Isaias34
Ang Hatol Laban sa mga Bansa
1Kayong mga bansa, lumapit kayoat makinig nang mabuti.Makinig ang buong mundoat ang lahat ng nasa kanya.2Sapagkat galit ang Panginoonsa lahat ng bansa;galit siya sa kanilang mga kawal.Ganap niyang lilipulin ang mga ito.Papatayin niya silang lahat.3Hindi ililibing ang kanilang mga bangkaykaya aalingasaw ito,at ang mga bundok ay mamumuladahil sa kanilang dugo.4Maglalaho ang lahat ng bituin sa kalangitan,at ang kalawakan ay bibilutinna parang kasulatan.Mahuhulog ang lahat ng bagay sa langitna parang nalalantang mga dahon ng ubaso nalalagas na bunga ng igos.5Pagkatapos gamitin ng Panginoonang kanyang espada sa langit,tatama naman ito sa Edomupang parusahan at lipulin.6Ang espada ng Panginoonay mapupuno ng dugo at taba,na parang ginamit sa pagkatayng mga kambing at tupang ihahandog,sapagkat papatayin ng Panginoonang mga taga-Bosra bilang handog.Marami ang kanyang papatayinsa iba pang mga lungsod ng Edom.7Papatayin din na parang mga toroang kanilang mga makapangyarihangmamamayan.Ang kanilang lupainay mapupuno ng dugo at taba.8Sapagkat ang Panginoonay may itinakdang araw para maghigantisa kanyang mga kaawaypara tulungan ang Zion.9Ang mga sapaat ang lupa sa Edom ay masisira. Ang buong bansa ay masusunogat hindi na mapapakinabangan.10At hindi ito mapapatay araw at gabi.Ang usok nitoʼy papailanlangmagpakailanman.Wala nang matitira o dadaan man langsa Edom kahit kailan.11Magiging tirahan itong mga kuwago at mga uwak.Nasa plano na ng Panginoonna iparanas sa lupaing itoang kaguluhan at kapahamakan.12At tatawagin itong,“Walang Kuwentang Kaharian.”Mawawala ang lahat ng pinuno nito.13Tutubo ang matitinik na mga halamansa mga tanggulang lungsodat matitibay na bahagi nito.Maninirahan doon ang mga kuwagoat mga asong-gubat.14Magsasama-sama roonang mga asong-gubatkasama ng iba pang hayop sa gubat.Tatawagin ng mga maiilap na kambingang mga kasamahan nila roon.At ang mga malignong lumalabas kapag gabiay pupunta roon para magpahinga.15Ang mga kuwago ay magpupugad doon,mangingitlog, mamimisa,at iingatan nila ang kanilang mga inakaysa ilalim ng kanilang mga pakpak.Ang mga uwak ay pares-paresna magtitipon roon.16Tingnan ninyo ang aklat ng Panginoon at basahin.Wala ni isa man sa mga sinabi koang hindi matutupad.Walang mawawala ni isa mansa mga hayop na iyon,at wala ni isa man sa mga itoang walang kapares,sapagkat iyan ang ipinasya ng Panginoon,at siya mismo ang magtitipon sa kanila.17Siya ang magbibigaysa mga hayop ng lupana kanilang titirhan.Mapapasakanila ito magpakailanman,at doon sila titira magpakailanman.Biblica, Inc.