Isaias41

Ang Pagtulong ng Diyos ang Israel

1“Kayong mga nasa baybayin,tumahimik kayo at makinig sa akin.Kumuha kayo ng panibagong lakas,kayong mga bansa.Lumapit kayo sa akinat kayoʼy magsalita.Magtipon-tipon tayoat hatulan natin ito.2Sino ang nagpadala ng isang taomula sa silanganat nagbigay sa kanya ng tagumpaysa pakikipaglaban,saan man siya pumunta?Sino ang nagpasakop sa kanyang mga hari at mga bansa?Winasak niya ang mga bansa at pinatayang mga hari nito sa pamamagitanng espada at pana.At ang mga itoʼy nagingparang mga alikabokna tinangay ng hangin.3Hinabol niya silaat walang humarang sa kanyakahit sa mga lugar nahindi pa niya napupuntahan.4Sino ang gumawa ng lahat ng ito?Sino ang nagpanukalang lahat ng mga mangyayarimula pa noong unang henerasyon?Hindi baʼt ako?Akong Panginoon ay naroonnoong sinimulan ang mundo,at naroroon din akohanggang sa katapusan nito.
5“Nakita ng mga tao sa malalayong lugarang aking mga gawa,at nanginig sila sa takot.Nagtipon sila,6at ang bawat isaay nagtulungan at nagpalakas sa isaʼt isa.7Ang mga karpintero, platero,at ang iba pang mga manggagawana gumagawa ng mga diyos-diyosanay nagpalakas sa isaʼt isa na nagsasabi,‘Maganda ang pagkakagawa natin.’Pagkatapos, ipinako nilaang ginawa nilang rebultosa lalagyan nitopara hindi ito mabuwal.
8“Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkodat ikaw, Jacob, na pinili ko,mula sa lahi ni Abrahamna aking kaibigan,9tinawag kita at kinuhamula sa pinakamalayongdako ng mundo.Sinabi ko, ‘Ikaw ay aking lingkod.’Pinili kita at hindi itinakwil.10Huwag kang mangamba,sapagkat kasama mo ako;huwag kang malungkot,sapagkat ako ang iyong Diyos.Palalakasin kita at tutulungan.Aalalayan kita sa pamamagitanng kamay kong nagliligtas.
11“Ang lahat ng nagagalit sa iyoay tiyak na mapapahiya nang husto.Ang mga lumalaban sa iyoay mapapahamak at maglalaho.12At kahit hanapin moang iyong mga kaawayhindi mo na sila matatagpuan.Silang mga kumakalaban sa iyoay magiging walang kabuluhan.13Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.Ako ang nagpapalakas sa iyoat nagsasabing huwag kang matatakotdahil tutulungan kita.14Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakotdahil ako mismo ang tutulong sa iyo,”sabi ng Panginoon,ang iyong Tagapagligtas,ang Nag-iisang Banal ng Israel.15“Makinig ka! Gagawin kitangparang bagong panggiik,matalim at maraming ngipin.Gigiikin mo at duduruginang mga bundok at burol.Gagawin mo ito na parang ipa.16Tatahipan mo silaat tatangayin sila ng hangin;ikakalat sila ng malakas na hangin.Ngunit ikaw ay magagalak sa Panginoon;magpupuri ka sa Banal na Diyos ng Israel.
17“Kapag nangangailangan ng tubigang mga mamamayan kong dukha,at wala silang matagpuan,at kapag natutuyo naang mga lalamunan nila sa uhaw,akong Panginoonang tutulong sa kanila.Ako na Diyos ng Israelay hindi magpapabaya sa kanila.18Paaagusin ko ang tubig sa batis,dadaloy ito sa mga tuyong burolat magkakaroon ng mga bukalsa mga lambak.Gagawin kong tubigan ang ilangat ang mga lupang tigangay magkakaroon ng mga bukal.19Patutubuin ko sa ilangang mga puno ng sedro, akasya, mirto,olibo, pino, enebro, at sipres, 20upang makita, malaman,at maunawaan ng mga taona ang lumikha nito ay ako, ang Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel.”
21Sinabi ng Panginoon,ang Hari ng Israel,  sa mga diyos-diyosan,“Sige, magreklamo kayoat mangatuwiran!22Lumapit kayoat sabihin sa aminkung ano ang mga mangyayarisa hinaharap.Sabihin ninyo sa aminang inyong mga sinabi noonna mangyayaripara malaman naminkung nangyari nga ito.23Sabihin ninyo sa amin kung anoang mangyayari sa hinaharappara malaman namin na kayo ngaʼy mga diyos.Gumawa kayo ng mabutio ng masamapara kami ay magtakaat matakot sa inyo.24Ngunit ang totoo, wala kayong silbiat wala kayong magagawa.Kasuklam-suklam ang mgataong pumili sa inyopara kayo ay sambahin.25Pinili ko ang taongmula sa hilaga para mamahala.Dumudulog siya sa akin,at ngayon ay darating siyamula sa silangan.Wawasakin niya ang mga namamahalakatulad ng pagyapakng magpapalayok sa putik na gagawin niyang palayok.26Sino sa inyo ang nakahulanoong una pa na mangyayari itopara malaman naminat nang masabi naming tama siya?Ni isa man lang sa inyoʼy walang nagsabi,at walang nakarinigna mayroon kayong sinabi.27Ako ang nagsabi nito noon sa Zion,ang lungsod ng Jerusalem.Nagpadala ako ng isang mensaheropara ibalita ang magandang balitana nariyan na ang tutulongsa kanila.28Wala akong nakita kahit tumingin ako.Wala sa mga diyos-diyosanang makapagpapayo.Ni isa sa kanilaʼy hindi makasagotsa aking mga tanong.29Lahat ng mga diyos-diyosanay walang kabuluhan,at walang magagawang anuman.Para silang lalagyanna puro hangin ang laman.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3