Isaias40
Pinalakas ang Loob ng mga Mamamayan ng Diyos
1Sinabi ng Diyos,“Palakasin at pagaanin ninyoang loob ng aking mga mamamayan.2Magsalita kayo nang mahinahonsa mga taga-Jerusalem.Sabihin ninyo sa kanilana tapos na ang paghihirap nila,at pinatawad na ang kanilangmga kasalanan.Sapagkat pinarusahan sila ng Panginoonnang husto sa lahat ng kasalanan nila.”3May sumisigaw na nagsasabi,“Ihanda ninyo ang daan sa ilangpara sa Panginoon;tuwirin ninyo ang landas sa disyertopara sa ating Diyos.4Tambakan ninyo ang mga mababang lugar,patagin ang mga bundok at burol,at pantayin ang mga baku-bakong daan.5Mahahayag ang kaluwalhatianng Panginoon,at makikita ito ng lahat ng tao.Mangyayari nga itosapagkat ang Panginoonang nagsasabi nito.”6May nagsabi sa akin,“Mangaral ka!”Ang tanong ko naman,“Anong ipapangaral ko?”Sinabi niya,“Ipangaral mo na ang lahat ng taoay parang damo,ang kanilang katanyaganay parang mga bulaklak nito.7Ang damo ay nalalantaat ang bulaklak nito ay nalalaglagkapag hinipan ng hangingmula sa Panginoon.8Ang damo ay nalalantaat ang bulaklak nito ay nalalaglag,ngunit ang salita ng ating Diyosay mananatili magpakailanman.”9Kayong mga nagdadalang magandang balita sa Zion,umakyat kayo sa mataas na bundok.Isigaw ninyo ang magandangbalita sa Jerusalem.Lakasan ninyo, huwag kayong matakot.Sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda,“Nandito na ang inyong Diyos.”10Tingnan ninyo,ang Makapangyarihang Panginoonay dumaratingupang ipamalas ang kanyang lakas,at mamumuno siya na may kapangyarihan.Paparating siyang dalaang kanyang natamo,ang kanyang gantimpalaay naglalakad sa kanyang harapan.11Aalagaan niya ang kanyangmga mamamayan gaya ng pastolna nag-aalaga ng kanyang kawan.Kinakarga niya ang maliliit na tupaat maingat niyang pinapatnubayanang mga inahing tupa.12Sino ang makakatakal ng tubig sa dagatgamit ang kanyang palad,o makakasukat ng langitgamit ang kanyang kamay?Sinong makakapaglagay ng alikaboksa isang lalagyan,o makakapagtimbang ng mga bundokat mga burol?13Sino ang makapagsasabing nasa isip ng Panginoon,o makapagtuturo sa kanyakung ano ang dapat niyang gawin?14Kanino siya sumasangguni para maliwanagan,at sino ang nagturo sa kanyang tamang pagpapasya?Sino ang nagturo sa kanyang kaalaman,o nagpaliwanag sa kanyapara kanyang maunawaan?Wala!15Para sa Panginoon, ang mga bansaay para lamang isang patakng tubig sa timbao alikabok sa timbangan.Sa Diyos, ang mga pulo ay parangkasinggaan lamang ng alikabok.16Ang mga hayop sa Lebanonay hindi sapat na ihandog sa kanyaat ang mga kahoy doon ay kulangpang panggatong sa mga handog.17Ang lahat ng bansa ay balewalakung ihahambing sa kanya.At para sa kanyawalang halaga ang mga bansa.18Kaya kanino ninyo maihahambing ang Diyos?O saan ninyo siya maitutulad?19Maitutulad nʼyo ba siyasa mga diyos-diyosang inukit ng taoat binalutan ng ginto ng plateroat pagkatapos ay nilagyan ng mga palamutingpilak na kuwintas?20O sa matitigas na rebultong kahoyna hindi basta nabubulok,na ipinagawa ng taongdukha bilang handog?Ipinagawa niya itosa magaling umukit para hindi bumuwal.21Hindi nʼyo ba alamo hindi ba ninyo napakinggan?Wala bang nagbalita sa inyokung paano nilikha ang mundo?22Nilikha ito ng Diyos na nakauposa kanyang trono sa ibabaw ng mundo.Sa paningin niya, ang mga tao sa ibabaay parang mga tipaklong lamang.Iniladlad niya ang langit na parang kurtina,o parang isang tolda upang matirhan.23Inaalis niya sa kapangyarihanang mga pinuno ng mundoat ginagawang silang walang kuwenta.24Para silang mga tanimna bagong hasik sa lupaat halos hindi pa nagkakaugat.Hinihipan sila ng Panginoonat biglang nalalantaat tinatangay ng buhawi na parang ipa.25Sinabi ng Banal na Diyos,“Kanino ninyo ako ihahalintulad?Mayroon ba akong kapantay?”26Tumingala kayo at tumingin sa langit!Sino ang lumikha sa lahatnang inyong nakikita?Siya na nagpalabas ng mga bituinayon sa kanilang bilangat isa-isa silang tinatawagayon sa kanilang pangalan.At dahil sa kapangyarihanat lakas niyang dakila,ni isa man sa kanilaay walang nawawala.27Kayong lahi ni Jacob,bakit kayo nagrereklamo?Kayong mga mamamayan ng Israel,paano ninyo nasasabi ito:“Ang landas namiʼy nakatagosa Panginoon;hindi niya pinapansinang aming karapatan”?28Hindi nʼyo ba alam?Hindi nʼyo ba narinig?Ang Panginoon ang walang hanggang Diyosna lumikha hanggang sa dulo ng mundo.Hindi siya napapagod o nanghihinaat walang nakakaarokng kanyang pang-unawa.29Pinalalakas niya ang mga napapagodat ang mga nanghihina.30Kahit ang mga kabataan ay napapagod,nanlulupaypay at nabubuwal,31ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoonay muling magkakaroon ng lakas.Lilipad silang gaya ng isang agila.Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.Lumakad man sila ay hindi manghihina.Biblica, Inc.