Isaias42

Ang Lingkod ng Panginoon

1“Narito ang lingkod kona aking pinalalakas ang loob.Pinili ko siyaat akoʼy nagagalak sa kanya.Sumasakanya ang aking Espiritu,at papairalin niya ang katarungansa mga bansa.2Hindi siya sisigaw o magsasalita nang malakaso magtataas ng bosessa mga lansangan.3Hindi niya pababayaanang mahihina ang pananampalataya at hindi niya tatalikuranang mga nawalan ng pag-asa.Matapat niyang papairalin ang katarungan.4Hindi siya manghihinao mawawalan ng pag-asahanggaʼt hindi niya lubusangnapapairal ang katarungansa buong mundo.Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”
5Ito ang sinabi ng Diyos, ang Panginoonna lumikha ng langitna iniladlad niyang parang tela.Nilikha niya ang mundoat ang lahat ng naroroon.Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga taoat sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo.6“Ako ang Panginoonna tumawag sa iyopara ipakita na akoʼy matuwid.Tutulungan at iingatan kita,at sa pamamagitan mogagawa ako ng kasunduan sa mga tao.Gagawin kitang ilawna magbibigay-liwanag sa mga bansa,7para imulat ang mga mata ng mga bulag,at magpalaya sa mga binihagna ikinulong sa madilimna bilangguan.
8“Ako ang Panginoon!Iyan ang aking pangalan!Hindi ko ibibigay kaninumano ibahagi sa mga diyos-diyosanang aking karangalanat mga papuri na para sa akin.9Tingnan mo!Ang mga bagay noonay nangyayari na,at ngayon ang ipinapahayag koay mga bagong bagay na;bago pa mangyari ang mga ito,ipinapaalam ko na saʼyo.”

Awit ng Papuri sa Panginoon

10Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit!Umawit kayo ng mga papuri sa kanya,kayong lahat na nasa mundo.Purihin ninyo siya,kayong mga naglalayag,kayong lahat ng mga nilikha sa dagatat kayong mga nakatirasa malalayong lugar.11Purihin ninyo siya, kayong mga bayanna nasa ilangat kayong mga taga-Kedar.Umawit kayo sa tuwa,kayong mga taga-Sela.Isigaw ninyo ang pagpupurisa tuktok ng mga bundok.12Parangalan ninyoat purihin ang Panginoon kayong mga isla.13Ang Panginoon ay lulusobtulad ng isang bayaning makisig,siyaʼy darating tulad ng isang mandirigma,puno ng galit.Isisigaw niya ang kanyanghudyat sa digmaan,at lulupigin niya ang lahatng kanyang kaaway.
14“Sa mahabang panahonnagsawalang-kibo ako;nanahimik akoat pinigilan ang sarili ko.Ngunit ngayon, tulad ngbabaeng nanganganak,akoʼy sisigaw, hihingal at uungol.15Gigibain ko ang mga bundokat mga burol,at lalantain ko ang mga pananim.Gagawin kong tuyong lupaang mga ilogat patutuyuin ko ang mga sapa.16Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag,sa landas na hindi pa nila nadaraanan,silaʼy aking gagabayan.Pagliliwanagin ko ang kadilimansa kanilang harapanat papantayin koang mga baku-bakong daanan.Gagawin ko ang mga bagay na ito;hindi ko sila pababayaan.17Ngunit ang mga nagtitiwalasa mga diyos-diyosan,at ang mga itinuturing na diyosang kanilang mga imahenay tatakas dahil sa malaking kahihiyan.

Ang Israel na Bulag at Bingi

18“Kayong mga bingi at bulag,makinig kayo at tumingin!19Kayoʼy mga lingkod ko at mga pinili.Isinugo ko kayobilang aking mga tagapagsalita,ngunit walang makakapantaysa inyong pagbibingi-bingihanat pagbubulag-bulagan.20Marami na kayong nakikitangunit hindi ninyo pinapansin.Nakakarinig kayongunit ayaw ninyong makinig!”21Nais ng Panginoonna parangalan ang kanyang kautusanpara ipakita na matuwid siya. 22Ngunit ngayon, ang kanyang mgamamamayan ay ninakawan,sinamsaman ng ari-arian,inihulog sa hukayo ipinasok sa bilangguan,at walang sinumangtumulong sa kanila.23Mayroon ba sa inyong gustong makinigo magbigay halaga mula ngayonsa inyong narinig?24Sino ang nagbigay ng pahintulotna nakawan si Jacobat samsaman ng ari-arian ang Israel?Hindi baʼt ang Panginoon,na siyang pinagkasalaan natin?Sapagkat hindi natin sinunodang mga pamamaraan niyaat mga kautusan.25Kung kaya, ipinadama ng Panginoonang matindi niyang galitsa atin sa pamamagitanng pagpapahirap sa atinsa digmaan.Ang galit niyaʼy parang apoyna nakapalibot at sumusunog sa atin,ngunit hindi natin ito pinansino inisip man lamang.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3