walang makakapagbagong mga ginagawa ko.”Ang Pangakong Tagumpay ng Diyos
14Ito ang sinasabing Panginoon ninyong Tagapagligtas,ang Banal na Diyos ng Israel,“Para maligtas kayo,ipapasalakay ko ang Babiloniasa mga sundalo ng isang bansa,at tatakas sila sa pamamagitanng mga barkong kanilang ipinagmamalaki.15Ako ang Panginoon,ang inyong Banal na Diyos,ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari.16“Ako ang Panginoonna gumawa ng daan sa dagat,ng landas sa gitna ng mabagsik na alon.17Tinipon ko ang mga karwaheat mga kabayo,at ang buong hukbo ng Ehipto.Doon sila natumbaat hindi na muling babangon pa.Para silang ilaw na namatay,napawi ang kanilang buhay.18Ngunit huwag na ninyongiisipin pa ang nakaraan,19dahil bagong bagay na ang gagawin ko.Itoʼy nangyayariat nakikita na ninyo.Gagawa ako ng daanat mga bukal sa disyerto.20Pararangalan ako ng maiilap na hayop,pati na ng mga asong-gubatat mga kuwago,dahil maglalagay akong mga bukal sa disyertopara may mainomang mga pinili kong mamamayan.21Sila ang mga taong aking nilikhapara sa akinat upang magpuri sa akin.22“Ngunit hindi mo ako tinawag, Jacob;nagsawa ka na sa akin, Israel.23Hindi ka na nag-aalay sa akinng mga tupang handog na sinusunog.Hindi mo na ako pinararangalanng iyong mga handogkahit na hindi kita pinahirapano pinagod sa paghinging mga handogna regalo at mga insenso.24Hindi mo ako ibinili ng mga insensoo pinagsawa sa mga taba ng hayopna iyong mga handog.Sa halip, pinahirapan mo akoat pinagod sa iyong mga kasalanan.25“Ako mismo ang naglilinisng mga kasalanan mopara sa aking karangalan,at hindi ko na iyon aalalahanin pa.26Isipin natin ang mga nakaraan.Magharap tayo.Patunayan mong wala kang kasalanan.27Nagkasala sa akinang mga ninuno mo,at nagrebelde sa akinang iyong mga pinuno.28Kaya inilagay ko sa kahihiyanang iyong mga opisyal,at ikaw, Israel, ay ipinaubaya kosa kapahamakan at kahihiyan.Biblica, Inc.